Pagtugon sa mga kinakailangang calcium ng mga bata

(Naka-upload na ang bidyo 01/22)

Transcript

Titulo: Pagtugon sa mga kinakailangang calcium ng mga bata

Tagapagsalaysay: Lumalaki ang mga bata sa pambihirang bilis.

Kailangan nila ng isang balanseng nutrisyon, lalo na ang sapat na calcium upang suportahan ang paglaki ng kanilang buto.

Ang mga batang paslit na isa hanggang tatlong taong gulang ay nangangailangan ng 500 hanggang 600 milligram ng calcium araw-araw.

Ang mga batang apat hanggang anim na taong gulang ay nangangailangan ng 800 milligram ng calcium araw-araw.

Ang gatas ay isang mabuting mapagkukunan ng calcium para sa mga bata.

Ang pag-inom ng 360 hanggang 480 milliliter ng gatas na sinamahan ng balanseng diyeta ay nagbibigay ng sapat na calcium na kailangan nila araw-araw.

Upang maiwan na uminom ang mga bata ng sobrang gatas at mawalan ng gana sa pagkain, maaaring bigyan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng 120 milliliter ng gatas, tatlo o apat na beses sa isang araw.

Ang mga bata ay maaaring kumain ng yoghurt o keso sa halip na gatas.

Ang isang slice ng keso o kalahating baso ng yoghurt ay mayroong halos 150 milligram ng calcium, na maikukumpara sa 120 milliliter ng gatas.

Bukod sa mga produktong gawa sa gatas, ang mga bata ay maaaring uminom ng calcium-fortified na soy milk, matigas na tofu at berdeng-berde na gulay bilang karagdagang mapagkukunan ng pagkain na sagana sa calcium.

Napakadalas, ang mga sanggol ay may posibilidad na uminom ng mas kaunting gatas sa una nilang paggamit ng tasa para uminom pagkatapos ng edad na isa.

Maaari natin silang bigyan ng keso at yoghurt bilang mga dagdag na mapagkukunan ng calcium.
Ang mga batang paslit na pinapasuso ay kailangang kumain ng keso, yoghurt, at gatas ng baka upang makakuha rin ng sapat na calcium.

Kapag pumipili ng gatas o mga produktong gawa sa gatas para sa mga bata, mayroon kaming ilang mga tip para sa mga magulang:

Kung ang iyong anak ay regular na kumakain ng karne, isda at gulay sa kanyang diyeta, maaari mo siyang bigyan ng gatas ng baka bilang kapalit ng formula milk.

Ang full-fat na gatas ng baka ay mas mabuting piliin para sa mga isang taong gulang.

Para sa mga batang may edad dalawa o pataas, mas mainam ang mga low-fat na produktong gawa sa gatas o calcium-fortified na soy milk.

Para sa yoghurt, piliin ang mga mababa-sa-asukal.

Pinakamahusay ang plain yoghurt.

Bukod sa diyeta, kailangan ng mga bata ang mga pisikal na aktibidad at sapat na bitamina D upang lumaking malusog ang kanilang mga buto.

Dapat dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa labas upang maglaro, tulad ng pagtakbo, paglukso, paglalaro ng mga bola, at para mas masikatan ng araw.

Mga magulang, gawin nating kaugalian ang pisikal na aktibidad para sa ating mga sarili at sa ating mga anak!

Upang matuto nang higit pa, mangyaring bumisita sa website ng Family Health Service, Department of Health sa www.fhs.gov.hk