Mga dapat tandaan sa kaligtasan ng paggamit ng mga carrier ng sanggol

(Binago ang nilalaman 12/2019)

Sa ngayon, mabibili ang mga produktong para sa sanggol na sariwa at may kamangha-manghang mga disensyo na maaasahang may malawak na hanay ng mga pagpipilian. Bilang matatalinong magulang, dapat unahin ang kaligtasan kapag bumibili. Sisiguraduhin ng tamang paggamit ng mga produktong ito na gagana sila nang mabuti upang protektahan ang kanilang mahal sa buhay.

Mga Carrier ng Sanggol

Ang carrier ng sanggol, o Mei Tai, ay isang device na isinusuot sa katawan ng tagapag-alaga para madali ang pagbuhat at pag-aalaga sa sanggol. Ipinakita ng mga dating pag-aaral na tumutulong ang pagbubuhat ng sanggol sa sakbat na malapit sa ina upang mapanatag at mapaginhawa ang kanyang umiiyak na sanggol. Pinahuhusay ng pagbuhat sa harapan ang interaksyon at pagkakalapit ng tagapag-alaga at sanggol. Gayunman, ipinapayo ng American Academy of Pediatrics na angkop lamang ang mga carrier ng sanggol sa mga sanggol na mahigit sa tatlong buwan gulang. Para sa mga mas batang sanggol, dapat piliin ang pagbubuhat gamit ang kamay o mga pushchair.

Ano ang mga kaibahan ng iba’t-ibang uri ng mga carrier ng sanggol?

May malawak na hanay ng mga uri ang mga carrier ng sanggol, ngunit maaari uriin ang mga ito sa mga disenyo na pang-isahang balikat at pangdalawahang balikat:

Mga uri Tampok Posisyon Disbentaha
Disenyo na pang-isahang balikat:
  • Nakapalibot na sakbat
  • Sakbat na ring
  • Sakbat na lukbutan
  • Gawa sa bulak o halo-halong tela
  • Nababatak o hindi nababatak
  • Maliit na disensyo para madaling buhatin at itago
  • Madaling gamitin
  • Mga tali sa balikat na mayroon o walang sapin
  • Ginagawa ng dalawang ring na nakakabit sa isang dulo ng sakbat na ring na madaling mai-adjust at ligtas ang kagamitan.
  • Maaaring i-adjust ang mga sakbat na lukbutan na may mga ring o zipper upang umakma sa mga gumagamit na magkakaiba ang laki.
Mas maliit na sanggol:
  • Pagbuhat na nakahiga o pagbuhat na nakatayo
Mas Malalaking Sanggol:
  • Pagbuhat gamit ang balakang
  • Maaaring nakakapagod kapag matagal na nakasuot
  • Kailangan ng oras upang matutunang gamitin ang nakapalibot na sakbat
  • Hindi naiaakma sa mga pangangailangan ng mga gumagamit ang hindi naia-adjust na mga sakbat.
  • Nililimitahan ang paggalaw ng mga binti ng sanggol
  • Pinatataas ang panganib ng hip dysplasia
Mga uri Tampok Posisyon Disbentaha
Disenyo na pandalawahang balikat:
  • Mei Tai
  • Isang piraso ng tela o malambot na panel na may mga tali sa balikat at sinturon sa baywang
  • Ang ilan ay may patungan ng ulo para sa sanggol o maliit na bulsa para sa maliliit na gamit
  • Malapad na tali sa balikat
  • May sapin o walang sapin
  • Madaling gamitin
  • Maikakalat ang bigat ng sanggol
  • Naaangkop para sa pangmatagalang gamit

Pagbuhat nang patayo sa harap (ng nakaharap ang sanggol paloob o palabas) o pagbuhat nang patayo sa likod

  • Maaari lang buhatin ang sanggol sa patayong posisyon
  • Mas malaki at hindi maginhawa ang Mei Tai na may sandalan ng ulo para sa pagbubuhat kahit saan
  • Maaaring magkadumi ang mahahabang tali dahil maaaring madaling makaladkad ang mga ito sa lupa
  • Backpack
  • Malambot na istrukturang carrier
  • Ergonomikong dinisensyo ang malalambot na istrukturang carrier na may makakapal na saping pantali sa balikat at sinturon sa baywang para sa mga sanggol na mas malalaki/mabibigat
Pagbuhat nang patayo sa harap (ng nakaharap ang sanggol paloob o palabas) o pagbuhat nang patayo sa likod Medyo malaki, hindi madaling dalhin kahit saan o sa tindahan

Ano ang dapat tingnan kapag pumipili ng carrier ng sanggol?

Bukod sa personal na kagustuhan at mga pangangailangan, dapat tandaan ng mga magulang ang mga sumusunod na puntos kapag pumipili ng carrier ng sanggol:

Basahin ang mga tagubilin bago bumili at gumamit ng carrier ng sanggol

  • Ligtas at maginhawa
    • Nagbibigay ng matatag at sapat na suporta ang panlikod na panel (at ang sandalan ng ulo)
    • Angkop ang laki ng mga butas para sa binti, nababalutan ng nababanat na tela at malambot na sapin
    • Dapat na suportadong mabuti ang balakang at hita ng sanggol upang maiwasan ang maluwag na pagkabitin ng hita ng sanggol at paglalagay ng sobrang presyon sa mga kasukasuan ng balakang
    • Dapat sapat ang lapad ng mga tali at sinturon sa baiwang na may sapin. Dapat matibay, buo at ginawang may matibay na tahi ang mga ito, kasama ang iba pang bahagi (tulad ng mga ring)
    • Dapat naia-adjust ang mga tali
    • Naaangkop sa laki, bigat, edad at paglaki ng sanggol
  • Madaling matutunan at gamitin
  • Madaling linisin
  • Madaling dalhin kahit saan at sa tindahan
  • Gawa sa bulak

Backpack na gawa sa metal:

  • makinis na mga tahi na walang matatalim na bahagi
  • may mga ligtas na kandado
  • may sapin sa mga bahagi na pumapalibot sa sanggol

Ano ang dapat tingnan kapag ginagamit ang carrier ng sanggol?

Dapat bantayan ng mga tagapag-alaga ang mga sumusunod na isyung pangkaligtasan bago gamitin ang carrier ng sanggol:

  • HINDI angkop ang isahang mga sakbat sa balikat o mga backpack para sa mga sanggol na wala pang apat na buwang gulang
  • Subukan lamang ang bagong carrier kapag nasisiyahan ang iyong sanggol
  • Humingi ng tulong sa miyembro ng pamilya kapag gagamitin ang carrier sa unang pagkakataon
  • Tiyakin ang sapat na suporta sa ulo at leeg ng sanggol dahil kapag natutulog ang mga sanggol, nakapahinga ang kanilang kalamnan sa likod
  • Ilagay at alisin ang carrier sa isang ligtas at matatag na lugar
  • Gumamit ng salamin upang tingnan ang posisyon ng inyong sanggol. Siguraduhing matatag at maaayos na nakasara ang mga tali sa balikat, sinturon sa baywang o mga ring at tiyakin na lapat na lapat ang inyong sanggol sa carrier
  • Tingnan nang madalas ang inyong sanggol upang tiyakin na sila ay hindi naiinitan o nalalamigan
  • Tiyakin na nakakahinga ang inyong sanggol nang walang anumang balakid, lalo na kapag ginagamit ang sakbat na pang-isahang balikat:
    • Huwag buhatin ang inyong sanggol na nakatalungko na nakapatong ang kanilang baba sa kanilang dibdib
    • Huwag buhatin ang inyong sanggol nang napakababa sa sakbat
    • Huwag buhatin ang inyong sanggol na mahigpit ang pagkakadikit ng kanilang mukha sa inyo
    • Huwag hayaang matakpan ang ulo at mukha ng inyong sanggol ng sakbat o anumang malambot na bagay, gaya ng mga damit
  • Iwasang maabot ng inyong sanggol ang mga mapanganib na bagay gaya ng mga gamit sa pagluluto at bentilador
  • Protektahan ang inyong sanggol mula sa matindi at direktang sikat ng araw at lagyan sila ng sapat na pamproteksyon sa araw, gaya ng paggamit ng payong
  • Huwag lumukso, tumalon, tumakbo o yumugyog kapag ginagamit ang carrier upang maiwasan ang pagkapinsala ng utak, leeg at likod ng inyong sanggol
  • Lumuhod kung may kailangan kayong pulitin na anumang bagay
  • Huwag kailanman gumamit ng carrier kapag nakasakay sa kotse na may seat belt

Para sa mga detalye, mangyaring bisitahin ang sumusunod na webpage sa “Kaligtasan ng Bata sa mga Kotse

Mga pushchair

Gumagamit ng mga pushchair ang karamihang magulang kapag lumalabas kasama ang kanilang mga sanggol upang bigyan ang mga sanggol ng maayos na lugar para sa maikling pahinga. Samantala, maaari ding magsilbi ang basket ng pushchair bilang imbakan para sa ilang madaling gamiting bagay. Ayon sa Kautusan sa Kaligtasan ng mga Laruan at Produktong Pambata, dapat matugunan ng mga pushchair na ibinebenta sa Hong Kong ang European Standard (BS EN 1888:2012), ang ASTM Standard (ASTM F833-15) o ang Joint Australian/New Zealand Standard (AS/NZS 2088:2013)*. Tiyakin na tingnan ang mga naturang sertipikasyon kapag bumibili. Para sa mga sanggol na wala pang 6 na buwan na maaari lang makahiga at hindi makaupo nang maayos na nag-iisa, piliing gumamit lang ng mga pushchair na ang mga upuan ay nagbibigay-daan ng mas malawak na anggulo ng pagsandal na 150 degrees o higit pa.

Kapag gumagamit ng pushchair, dapat mag-ingat ang mga magulang sa mga sumusunod:

  • Sundin ang mga tagubilin mula sa tagagawa o ihinto ang paggamit nito kung makakita kayo ng anumang sira;
  • Siguraduhing ikandado ninyo ang sinturong pangkaligtasan para sa inyong sanggol, at laging tingnan at i-adjust ang sinturon para sa tamang sukat;
  • Kapag inihihinto ninyo ang pushchair, ikawing ang lahat ng preno ng mga gulong upang hindi patuloy na gumulong ang pushchair sa panganib;
  • Para sa natitiklop na pushchair, tingnan kung nakakawing ang mga kandado upang maiwasan ang aksidenteng pagkatiklop at hindi pagkatiklop;
  • Para sa pushchair na may nababaliktad na hawakan, huwag ibaligtad ang hawakan kapag nasa pushchair ang inyong sanggol upang maiwasan maipit o masakatan ang kanilang mga daliri o braso;
  • Huwag magsabit ng mabibigat na bagay sa hawakan upang maiwasang tumaob ang pushchair dahil sa pagkawala ng balanse;
  • Huwag kailanman hayaang laruin ng mga bata ang pushchair o itulak ito kahit saan;
  • Huwag kailanman gamitin ang pushchair sa mga hagdan o escalator upang maiwasan ang mga aksidente;
  • Maliban kung ito ay double pushchair, huwag magdala ng higit sa isang sanggol;
  • Dapat regular na labhan ang mga natatanggal na takip ng upuan para sa kalinisan.

Para sa mga detalye, mangyaring bisitahin ang webpage ng Consumer Council:
https://www.consumer.org.hk/ws_chi/consumer_alerts/graph/478/ pushchairs.html (Bersyon na Tsino lang ang magagamit sa pahinang ito.)
*https://www.elegislation.gov.hk/hk/cap424!en?INDEX_CS=N

Mga mataas na upuan

Nagsisimulang kumain ng matigas na pagkain ang mga sanggol sa halos edad na anim na buwan. Maraming magulang ang bibili ng mataas na upuan sa bahay upang mapadali ang pagpapakain, at tulungan ang sanggol na mabuo ang kasanayan na pag-upo nang matiyaga para sa mga pagkain kasama ang kanilang pamilya. Gayunman, bago gumamit ng mataas na upuan, dapat basahin ang manwal ng produkto at mga tagubilin, at tandaan ang mga sumusunod:

  • Dapat ikandado ang sinturong pangkaligtasan kapag nakaupo ang inyong sanggol sa mataas na upuan;
  • Dapat matatag at matibay ang paa ng upuan;
  • Huwag kailanman iwanan nang mag-isa ang inyong sanggol sa mataas na upuan, lalo na kung saan malapit ang dingding, hapag-kainan o iba pang kasangkapan. O kaya, kapag sinusubukan ng sanggol na nasa mataas na upuan na itulak o hilahin ang anumang malapit na bagay, maaari silang mawalan ng balanse at maitaob ang upuan;
  • Sa tuwing gagamit kayo ng natitiklop na mataas na upuan, tiyakin na nakakandado ang lahat ng bahagi nito upang maiwasan itong biglang tumiklop;
  • Para sa mataas na upuang gumagamit ng harang na rehas o tray na kainan upang hawakan ang sanggol sa upuan, dapat nakakandado ang rehas o tray bago gamitin;
  • Huwag ilipat ang mataas na upuan kapag nakaupo rito ang inyong sanggol, upang maiwasang tumaob habang inililipat ito;
  • Huwag kailanman hayaang umakyat sa mataas na upuan ang inyong sanggol o tumayo sa upuan nang mag-isa;
  • Regular na tingnan ang mataas na upuan at ihinto ang paggamit kung may nakitang anumang sira o hindi maayos na paa.

Mga carrycot/carrier ng sanggol para sa kotse at mga upuan sa kotse para sa kaligtasan ng bata

Lumalabas ang ilang magulang kasama ang kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng kotse. Upang tiyakin ang kaligtasan ng mga sanggol sa kotse, dapat mayroong angkop at aprubadong mga pampigil (hal. carrycot/carrier ng sanggol para sa kotse, upuan sa kotse para sa kaligtasan ng bata o sinturong pambata) upang ligtas na itali ang mga sanggol sa kanilang upuan. Kapag gumagamit ng carrycot/carrier ng sanggol para sa kotse, upuan sa kotse para sa kaligtasan ng bata, mangyaring tandaan ang mga sumusunod:

  • Dapat naaangkop sa edad at timbang ang kagamitang pangkaligtasan;
    • Dapat sumakay ang mga sanggol at mga batang nagsisimulang humakbang sa isang upuan na nakaharap sa likod hangga’t maaari hanggang maabot nila ang pinakamataas na bigat o tangkad na pinapayagan ng kanilang mga upuan#
    • Dapat gumamit ang mas matatanda ng upuan sa kotse para sa kaligtasan ng bata o sinturong pambata
  • Sundin ang manwal ng kotse at ang mga tagubilin mula sa tagagawa ng kagamitang pangkaligtasan upang ikandado ang carrycot/carrier ng sanggol o upuan sa kotse para sa kaligtasan ng bata sa isang upuan sa likod ng kotse gamit ang sinturong pangkaligtasan;
  • Maingat na isaalang-alang ang iba't ibang modelo ng mga kotse at mga kagamitang pangkaligtasan bago bumili;
  • Huwag gumamit ng mga produktong may depekto o hindi alam ang pinagmulan;
  • Upang matiyak ang normal na paggana nito, regular na suriin ang sinturong pangkaligtasan at palitan kung kinakailangan;
  • Huwag kailanman buhatin ang sanggol sa inyong mga braso o hayaan silang kumandong sa inyo kapag nakaupo kayo sa unahan. Kung magkaroon ng aksidente, maaaring maipit ang sanggol sa pagitan ninyo at ng dashboard o tumilapon palabas ng kotse.

Para sa mga detalye tungkol sa paggamit ng mga pampigil ng bata, mangyaring sumangguni sa sumusunod na webpage ng Kagawaran ng Transportasyon: https://www.td.gov.hk/en/road_safety/road_users_code/index/chapter_5_for_all_drivers/child_safety_in_cars/index.html
http://pediatrics.aappublications.org/content/142/5/e20182460

Magiliw na paalala:

  • Hayaang maging pisikal na aktibo ang inyong sanggol nang ilang beses sa isang araw sa iba’t ibang paraan, lalo na sa pamamagitan ng laro na nakabase sa sahig at nakikihalubilo; mas mahusay kung mas marami
  • Para sa mga sanggol na hindi pa naglalakad, hayaan siyang magkaroon ng hindi bababa sa 30 minutong nakadapa sa buong araw habang gising siya
  • Iwasan ang matagalang pag-upo. Huwag pigilin ang inyong sanggol sa mga pushchair, mataas na upuan, o carrier ng sanggol nang mahigit sa 1 oras bawat pagkakataon