Takot ba iyong anak sa ibang tao o siya ay laging nakadikit sa‘yo?

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat:Takot ba iyong anak sa ibang tao o siya ay laging nakadikit sa‘yo?

Tagapagsalaysay:
Eksena: Mga bisitang dumadalaw sa bata, magulang ng bata at ang lola.Ang bata ay umiiyak noong una, pagkatapos ay unti-unting hinayaang makalapit ang mga bisita
at kausapin siya na kasama ang kaniyang mga tagapag-alaga.Sa 6 na buwang gulang, ang mga bata ay dapat nang magkaroon ng
malapit na relasyon sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga.Sa panahong ito
maaari rin silang makaramdam ng pagkabalisa at takot kapag  nakakasalamuha ang ibang tao

Nanay:  Huwag kang matakot. Nandito si mummy.

Subheading: Unti-unting makahalubilo sa ibang tao.

Tatay: Pasensiya na. Kamakailan ay natatakot siya sa Ibang mga tao.Hayaan muna natin siyang masanay nang kaunti.

Iba’t-iba ang mga tugon ng mga bata sa ibang tao.Maging sensitibo sa mga reaksyon ng iyong anak sa ibang tao.
Kung siya ay balisa,
huwag siyang agad na ihalubilo sa kanila.
Manatili sa kaniyang tabi para maramdaman niyang ligtas siya
at hayaang siyang unti-unting masanay sa mga bisita.

Eksena: Umiiyak ang bata kapag nilalayuan siya ng kaniyang ina.
Inaayos ni nanay ang bahay at unti-unting lumalayo sa kaniyang anak

Sub-heading: Pagpapalawig ng Sense of Security

Simula 6 na buwang gulang,
gusto ng iyong anak na manatiling malapit sa iyoat maaaring ayaw malayo sa‘yo.
Maaari mong ilagay ang iyong anak sa isang ligtas na lugar na malapit sa‘yo.Patuloy na makipag-usap sa kaniya.Kapag kumalma na siya maaari ka nang hindi gaanong magsalita.
Lumayo ka sa kaniya kapag hindi ka na niya hinahanap.
Sa iyong pagtitiyaga at oras,
ang paggamit ng paunti-unting pamamaraang ito ay nakakatulong sa iyong anak na maramdaman niyang ligtas siya.

Sub-heading: Ipinagkakatiwala sa isang kilalang babysitter
Eksena: Dinala ng mga magulang ang sanggol sa bahay ni lola
Ibinigay nila ang mga conforter kay lola at naghihintay hanggang sa kumalma ang bago bago sila umalis.
Kung minsan, kakailanganin mong iwan ang iyong anak sa isang babysitter.Maghanap ng mapagkakatiwalaang babysitter na pamilyar sa iyong  anak.Maghanda ng panyo o mga laruang  gustong-gusto ng iyong anak
at iwanan ang mga ito sa tabi niya bilang mga comforter.

Kung hindi pa masiyadong sanay ang iyong anak sa babysitter,manatili pa nang ilang sandali
hanggang sa kumalma siya bago ka umalis.
Palaging magsabi ng "paalam" sa iyong anak kapag umaalis ka.Huwag patagong umalis dahil ang iyong sanggol ay maaring makaramdam ng hindi siya ligtas
kung bigla ka na lang aalis .Huwag itulak palayo ang iyong anakkung ayaw niyang humiwalay sa‘yo bago ka umalis.
Dapat mo siyang ibigay sa babysitter nang mahinahon at buo ang loob.Ang pagkatakot sa ibang at pagkabalisa sa paghihiwalayay mga natural na pangyayari
sa panahon ng pag-unlad ng iyong anak.
Ang mga takot na ito, gayunpaman, ay unti-unting mawawalakapag ang sanggol ay nasa edad na 18 buwan.

Para sa karagdang kaalaman, bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk
Ang video na ito ay ginawa ng
Family Health Service ng Department of Health.