Hayaang Sabihin Sa Inyo Ng Sanggol - Mga tip para sa komunikasyon ng magulang-anak

(Binago ang nilalaman 03/2017)

Mga tip para sa komunikasyon ng magulang-anak

(Para sa mga magulang ng mga batang wala pang dalawang taong gulang)

Ipinanganak ang mga bata upang masiyahan sa pakikipag-usap sa iba; bago sila makapagsalita, ipinahahayag na nila ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan sa iba’t-ibang paraan na hindi berbal (ekspresyon ng mukha, mga paggalaw ng katawan at mga boses atbp). Ginawa itong mahalagang impormasyon na “Mga Tip para sa Komunikasyon ng Magulang-Anak” at video na “Hayaang Sabihin Sa Inyo Ng Sanggol” na may layuning tumulong sa mga magulang na maunawaan at magtaglay ng mahahalagang kasanayan ng mabisang komunikasyon ng magulang-anak.

*Dinaragdagan nitong mahalagang impormasyon ang video na ‘Hayaang Sabihin Sa Inyo Ng Sanggol’ at inirerekomendang panoorin ang mga ito nang sama-sama upang magkaroon ng lubusang pag-unawa sa mabisang komunikasyon ng magulang-anak. Maaari ninyong ma-access ang video sa pagbisita sa website ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya (Family Health Service), Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health) www.fhs.gov.hk o humiram ng DVD mula sa mga doktor at nurse ng Maternal & Child Health Centre.

Ano ang mabisang komunikasyon ng magulang-anak?

Kapag nakikipag-usap tayo sa ating mga anak, tila nagpopokus tayo sa ating sariling mga ideya o sa mga utos na ibinibigay natin sa mga bata nang hindi inaasikaso ang kanilang mga tugon o interes. Ang naturang “isang direksyon na komunikasyon”, gaya ng “dapat mong ilagay ang mga ring dito” o “dalhin mo ang bola rito”, ay mahirap makakuha ng tugon ng mga bata, at hindi makakapukaw ng kanilang interes sa pagsasalita.

Dapat dalawang direksyon ang mabisang komunikasyon ng magulang-anak at nakikipag-ugnayan kung saan ginagawa ng parehong magulang at anak ang kanilang parte at nasisiyahan sa proseso. Kapag nakikipag-ugnayan kayo sa inyong anak, maaari ninyong obserbahan ang mga ekspresyon ng kanyang mukha, mga boses at hudyat. Subukang hulaan ang mga kahulugan ng mga pahayag na hindi ginagamitan ng salita at tumugon nang naaangkop. Sa paraang iyon, malalaman ng inyong anak na sinusubuklan ninyong maintindihan siya at kapalit ay magpapakita siya ng interes at tutugon sa inyo.

Nangyayari ang komunikasyon ng magulang-anak kapag nakikipaglaro kayo sa inyong anak o kapag ipinahahayag niya ang kanyang mga pangangailangan sa inyo. Mahalagang bahagi sa buhay ng mga bata ang laro. Nakakarelaks ito at gumagawa ng mga pagkakataon para sa komunikasyon. Sa ilalim ng masayang kapaligiran na ito, magiging masaya ang mga bata na tumuklas at matuto kasama kayo. Maaari ninyong gamitin ang oras upang turuan siya kung paano ipahayag ang kanyang mga pangangailangan.

Paano maghanda para sa komunikasyon ng magulang-anak?

Natatangi ang bawat bata at nag-iiba-iba ang bilis ng kanilang paglaki. Dapat kayong pumili ng mga aktibidad sa paglalaro na angkop sa kanyang yugto at bilis ng paglaki, pag-uugali at mga interes. Mababawasan ang kanyang interes na sumali sa mga larong alinmay ay napakahirap o napakadali para sa inyong anak at aalisin ang pagkakataong matuto mula sa kanya.

Para sa karagdagang impormasyon sa pag-unlad ng bata, mangyaring basahin ang mga serye ng polyeto na “Pag-unlad ng Bata” at “Pagiging magulang” na inilathala ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya (Family Health Service), Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health).

  1. Maganda ang pakiramdam

    Kapag maganda ang inyong pakiramdam, magkakaroon kayo ng tiyaga na obserbahan ang pag-uugali ng inyong anak habang naglalaro at tumugon nang naaangkop, upang makamit ang mabisang komunikasyon ng magulang-anak. Kapag pagod kayo o wala sa kondisyon, huwag pilitin ang inyong sarili na makipaglaro sa inyong anak. Sa halip, magpahinga at magrelaks bago makipaglaro sa inyong anak upang hindi ninyo malampasan ang kasiyahan nito.

  2. Pag-unawa sa mga katangian ng inyong anak
  3. Tiyempo at lokasyon

    Hangga’t hindi pa sobrang pagod o masama ang pakiramdam ng inyong anak, maaari kayong makipag-usap at makipaglaro sa inyong anak anumang oras sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-araw-araw na sitwasyon na nagkaka-ugnayan kayo.

Mga Mabisang Kasanayan para sa komunikasyon ng magulang-anak

Sa mga paghahandang nabanggit, magiging mas madali ang komunikasyon ng magulang-anak kapag ginamit ninyo ang mga sumusunod na kasanayan.

  1. Harapan

    Pinabibilis ng "harapan" ang pakikipag-ugnayan. Binibigyang-daan kayo nito na obserbahan ang pag-uugali ng inyong anak habang nakikita niya nang malinaw ang ekspresyon ng inyong mukha. Maaari kayong tumingkayad o umupo sa sahig upang i-adjust ang inyong sarili sa taas ng bata.

  2. Hayaang manguna ang bata

    Patataasin ang kanyang hangaring makipag-usap ng pagpayag na manguna ang bata sa komunikasyon. Magiging masaya siyang tumuklas at matuto kasama kayo. Maaari muna ninyong obserbahan kung saan interesado ang bata o laruin, pagkatapos ay sundan ang kanyang interes at maging kanyang kalaro.

    Kung hindi nagpapakita ng interes ang inyong anak sa napili ninyong aktibidad, huwag siyang pilitin o maaaring mainis ninyo siya.

    Halimbawa: Gusto ng ina na maglaro ng mga plastic ring kasama ang kanyang anak na babae, ngunit mas interesado ang bata sa paghahagis ng mga bola. Kaya susundin ng ina ang kanyang interes at maghahagis ng mga bola na kasama niya. Kasabay nito, inilalarawan niya ang kanyang mga kilos at itinuturo sa kanya ang mga kaugnay na salita.

  3. Pagsasabi tungkol sa mga bagay na nakikita

    Nakatutulong ang paglalarawan ng mga bagay na nakikita sa mga bata upang maunawaan nila nang higit pa ang mga bagay at pangyayari, at pinabubuti rin ang kanilang pag-unlad ng wika. Depende sa sitwasyon at interes ng mga bata, maaari kayong gumamit ng mga kilos kasama ang mga simpleng salita upang ilarawan ang mga bagay o ang mga kilos na nasasangkot. Gumamit ng mga simpleng parirala upang ipakilala ang bokabularyo tulad ng mga pangalan ng mga bagay, kanilang mga katangian o gamit sa mga bata, upang madali nilang maunawaan ang mga kahulugan.

    Tandaang huminto kapag nagsasalita kayo. Magbibigay ito ng pagkakataon sa bata na tumugon at sumali na nagpapataas ng pagkakataon na maipahayag niya ang kanyang sarili.

    Halimbawa: Kapag nakikipaglaro ang ama sa kanyang anak na lalaki, inilalarawan niya ang sitwasyon sa kanyang anak na lalaki gamit ang mga simpleng salita. Habang iniaabot niya ang mga ring na hugis bibe sa kanyang anak, sinasabi niyang “Bibi ”, “Ipasok ito”, at inilalarawan ang mga katangian nito, “Narito ang butas!”

  4. Pagtugon ng mas marami pa at maging mapagpahalaga

    Purihin at agarang tumugon sa mga pagsisikap ng bata sa pagpapahayag ng kanyang sarili. Hinihikayat nito na sumali siya sa pakikipag-usap sa inyo pati na rin inuudyukan siya na ipahayag ang kanyang sarili. Kapag nagpapahayag ang bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga tunog o hudyat, maaari ninyong gayahin ang kanyang mga galaw at hulaan kung ano ang ibig niyang sabihin. Gayundin, tumugon sa pamamagitan ng paglalarawan ng kanyang mga galaw sa mga simpleng salita. Purihin siya sa kanyang mga pagtatangka.

    Halimbawa: Nakikipaglaro ang ama ng mga plastic ring kasama ang kanyang anak na lalaki. Pinupuri niya ang kanyang anak sa pagsali. Kapag nagpapakita ang anak ng kawalang-tiyaga sa pamamagitan ng kanyang mga tunog, malalaman ng ama na hindi na siya interesado at tumutugon, “Hindi mo ito gusto? Gusto mong ito ang laruin natin?”

Pagkakaroon ng makatwirang inaasahan

Puno ng kasiyahan at mga pagsubok ang pagpapalaki ng anak. May iba't ibang bilis at kalakasan sa pag-unlad ang bawat bata; maaari silang magtamo ng ilang kasanayan sa ilang larangan ng pag-unlad nang mas maaga habang kinalaunan sa ibang larangan.

Kailangang intindihin at tanggapin ng mga magulang na magkakaroon ng indibidwal na pagkakaiba sa pag-unlad ng kanilang mga anak. Kung minsan, kahit na gumamit ka ng mabisang kasanayan sa komunikasyon, maaaring hindi nagpapakita ng makabuluhang paghusay ang kanyang pagganap gaya ng inyong inaasahan. Kapag kaya ninyong sundan ang kanyang bilis sa pagkatuto at matiyaga siyang gabayan, magiging masaya kayong makita na umuunlad ang inyong anak nang masaya sa panatag na kapaligiran.

Kung mayroon kayong anumang tanong tungkol sa pag-unlad ng inyong anak, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa Maternal & Child Health Centre o iba pang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan.

24 na oras na Hotline ng Impormasyon ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya, Kagawaran ng Kalusugan:
2112 9900

Website ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya, Kagawaran ng Kalusugan: www.fhs.gov.hk

Website ng Serbisyo sa Pagsusuri ng Bata, Kagawaran ng Kalusugan: www.dhcas.gov.hk