Mahalin ang Inyong Anak, Iwasan ang mga Pinsala 1-3 taon

(HTML Binago ang nilalaman 06/2020)

Ligtas ba ang inyong anak na humahakbang-hakbang na?

  • Pangunahing pumapatay ng bata ang pinsala. Maraming bata ang namamatay o nagkakaroon ng kapansanan dahil sa mga pinsala taon-taon. Upang pangalagaan ang inyong anak na humahakbang-hakbang na mula sa mga pinsala, ingatan ang kanyang pag-uugali at alisin ang lahat ng posibleng panganib.
  • Maaaring hindi maintindihan o maalala ng mga batang edad na 5 kung ano ang mapanganib. Hindi dapat magpasobra ng pagtaya ang mga magulang sa kanilang kakayahan
  • Ipinakikita ng estatistika na ang bahay ang pinakakaraniwang lugar ng pinsala sa mga batang edad na 0 hanggang 5 taon.

Mga karaniwang pinsala sa mga batang humahakbang-hakbang na edad 1 hanggang 3 taon:

  • Ang mga batang humahakbang-hakbang na ay mausisa, inosente, mapanlaban at aktibo. Gusto nilang tuklasin ang mga bagong natatanaw. Dahil nakakalakad na, nakakaakyat o maging nakakatakbo, naghahanap sila ng mga bagay kahit saan. Gusto nilang tumuklas gamit ang kanilang mga kamay at isubo ang mga bagay.
  • Sa panahong ito ng aktibong paglaki at pag-unlad, makikita kahit saan ang mga nakatagong patibong. Kabilang sa mga karaniwang pinsala ang mga pagkahulog, hindi makahinga at pagkaipit ng daliri.
  • Humingi kaagad ng medikal na payo pagkatapos ng pinsala.

Mga karaniwang pinsala at mga hakbang ng pag-iwas:

  1. Mga pagkahulog
    • Laging bantayan kung ano ang ginagawa ng inyong mga anak. Huwag silang hayaang maglaro sa silid-tulugan o iba pang lugar nang walang kasamang adulto.
    • Upang maiwasang mahulog ang mga bata, magkabit ng mga rehas sa bintana at bakod o iskrin sa palibot ng mga balkonahe.

    Maaaring mahulog ang mga bata o mauntog sa kasangkapan kapag umaakyat.

  2. Hindi makahinga
    • Dapat iligpit o itapon nang tama ang mga basyong plastik bag upang maiwasan na isuot ito ng mga bata sa kanilang mga ulo, na maaaring magresulta sa hindi makahinga.
    • Dapat iligpit nang ligtas ang mga naititiklop na kasangkapan gaya ng mga upuan at mesa.
    • Iwasang gumamit ng mga panali ng kurtina. Kung kailangan ninyong gamitin ang mga ito, huwag hayaan ang mga ito na nakalawit. Itali ang mga ito upang hindi paglaruan ng mga bata ang mga ito.

    Alisin ang mga panali at plastik bag upang maiwasan na hindi makahinga

  3. Pagkaipit ng daliri
    • Ingatan ang mga bata sa paligid kapag binubuksan ninyo o isinasara ang pinto upang maiwasan ang pagkaipit ng kanilang mga daliri.
    • Ipirmi ang mga pinto sa lugar gamit ang mga magnet o gumamit ng mga panangga sa pinto upang manatiling bahagyang nakasara ang mga pinto.
    • Huwag hayaan ang mga batang magtatakbo sa paligid. Huwag ding hayaan ang mga bata na ibukas o isara ang mga pinto, kabinet o drawer. Magkabit ng mga kandado sa mga kabinet upang maiwasang buksan ng mga bata ang mga pinto.

Konklusyon:

  • Maiiwasan ang karamihang pinsala. Kaya, dapat maging mapagbantay ang mga magulang at alamin pa ang tungkol sa paglaki ng bata upang makagawa ng mga angkop na hakbang ng pag-iwas.
  • Dapat bantayan ng mga magulang kung ano ang ginagawa ng mga bata sa lahat ng oras. Huwag kailanman iiwanan silang nag-iisa sa bahay o ipaalaga sila sa mas matandang anak.

Maaaring lumapit ang mga magulang na nangangailangan ng pana-panahong mga serbisyong pangangalaga sa bata sa Serbisyong Pana-panahong Pag-aalaga sa Bata, Mga Sentro ng Pagtutulungan sa Pag-aalaga ng Bata o Proyektong Suporta ng Kapitbahayan sa Pag-aalaga ng Bata ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan. Para sa impormasyon o mga tanong, mangyaring bisitahin ang website ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan sa www.swd.gov.hk o tumawag sa Inspectorate sa Pagpapayo ng mga Sentro sa Pag-aalaga ng Bata sa 2835 2016.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tumawag sa mga sumusunod na hotline ng Kagawaran ng Kalusugan:

24 na oras na Hotline ng Impormasyon (Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya) 2112 9900
Linya ng Impormasyon ng Edukasyong Pangkalusugan 2833 0111

O pagbisita sa mga sumusunod na website:

Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya, Kagawaran ng Kalusugan www.fhs.gov.hk
Sentro para sa Pangangalaga ng Kalusugan www.chp.gov.hk
Foundation sa Kalusugan ng Bata sa Hong Kong www.childhealthhongkong.com
Samahan sa Pag-iwas at Pananaliksik ng Pinsala sa Pagkabata sa Hong Kong childinjury.hkuhealth.com