Ligtas Ba ang Inyong Sanggol sa Bahay?

(Binago ang Nilalaman 12/2019)

Pinakakaraniwang nangyayari sa bahay ang pinsala sa pagkabata May importanteng tungkulin ang mga magulang sa paggawa ng mga hakbang upang makaiwas para matiyak na ligtas ang kanilang kapaligirang tinitirahan.

Tapusin ang checklist na ito para malaman kung ligtas sa bata ang kapaligiran ng inyong bahay.

Ligtas Ba ang Inyong Anak sa Bahay?

  1. Iniwanan na ba ninyong nag-iisa sa bahay ang inyong anak o sa pangangalaga ng mas nakatatandang mga anak?

    Oo/Hindi

  2. Mayroon ba kayong first-aid kit sa bahay?

    Oo/Hindi

  3. Alam ba ninyo ang first-aid?

    Oo/Hindi

Silid-tulugan

(Partikular na importante ang Tanong 1- 9 para sa mga sanggol na nasa unang 6 na buwan)

  1. Inihiga ba ninyo ang inyong sanggol nang nakatihaya para matulog?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  2. Inihiga ba ninyo ang inyong sanggol para matulog sa malalambot at mahimulmol na mga bagay katulad ng kubrekama, malambot na unan, balat ng tupa o beanbag?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  3. Naglagay ba kayo ng mga bagay (maliban sa mga sapin sa kama) sa kung saan natutulog ang inyong sanggol?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  4. Natutulog ba ang inyong sanggol sa isang higaan?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  5. Kung natutulog kayong kasama ang inyong sanggol sa parehong kama, mayroon bang sariling kumot ang inyong sanggol?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  6. Kung may taong natutulog kasama ang sanggol sa parehong kama, sobrang pagod ba siya, o uminom ng alak o droga?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  7. Natulog ba kayong kasama ang inyong sanggol sa sofa?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  8. Nagsusuot ba ang inyong sanggol ng magaan at maginhawang damit sa pagtulog?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  9. Mainam ba ang bentilasyon na may kumportableng temperatura ang kuwarto kung saan natutulog ang inyong sanggol?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  10. Ang distansya ba sa pagitan ng mga patayong rehas ng kuna ng sanggol ay mas mababa sa 6cm (2.5 pulgada)?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  11. Akma ba ang kutson sa laki ng higaan ng sanggol nang walang naiiwang puwang?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  12. Ang taas ba ng barandilya ng higaan ay mas mababa sa 3/4 ng taas ng inyong sanggol?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  13. Iniwanan na ba ninyong nag-iisa sa sofa o sa kama ang inyong sanggol nang walang bantay (kahit na sandali lamang)?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  14. Mayroon bang anumang tali na nakabitin malapit sa kama?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  15. Mayroon bang matatag na hagdan sa bunk bed?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  16. Mayroon bang anumang puwang sa pagitan ng bunk bed at ng dingding?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

Salas

  1. Pagkatapos ilagay ang inyong sanggol sa stroller, andador o mataas na upuan, sinigurado ba ninyong ligtas ang sinturon at pinanatiling nakakandado ang gulong?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  2. Tinakpan ba ninyo ang matatalas na gilid ng muwebles gamit ang mga panakip sa kanto?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  3. Ikinandado at iniligpit ba ninyo ang mga natitiklop na muwebles sa ligtas na lugar?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  4. Tinakpan ba ang mga saksakan gamit ang mga panakip na pamproteksyon?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  5. Nakapirmi ba ang mga pinto sa posisyon na may mga pamasak o magnet kapag binuksan?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  6. May nakasalansan bang mga bagay na maaaring akyatin ng inyong anak?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  7. Nagkabit ba kayo ng mga harang sa bintana at pinanatiling nakakandado ang mga ito?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  8. Itinali ba ninyo ang mga kurdon ng kurtina at inilagay ang mga ito sa hindi maaabot ng inyong anak?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  9. Mayroon ba kayong mga mesa o pinto na gawa sa babasaging kristal sa bahay?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  10. Itinago ba ninyo ang mga posporo at lighter nang maayos?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

Kusina

  1. Binubuhat ba ninyo ang inyong sanggol sa inyong likod o harap habang nagtatrabaho sa kusina?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  2. Itinatago ba ang matatalim na gamit sa hindi maaabot ng inyong anak?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  3. Nakatabi ba ang gamot sa lugar na maaabot ng inyong anak?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  4. Nakalagay ba ang de-kuryenteng takure o termos sa hindi maaabot ng inyong anak?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  5. Nagpakabit ba kayo ng gate sa pinto ng kusina para maiwasang pumasok ang maliliit na anak (lalo na ang wala pang 3 taong gulang)?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  6. Nakaharap ba sa loob ng kalan ang mga hawakan ng mga gamit sa pagluluto?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  7. Gumagamit ka bang muli ng mga bote ng inumin upang mag-imbak ng mga sabon at iba pang kemikal?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  8. Itinago o ikinandado ba ninyo ang mga sabon sa aparador kung saan hindi maaabot ng inyong anak?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

Banyo

  1. Gumagamit ba kayo ng palangganang paliguan ng sanggol para sa pagpaligo ng inyong sanggol?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  2. Iniwan na ba ninyong nag-iisa ang inyong anak sa paliguan (kahit ilang saglit lang)?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  3. Kapag naghahanda para paliguan ang inyong anak, inilalagay ba ninyo ang malamig na tubig bago ang mainit na tubig at sinusubukan ang temperatura ng tubig gamit ang inyong siko?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  4. Naglalagay ba kayo ng sapin kontra-dulas sa bathtub?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  5. Pinanatili bang laging tuyo ang sahig ng inyong banyo?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  6. Palagi bang nakasara ang pinto ng inyong banyo?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

  7. Iniwanan ba ninyo ang mga gamit na puno ng tubig?

    Oo/Hindi/Hindi angkop

Natapos na ninyo ang palatanungan na ito. Mangyaring suriin ang inyong mga sagot.

Ligtas Ba ang Inyong Anak sa Bahay? O=Oo H=Hindi
1.H 2.O 3.O

Silid-tulugan
1.O 2.H 3.H 4.O 5.O 6.H 7.H 8.O 9.O 10.O 11.O 12.H 13.H 14.H 15.O 16.H

Salas
1.O 2.O 3.O 4.O 5.O 6.H 7.O 8.O 9.H 10.O

Kusina
1.H 2.O 3.H 4.O 5.O 6.O 7.H 8.O

Banyo
1.O 2.H 3.O 4.O 5.O 6.O 7.H

Kung kapareho ang inyong mga sagot ng nasa itaas, pagbati! Nagbigay kayo ng ligtas na kapaligiran para sa inyong anak.

Kung may anuman sa inyong mga sagot na ‘hindi angkop’, kailangan pa rin ninyong tandaan ang mga sitwasyon dahil maaaring mangyari ang mga ito sa hinaharap.

Kung iba ang alinman sa inyong mga sagot mula sa itaas, mangyaring pagbutihin ang mga naturang pangyayari para masiguro ang ligtas na kapaligiran para sa inyong anak.