Pakikipag-ugnayan sa iyong sanggol (1 hanggang 4 na Buwan)

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat:Pakikipag-ugnayan sa iyong sanggol (1 hanggang 4 na Buwan)

Tagapagsalaysay:
Ang pakikipag-ugnayan sa iyong sanggol sa panahong ito
ay makakatulong sa pagbuo ng malapit na relasyon sa pagitan ninyong dalawa.
Ilagay ang iyong sanggol sa posisyon
na maaari ninyong makita ang isa't isa nang harapan
Sub-heading: Manatiling magkaharap habang nakatitig sa mga mata
At panatilihing maganda ang pagtitig sa mga mata sa pantay na posisyon
Sa ganitong paraan, pareho ninyong makikita nang mabuti ang tugon ng bawat isa.
Sub-heading: Magmasid, pagkatapos ay tumugon
Masdan ang mga reaksyon ng iyong sanggol bago ka tumugon sa kaniya
Sub-heading: Gayahin ang mga ginagawang  tunog ng iyong sanggol
Subukang gayahin ang ginagawa niyang ingay
Subukang alamin ang gusto niyang sabihin at tumugon nang naaayon
Sub-heading: Makipag-usap nang may masisiglang ekspresyon
Maaaring mapukaw ng masisiglang ekspresyon ng mukha ang interes ng iyong sanggol.
Sub-heading: Gumamit ng mga laruan
Maaari kang gumamit ng mga laruan upang makuha ang pansin ng iyong sanggol.
Sub-heading: Magpahinga muna sa oras na mawalan na ng interes ang iyong sanggol
Sa oras na mawalan na ng interes ang iyong sanggol sa mga sinasabi o ginagawa mo
maaring mong subukan ang mga nabanggit na kasanayan para mapukaw muli ang kaniyang pansin
O hayaan mo muna siyang magpahinga
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health