Ang ligtas na posisyon sa pagtulog at kapaligiran ng sanggol Ikaw ang mangangalaga
Transcript
Titulo: Ang ligtas na posisyon sa pagtulog at kapaligiran ng sanggol Ikaw ang mangangalaga
Tagpagsalaysay: Ang ligtas na posisyon sa pagtulog at kapaligiran ng sanggol Ikaw ang mangangalaga
Hayaang matulog ang mga sanggol na nakatihaya
Matulog sa kanilang sariling higaan
Bihisan sila ng magaan at komportableng damit
Hindi nila kailangan ng mga unan
Iwanang walang kumot ang kanilang mga braso
Huwag maglagay ng anumang malalambot at mabalahibong bagay sa higaan
Huwag mag-iwan ng mga siwang sa pagitan ng kutson at ng higaan
Ang distansiya sa pagitan ng mga patayong bar ng higaan ay dapat mas mababa sa 6 cm
Ilagay
ang higaan ng sanggol sa tabi ng kama ng mga magulang
Kung kailangan ninyong magtabi ng sanggol sa iisang kama dahil sa ilang rason, bigyan siya ng hiwalay na kumot; para sa sanggol na mababa sa 3 buwan, maaari mo siyang ilagay sa isang basket
Huwag uminom ng alkohol o droga kung nais mong matulog kasama ang mga sanggol.
Panatilihin na may mabuting bentilasyon at komportableng temperatura.
Dapat walang sinuman ang naninigarilyo sa pamilya
Huwag iwanang mag-isa ang mga sanggol sa isang kama o sopa nang walang mga harang
Panghuli, ang pagpapasuso ay kayang pumrotekta laban sa SID (sudden infant death syndrome sa subtitle), pagkatapos padedehin at padighayin ang mga sanggol, ilagay sila sa higaan kapag mukha silang inaantok.
Nakakatulong ito sa kanilang magdebelop ng magandang kaugalian sa pagtulog.
Mangyaring bumisita sa www.fhs.gov.hk