Pagbibigay ng ligtas na kapaligiran para sa inyong sanggol

(Binago ang Nilalaman 06/2019)

Habang abala kayo sa paghahanda ng pagdating ng inyong sanggol o sa pag-aalaga ng inyong bagong silang na sanggol, naisip ba ninyo ang kaligtasan ng inyong sanggol? Narito ang ilang simple ngunit importanteng tip upang tulungan kayo na gumawa ng isang ligtas na kapaligiran sa tahanan para sa inyong sanggol.

Pagtulog

  1. Ihiga ang inyong sanggol nang nakatihaya para matulog
  2. Pinakamahusay na matulog ang inyong sanggol sa isang kuna
  3. Kung kailangan ninyong itabi ang inyong sanggol sa kama, ilagay siya sa isang basket at bigyan siya ng hiwalay na kumot
  4. Hindi dapat uminom ng alkohol o droga ang mga adulto kung itatabi nila sa kama ang sanggol
  5. Huwag matulog na kasama ang inyong sanggol sa sopa
  6. Patulugin ang inyong sanggol na may magaan at maginhawang kasuotan
  7. Hindi dapat natatakpan ng kumot ang mukha at mga braso ng sanggol
  8. Huwag maglagay ng anumang bagay (maliban sa mga sapin sa kama) sa kama ng inyong sanggol
  9. Huwag ihiga ang inyong sanggol para matulog sa malalambot at mahimulmol na mga bagay katulad ng kubrekama, malambot na unan, balat ng tupa o bean bag
  10. Panatilihing maaliwalas ang lugar na tinutulugan ng sanggol na may maginhawang temperatura
  11. Magbigay ng kapaligiran na walang usok sa inyong sanggol
  12. Dapat na mas mababa sa 6 cm (2.5 pulgada) ang distansya sa pagitan ng mga patayong rehas ng kuna ng sanggol
  13. Dapat akma ang kutson sa higaan ng sanggol nang walang naiiwang puwang
  14. Huwag kailanman iwanang nag-iisa ang inyong sanggol sa kama o sopa na walang mga harang
  15. Ikaling ang mga taling pangkaligtasan at panatilihing nakakandado ang mga gulong kapag inilalagay ninyo sa stroller ang inyong sanggol
  16. Hindi inirerekomenda ang mga carrier ng sanggol na nasa harapan sa mga sanggol na wala pang 3 buwan

Paliligo

  1. Gumamit ng palangganang paliguan ng sanggol para sa pagpaligo ng inyong sanggol
  2. Ilagay ang malamig na tubig bago ang mainit na tubig at subukan ang temperatura ng tubig gamit ng inyong siko kapag inihahanda sa paliligo ang inyong sanggol

Pagpapakain

  1. Kilala ang pagpapasuso na pumuprotekta laban sa syndrome na biglaang pagkamatay ng sanggol
  2. Kung gatas na pormula ang ginagamit, tanging pormula para sa sanggol ang angkop para sa mga sanggol na mas bata sa 6 buwan
  3. Lahat ng kagamitan sa pagpapakain (kabilang ang mga bote, tsupon, sipit) ay isterilisado bago gamitin
  4. Pinakamahusay na gumawa ng sariwang gatas bawat pagkakataon
  5. Huwag muling ipainit ang gatas sa microwave oven
  6. Tingnan ang temperatura ng gatas bago ipainom sa sanggol (kabilang ang gatas na pormula o pinainit na gatas ng ina)
  7. Huwag kailanman tukuran ang bote o iwanang nag-iisa ang inyong sanggol habang pinasususo ng gatas
  8. Ilayo ang inyong sanggol mula sa mainit na tubig sa lahat ng oras

Upang alamin pa ang tungkol sa impormasyon sa Kaligtasan sa Bahay, mangyaring bisitahin ang webpage na “Child Health Home Safety”: http://s.fhs.gov.hk/74rnt