Paano Disiplinahin ang mga Bata sa Positibong Paraan (Naaangkop sa 18 - 24 na Buwang Gulang)

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat : Paano Disiplinahin ang mga Bata sa Positibong Paraan (Naaangkop sa 18 - 24 na Buwang Gulang)

Tagapagsalaysay:
Simula sa 1 taong gulang
ang mga bata ay umuunlad sa kanilang kakayahang pisikal at wika
Nagsisimula silang subukan ang kanilang sariling mga limitasyon ngunit
ang kanilang lohikal na pangangatwiran at paghahatol ay ay hindi pa ganap na nalinang.
Nangyayari talaga ang hindi kanais-nais na pag-uugali at samakatuwid
ang iyong gabay ay talagang mahalaga
Ang mga sumusunod na gabay sa positibong disiplina
ay gagawing mas madali at mas masaya ang iyong pagiging magulang

1. Hikayatin at Purihin ang Kanais-nais na Pag-uugali
Kailangan mong hikayatin ang iyong anak para sa kaniyang positibong pag-uugali
at itama ang hindi kanais-nais
Kung gayon, matututunan niya
kung aling pag-uugali ang kanais-nais at alin ang hindi
Dinampot ni Julian ang bolang gumulong papunta sa kaniya
at ibinalik ito sa mga bata na naglalaro ng football
Nang makita ang ginawa ni Julian, pinuri siya ni Tatay
2. Magtakda ng mga simpleng panuntunan
Ang pagtatakda ng mga simpleng panuntunan
ay makakatulong sa iyong anak na maunawaan at sundin ang iyong mga inaasahan
Kasabay nito, kailangan mong maging huwaran sa kaniya
Nagtakda si Tatay ng ilang mga panuntunan kay Julian
bago siya hinayaang maglaro sa slide
tulad ng "umuwi pagkatapos maglaro ng 2 beses"
3. Gabayan ang iyong anak na sundin ang mga panuntunan
Kapag ang iyong anak ay sumuway sa mga panuntunan
kailangan mong manatiling kalmado
sabihing "hindi" sa kaniya nang may pirming ekspresyon ng mukha
at isang "hindi" na pagkilos. Hindi ibig sabihin na kailangan mong sumigaw
Umuupo si Julian sa lupa
at hinaharangan ang ibang mga bata na naglalaro sa slide
Sinabi sa kaniya ni Nanay na tumayo at huwag harangan ang daanan
Tandaan na purihin ang iyong anak
kung siya ay nakikinig at sumusunod sa mga panuntunan
4. Itama kaagad ang mga mapanganib na kilos
Pigilan kaagad ang mga mapanganib na kilos ng iyong anak
Pagkatapos mag-slide pababa
Sinubukan ni Julian na umakyat sa slide sa halip na sa hagdanan
Pinigilan siya ni Nanay
Mukhang masama ang loob niya at nagsisimulang magalboroto
Kapag sumuway at nagalboroto ang mga bata
maaari mong harapin ito  sa pamamagitan ng simpleng distraksyon
Ang ibig sabihin ng positibong disiplina ay ang paggamit ng
mapamilit at hindi nakakapinsalang paraan
upang matulungan ang iyong mga anak na magkaroon ng mabuting pag-uugali
Ang pinagsama-samang pagsisikap mula sa lahat ng tagapag-alaga
ay nakakatulong sa tagumpay at pagiging epektibo nito
Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk
Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health.