Pag-unlad ng Bata 7- Dalawa hanggang Tatlong Taon

(Binago ang nilalaman 12/2019)

Pagkatapos ng ikalawang kaarawan, medyo babagal ang bilis ng pisikal na paglaki at pag-unald ng paggalaw ng inyong anak. Ngunit, makakakita ka ng ilang napakalaking pagbabago sa kanyang pag-unlad na pangkaisipan, wika, pakikisalamuha at emosyon. Ang mga pag-aaway na nagmula sa iyong tumaas na pag-asa at ang kanyang lumalagong kalayaan ay maaaring maging emosyonal para sa pareho. Magiging mas madali para sa inyong dalawa sa mga susunod na taon ang pag-unawa at pagtanggap sa mga pagbabagong ito, at pagtataguyod sa positibong pamamaraan ng pagiging magulang. Matututunan niyang maramdaman ang ginhawa, may kakayahan at espesyal. Makatutulong sa kanya ang mga damdaming ito upang mabuo ang positibong imahe ng sarili at mag-adjust nang mas matagumpay sa mga kailangan sa pakikisalamuha sa hinaharap.

Sa pagtatapos ng panahong ito, magagawa ng inyong sanggol ang:

Paggalaw

  • Tumakbo nang mabilis
  • Sumipa ng bola
  • Tumalon at umakyat nang maayos
  • Umakyat at bumaba sa hagdan nang walang anumang tulong
  • Magpedal sa tricycle

Mga kasanayan ng kamay at daliri

  • Hawakan ang lapis at gumuguhit ng patayo at pahalang na mga guhit sa papel
  • Bumuo ng simpleng modelo ng mga laruang itinatayo
  • Magtahi ng mga bead
  • Ilipat ang mga pahina ng aklat nang paisa-isa
  • Susian ang mga laruan

Pag-unlad ng wika

  • Sumusunod sa mga maiikling utos (hal. “Ilagay ang kotse sa kahon ng laruan.”)
  • Nakikilala at natutukoy ang mga pinakakaraniwang bagay at larawan
  • Naiintindihan ang mga pandiwa at pang-uri (hal. “buksan”, “mainit”, atbp.)
  • Sumasagot ng mga simpleng tanong na “Oo/Hindi”, “Ano” at “Saan”
  • Nagsasalita sa mga parirala o simpleng pangungusap (hal. “Mommy gusto ko ng cookies”, “Nasaaan ang bola?”)
  • Nagsisimulang gumamit ng mga panghalip (hal. “Gusto ko ang aking baso”)
  • Ibinibigay ang pangalan at edad kapag tinatanong
  • Gustong magtanong ng mga tanong na “Ano”

Pag-unlad ng Pang-unawa

Sa ngayon ang proseso ng pagkakatuto ng inyong anak ay naging mas maalalahanin. Nagsisimula siyang makabuo ng mga imahe ng bagay, galaw at konsepto sa isip batay sa wika. Kaya na niya ngayong lumutas ng problema sa isip sa halip na umasa sa pagmamanipula ng mga bagay nang pisikal. Binibigyang-daan siyang maging mas nakapokus at sumali sa tahimik na laro ng kanyang humusay na memorya at lawak ng atensyon. Habang nagsisimula niyang maintindihan ang kaugnayan sa pagitan ng mga bagay, masisiyahan siya sa pagbubuo ng mga simpleng puzzle at iba't ibang laro ng pag-aayos. Tumutulong sa kanya ang konsepto ng "sanhi at epekto" na malaman kung paano gumagana ang ilang laruan, hal. de-susing laruan. Gayunman, hindi pa rin niya kaya ang basal na lohikal na pangangatuwiran. Ang pananaw niya sa mundo ay simple at tapat. Dahil tatanggapin niya ang inyong mga salita nang literal, at maaaring hindi maintindihan ang mga biro, kailangan ninyong maging maingat sa pagpili ng inyong mga salita.

  • Itinutugma ang mga bagay sa mga larawan
  • Inaayos at tinutukoy ang ilang kulay
  • Nagsisimulang maintindihan ang mga konsepto ng bilang, alam ang konsepto ng "isa" at "dalawa"
  • Natatapos ang mga puzzle na 3-4 na piraso
  • Nagiging mas detalyado sa larong pagkukunwari, gumaganap ng tungkulin (hal. nagkukunwaring isang doktor o guro).

Pag-unlad ng pakikisalamuha at emosyon

  • Makasarili pa rin
  • Ginagaya ang mga gawi at pag-uugali ng mga adulto at kalaro
  • Nagpapakita ng pagmamahal para sa mga kilalang kalaro
  • Nagsisimulang humalili at magpahiram.
  • Nagpapakita ng pag-aalboroto at pagrerebelde kapag nagalit

Mga Kasanayan ng Pangangalaga sa Sarili

  • Nananatiling tuyo sa araw
  • Pinakakain ang sarili nang mahusay
  • Nagbibihis at naghuhubad ng mga simpleng kasuotan

Pagpapasigla ng pag-unlad ng maliit na bata

Ang mga bata sa edad na ito ay maaaring sobrang aktibo at masigla. Normal para sa inyong anak na mas gustuhin ang pagtakbo, pagtalon, at pag-akyat kaysa sa paglakad nang mabagal o pag-upo nang walang-kibo. Kung aktibong bata siya, i-adjust ang inyong inaasahan. Sa halip na ilagay siya sa isang kapaligiran na nakakulong, subukang bigyan siya ng mga pagkakataon upang ilabas ang kanyang lakas sa pamamagitan ng pagtakbo at paglibot sa isang ligtas at bukas na espasyo (hal. gaya ng mga palaruan at parke) sa ilalim ng inyong pamamahala.

Patuloy na gumugol ng oras kasama ang inyong anak; ipakita ang pagmamahal at atensyon sa kanya. Magtatag ng mga simple patakaran kasama ang inyong anak at maging matatag sa pagpapatupad ng mga ito. Hikayatin ang mga kanais-nais na pag-uugali sa pamamagitan ng pagpuri sa kanya o pagbibigay ng positibong atensyon. Maging mabuting halimbawa upang matutunan ng inyong anak. Gamitin ang bawat pagkakataon upang turuan siya ng mga bagong kasanayan.

Magbibigay ng tsansa sa kanya ang pagpasok sa nursery school para makisalamuha siya sa ibang bata at mga adulto sa labas ng bahay. Makatutulong ito sa kanya na mapahusay ang kanyang mga kasanayan sa pakikisalamuha pati na rin ang pagpapakilala sa kanya sa mga mas pormal na patakaran kaysa sa mga itinatag sa bahay.

Ano ang maaari ninyong gawin:
  • Hayaan ang inyong anak na gumugol ng hindi bababa sa 3 oras bawat araw sa iba't ibang pisikal na aktibidad.

    Dalhin sa labas ang inyong anak araw-araw, hayaan siyang tumakbo, maglaro at tumuklas hal. sa mga palaruan at parke.

  • Iwasang pigilan ang inyong anak sa stroller o mataas na upuan nang mahigit sa 1 oras sa isang pagkakataon
  • Gamitin ang pang-araw-araw na mga aktibidad upang ipakilala ang mga konsepto gaya ng laki, kulay at mga bilang
  • Magbasa sa inyong anak bawat araw, hikayatin siyang matuto ng mga bagong salita, tulungan siyang mapahaba ang kanyang mga pangungusap at sumagot ng mga simpleng tanong
  • Makatutulong ang mga aklat na nakatuon sa aktibidad at makukulay na larawan o mga aklat ng maikling kuwento upang mapanatili ang kanyang atensyon sa pagbabasa
  • Hikayatin at sumali sa mga larong pagkukunwari kasama ang inyong anak, na gumagamit ng mga materyales sa bahay
  • Hikayatin siya na maging malaya sa mga simpleng aktibidad na pangangalaga sa sarili
  • Magbigay ng mga pagkakataon para sa inyong anak na makipaglaro sa ibang bata at adulto
  • Limitahan ang oras ng panonood ng inyong anak sa iba't ibang elektronikong media sa hindi hihigit sa 1 oras. Pumili ng mga angkop na programa para panoorin niya at makipaglaro at gabayan siya
Mga laruang maaari ninyong piliin:
  • Mga maliliit na laruan gaya ng set ng tsaa, bahay ng manika, kotse at garahe, atbp
  • Mga malikhaing laruan gaya ng mga building block at play-doh, atbp
  • Mga materyales sa pagpipinta at pagguhit
  • Makukulay na larawan o mga aklat ng maikling kuwento
  • Mga simpleng puzzle at mga laruan ng pagtutugma
  • Mga instrumentong pangmusika hal. laruang piano, tambol, atbp

Nagbibigay lang ang impormasyon sa itaas ng pangkalahatang ideya ng mga pagbabagong inaasahan habang lumalaki ang inyong anak. Bawat bata ay natatangi at kadalasang normal ang malawak na mga pagkakaiba sa bilis ng pag-unlad. Huwag masyadong maalarma kung medyo iba ang tiyempo ng inyong anak o nabibigong makamit ang tiyak na kakayahan sa ilang yugto. Maaari lang nitong inihuhudyat ang pangangailangan para sa mas maraming atensyon.

Talakayin sa mga doktor o nurse kung, sa pagtatapos ng yugtong ito, ang inyong anak ay

  • Madalas na nadadapa o hindi makaakyat sa hagdan nang mag-isa
  • Hindi gumuguhit ng patayo at pahalang na mga linya
  • Hindi kumakain gamit ang kutsara, tinidor o mga chopstick
  • Nabibigong maintindihan ang mga simpleng tagubilin hal. " Pumunta ka sa kuwarto at kuhanin ang amerikana "
  • Nabibigong makipag-usap sa 2-3 salita na parirala (hal. "uminom ng juice", "gusto ang bola")
  • Hindi nagpapakita ng interes sa ibang bata
  • Hindi sumasali sa larong pagkukunwari gaya ng dula-dulaan
  • Nagpapakita ng matinding kahirapan sa paghiwalay mula sa tagapag-alaga sa karamihang sitwasyon

Kung mayroon kayong anumang alalahanin o tanong, talakayin sa mga nurse at doktor sa alinmang MCHC o sa inyong doktor/pediatrician ng pamilya.

Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng "Masayang Pagiging Magulang!' para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.