Pakikipag-ugnayan sa iyong sanggol (6 hanggang 12 na Buwan)

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat: Pakikipag-ugnayan  sa iyong sanggol (6 hanggang 12 na Buwan)

Tagapagsalaysay:
Sub-heading: Manatiling magkaharap
Sa espesyal na panahon ng pakikipag-ugnayan sa iyong sanggol,
ilagay ang iyong sanggol sa  posisyon
na maaari ninyong makita ang isa't isa nang harapan
At panatilihing maganda ang pagtitig sa mga mata sa pantay na posisyon
Sub-heading: Masdan ang tugon ng iyong sanggol
Sa ganitong paraan, pareho ninyong makikita nang mabuti ang tugon ng isa't isa.
Eksena: Magkaharap na nakaupo sina Daddy at baby sa floor mat.
Eksena: Kinakalampag ni Daddy ang dalawang bloke at pinagmamasdan si baby.
Eksena: Tumingin si baby kay Daddy at ginaya siya.
Eksena: Pinuri ni Daddy si baby.
Bigyangpansin ang mga ekspresyon ng mukha ng iyong sanggol
at making sa ginagawa niyang mga tunog para malaman ang gusto niyang sabihin.
Tumugon sa kaniya nang naaayon.
Sub-heading: Gayahin ang iyong sanggol
Maari mo ring gayahin ang ginagawa niyang mga tunog at pagkilos.
Sub-heading: Gabayan ang iyong sanggol sa paglalaro
Scene: Ginagaya ni Daddy ang mga ginagawang tunog ni baby at tumatawa si Baby.
Scene: Naglalagay si baby ng isang bloke sa buslo at ginagaya ng ama ang kaniyang pagkilos
Maaari kang gumamit ng masisiglang ekspresyon ng mukha at boses
para makuha ang kaniyang  pansin
kung hindi siya nagpapakita ng interes sa mga laruan.
Sub-heading: Magdadag ng mga bagong bagay.
Eksena: Sinusundan ni baby ang ginagawa ni Daddy at naglalagay siya ng isang bloke sa buslo.
Eksena: Pumapalakpak si Daddy at pinupuri si baby sa matinis na boses.
Ang pag-iiba-iba ng mga paraan ng inyong paglalaro.
ay nakakatulong na mapahusay ang pagdebelop ng pag-iisip ng iyong sanggol.
Kausapin ang iyong sanggol habang nakikipaglaro sa kaniya.
Nakakatulong ito na mapahusay ang pag-unlad ng wika ng iyong sanggol
at maipagpatuloy ang pakikipag-usap.
Sub-heading: Ipagpatuloy ang pakikipag-usap
Eksena: Tinatakpan ni Daddy ang bloke at makikita ito ni baby sa ilalim ng mangkok.
Eksena: Pumalakpak si Daddy.  Itatago ulit ni Daddy ang bloke.
Daddy: Baby, nasaan ang bloke?
Eksena: Nahanap ito ni Baby.
Daddy: Wow, tama ka. Ang galing.
Sub-title: Magpahinga muna
Hayaang magpahinga muna ang iyong sanggol
kapag nawalan na siya ng interes sa paglalaro.
Walang pirmihang paraan upang makipag-ugnayan sa iyong sanggol.
Maaari mong gamitin ang anumang bagay  sa iyong paligid
upang makipaglaro sa iyong sanggol kahit saan, anumang oras.
Eksena: Ipinakita ni Daddy kay baby ang isang  kumpol ng susi habang naghihintay sa lobby ng elevator.
Ang pakikipag-ugnayan sa iyong sanggol ay hindi lamang nagbibigay-daan sa iyo
upang mas maunawaan ang mga emosyon niya.
Nakakatulong din ito sa iba’t ibang aspeto ng pag-unlad ng iyong sanggol.
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health