Ligtas Ba Ang Inyong Bagong Silang Na Sanggol?

(Binago ang Nilalaman 06/2019)

Tapusin ang checklist na ito upang malaman kung mayroon kayong ligtas na kapaligiran sa tahanan para sa inyong bagong silang na sanggol. Kung hindi angkop sa inyo ang tanong, mangyaring lagyan ng tsek ang “Hindi angkop”

  1. Inihiga ba ninyo ang inyong sanggol nang nakatihaya para matulog?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  2. Natutulog ba ang inyong sanggol sa isang higaan?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop

Kung hindi ninyo itinatabi sa kama ang inyong sanggol, mangyaring pumunta sa Q6

  1. Kung itinatabi ninyo sa kama ang inyong sanggol, inilalagay ba ninyo siya sa isang basket upang ihiwalay siya mula sa inyo?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  2. Kung itinatabi ninyo sa kama ang inyong sanggol, mayroon ba siyang sariling kumot?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  3. Kung itinatabi ba ninyo o ng ibang adulto ang sanggol sa kama, nakainom ba ng alkohol o droga ang mga adulto?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  4. Natutulog ba kayong kasama ang inyong sanggol sa sopa?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  5. Nagsusuot ba ang inyong sanggol ng magaan at maginhawang damit sa pagtulog?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  6. Naglalagay ba kayo ng mga bagay (maliban sa mga sapin sa kama) sa kama ng inyong sanggol?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  7. Inihiga ba ninyo ang inyong sanggol para matulog sa malalambot at mahimulmol na mga bagay katulad ng kubrekama, malambot na unan, balat ng tupa o bean bag?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  8. May mahusay na bentilasyon ba ang lugar na tinutulugan ng inyong sanggol na may maginhawang temperatura?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  9. Nagbibigay ba kayo ng kapaligirang walang usok sa inyong sanggol?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  10. Ang distansya ba sa pagitan ng mga patayong rehas ng kuna ng sanggol ay mas mababa sa 6 cm (2.5 pulgada)?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  11. Akma ba ang kutson sa higaan ng sanggol nang walang naiiwang puwang?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  12. Ang taas ba ng barandilya ng higaan ay mas mababa sa 3/4 ng taas ng inyong sanggol?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  13. Iniwanan na ba ninyong nag-iisa sa sopa o sa kama ang inyong sanggol nang walang bantay (kahit na sandali lamang)?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  14. Kapag inilalagay ang inyong sanggol sa stroller, isinara ba ninyo nang ligtas ang sinturon at pinanatiling nakakandado ang gulong?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  15. Gumagamit ba kayo ng palangganang paliguan ng sanggol para sa pagpaligo ng inyong sanggol?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  16. Kapag naghahanda para paliguan ang inyong sanggol, inilalagay ba ninyo ang malamig na tubig bago ang mainit na tubig at sinusubukan ang temperatura ng tubig gamit ang inyong siko?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  17. Inilalayo ba ninyo mula sa mainit na tubig ang inyong sanggol sa lahat ng oras?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  18. Lahat ba ng kagamitan sa pagpapakain (kabilang ang mga bote, tsupon, sipit) ay isterilisado bago gamitin?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  19. Ang bawat pormula ba ay ginawa nang sariwa?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  20. Muli ba ninyong pinaiinit ang gatas sa microwave oven?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  21. Tinitingnan ba ninyo ang temperatura ng gatas bago ipainom sa sanggol? (kabilang ang gatas na pormula o pinainit na gatas ng ina)
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop
  22. Tinutukuran ba ninyo ang bote o iniiwanang nag-iisa ang inyong sanggol habang pinasususo ng gatas?
    • Oo
    • Hindi
    • Hindi angkop

Mga kaaya-ayang kondisyon

  1. Oo
  2. Oo
  3. Oo
  4. Oo
  5. Hindi
  6. Hindi
  7. Oo
  8. Hindi
  9. Hindi
  10. Oo
  11. Oo
  12. Oo
  13. Oo
  14. Oo
  15. Hindi
  16. Oo
  17. Oo
  18. Oo
  19. Oo
  20. Oo
  21. Oo
  22. Hindi
  23. Oo
  24. Hindi

Pagbati kung pareho ang inyong mga sagot sa mga kanais-nais na kondisyon. Nagbigay kayo ng ligtas na kapaligiran para sa inyong sanggol. Kung may anuman sa inyong mga sagot na ‘Hindi Angkop’, kailangan pa rin ninyong manatiling alerto sa mga sitwasyon dahil maaaring mangyari ang mga ito sa hinaharap. Kung may anuman sa inyong mga sagot ang salungat sa mga kaaya-ayang kondisyon, mangyaring gumawa ng mga angkop na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng inyong sanggol.