Pakikipag-ugnayan sa iyong sanggol (4 hanggang 6 na Buwan)

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat:Pakikipag-ugnayan  sa iyong sanggol (4 hanggang 6 na Buwan)

Tagapagsalaysay:
Ang mga sanggol sa yugtong ito ay mahilig sa mga laruang may iba't ibang tekstura.
Kahit na hindi pa sila nakakapagsalita
maaari ka pa ring makipag-ugnayan sa kanila
sa pamamagitan ng pakikipaglaro. 
Mahalaga ang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa iyong sanggol.
Marapat na kayong dalawa ay salitang nag-uusap habang naglalaro
Ilagay ang iyong sanggol sa posisyon
Sub-heading: Manatiling magkaharap
na maaari ninyong makita ang isa't isa nang harapan
At panatilihing maganda ang pagtitig sa mga mata sa pantay na posisyon
Sub-heading: Makipag-usap nang may masisiglang ekspresyon
Maaari kang gumamit ng masisiglang ekspresyon ng mukha
at matinis na boses habang nakikipag-usap sa kaniya.
Sub-heading: Maghintay sa sagot ng iyong sanggol
Laging hintayin ang mga tugon ng iyong sanggol.
Bigyang pansin ang mga ekpresyon ng kaniyang mukha at mga ginagawang tunog.
Sub-heading: Gayahin ang mga ginagawang tunog ng iyong sanggol
Kapag nagpapakita siya ng interes na tumugon sa iyo,
subukang alamin ang gusto niyang sabihin at gayahin ang mga ginagawa niyang mga tunog,
kapag mukhang iritable na ang iyong sanggol
baguhin ang kaniyang posisyon o hayaan siyang magpahinga muna.
Sub-heading: Sundin ang interes ng iyong sanggol
Ipagpatuloy ang pakikipag-usap at pakikipaglaro sa kaniya
sa oras na kumalma na siya.
Ipagpatuloy ang pakikipaglaro sa kaniya hanggang sa mawalan siya ng interes.
Simulan ang pakikipag-ugnayan sa iyong sanggol sa panahong ito.
Sa pamamagitan ng maikli ngunit madalas na pakikipag-ugnayan,
mas maiintindihan ninyo ang isa't isa.
Ito rin ay makakatulong sa paggbuo ng malapit na relasyon
sa pagitan ninyong dalawa.
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health