Pagsasanay sa mga Kakayahang Pangkomunikasyon – Mas Maraming Pagtugon at Papuri

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat :
Pagsasanay sa mga Kakayahang Pangkomunikasyon – Mas Maraming Pagtugon at Papuri

Tagapagsalaysay:
Miss Siu: Ang ikaapat ay “Mas Maraming Pagtugon at Papuri”.
Tingnan natin kung paano gamitin ng mga magulang ang mga simpleng salitapara tumugon at purihin ang kanilang mga anakupang madagdagan ang kanilang interes na makilahok.

Eksena: Si nanay Ah Shan at at ang kaniyang anak ay nakaupo sa floor matat naglalaro ng laruang pagkain at lutuan.
Shan: Ilagay mo ito sa loob, ha?
Tama! Tama! Magaling!
Miss Siu: Ang nanay ay naglalaro nglaruang lutuan kasama ang kaniyang anak,
Tinulungan niya itong ilagay ang pagkain sa lutan.
Noong sinundan ng bata ang kilos niya, pinuri niya ang ang ginawa nito.

Sub-heading: Mas Maraming Pagtugon at Papuri.
Eksena: Sina tatay Ah Kin at baby Alvin ay nakaupo sa floor mat
at naglalaro ng stacking rings.
Kin: Ilagay mo diyan! Ganiyan nga! Magaling!
Miss Siu: Kapag naglalaro ang tatay at ang kaniyang anak ng stacking rings,madalas niyang pinupuri ang kaniyang anak sa mga ginagawa nito.
Kin: Sige na, ilagay mo diyan. Woop!
Alvin: Ah!
Kin: Di mo ito gusto? Eh, itong isa ‘to?
Miss Siu: Hindi nagtagal, ang bata ay naiinip at sumisigaw na.
Inakala ng tatay na nawalan na ng interes ang kaniyang anak sa stacking ringkaya sinabi niya ang kaniyang naiisip bilang pagtugon sa bata.
‘Di mo ba ito gusto?”
Pagkatapos ay nagmungkahi siya ng iba pang paraan upang laruin ang stacking rings
“Eh, itong isang ‘to?”

Tagapagsalaysay: Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng  Department of Health.