Mahalaga ang Damdamin at Koneksyon – Pagtaguyod sa Pakikisalamuha at Emosyonal na Pag-unlad

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat:
Mahalaga ang Damdamin at Koneksyon – Pagtaguyod sa Pakikisalamuha at Emosyonal na Pag-unlad

Tagapagsalaysay: Mahalaga ang Damdamin at Koneksyon

Pagtaguyod sa Pakikisalamuha at Emosyonal na Pag-Unlad.
Super: Pakikisalamuha at Emosyonal na Pag-unladAng pag-aasikaso sa mga pisikal na pangangailangan ng iyong mga anak ay napakahalaga,ngunit gayon din ang paglinang sa kanilang pakikisalamuha at emosyonal na pag-unlad.Ang pagtugon sa mga damdamin ng mga bata mula sa murang edad ay sumusuporta sakanilang pangmatagalang pag-unlad sa iba't ibang aspekto kabilang angkanilang regulasyon ng emosyon at mga kasanayang interpersonal.

Subheading: Mga bagong silang
Tagapagsalaysay: Mga bagong silang.
Hindi nakakapagsalita ang mga bagong silang ngunit naipapahayag nila ang iba't ibang emosyon
sa pamamagitan ng mga tunog at paggalaw.Ang isang buwang gulang na sanggol na ito ay
pinakain at nahugasan na ngunit umiiyak pa rin.Walang ideya ang mga magulang kung ano ang gagawin.
Ang tiyahin ng nanay ay nagpaalala sa kanilana ang pag-iyak ay ang paraan lamang ng pagpapahayag ng mga pangangailangan ng isang sanggol.Marahil ay hindi siya komportable o gusto niyang may kasama.Hinihikayat niya ang nanay na buhatin ang sanggol,
yakapin at pakalmahin ito.Kaya marahang binuhat siya ng nanay at sinabing
Ina: Oh! Nandito si Mummy, shh…
Tagapagsalaysay: Hindi nagtagal, kumalma ang sanggol.Sinabi rin ng tiyahin sa nanay,
Tiyahin: Nakikilala na niya ang boses ng kaniyang ina.Kaya't mas yakapin mo siya at samahan siya
para mas maramdaman niyang ligtas siya.Parang pag-iyak lang ang tanging alam niya sa ngayon,pero mas magpapakita siya ng emosyon sa loob ng isa o dalawapang buwan.

Tagapagsalaysay: Ang sanggol ay unti-unting tumigil sa pag-iyak
matapos hawakan at marinig ang malumanay na boses ng kaniyang ina.

Subheading: Pagkabalisa Dulot ng Paghihiwalay
Tagapagsalaysay: Pagkabalisa Dulot ng Paghihiwalay.Ang nanay ay dinadala ang kaniyang siyam na buwang gulang na anak
sa palaruan
at nakasalubong ang kaibigan niyang matagal na niyang hindi nakikita.
Sinubukang buhatin ng kaibigan niya ang kaniyang anakat nagsimulang umiyak ang bata.

Pinakalma muna ng ina ang kaniyang anak.Matapos maglaro nang ilang sandali,
inilapit ng ina ang bata sa kaniyang kaibigan.
Unti-unti na siyang kinikilala ng bata
at tumatawa habang nakikipaglaro sa kaniya.

Super: Pagkabalisa Dulot ng Paghihiwalay
Tagapagsalaysay: Ang mga bata ay nagsisimulang magpakita ng pagkabalisa dulot ng paghihiwalay
mula 8 buwang gulang.
Kapag nahiwalay ang isang bata sa tagapag-alaga,at napapaligiran ng bagong mga tao o nasa bagong lugar
ang sanggol ay maaaring maging balisa at magsimulang umiyak.Sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga natural na pagbabagong ito,
matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magkaroon ng pakiramdam ng pagiging ligtas
at unti-unting masanay sa paghihiwalay.

Subheading: Terrible Twos
Tagapagsalaysay: Terrible Twos.

Sa ikalawang taong gulang ng isang bata,ang kaniyang mga emosyon ay nagiging mas kumplikadoSa pag-unlad ng kaniyang pansariling konsepto,
siya ay nagsisimulang magkaroon ng kaniyang sariling mga ideya,at maaring hindi gaanong nakikinig.
Pamilyar ba sa iyo ang mga sumusunod na sitwasyon?Ang tatay na ito ay binibihisan ang kaniyang anak
para maglaro sa parke.Ang kanyang anak ay nagsimulang maging matigas ang uloat paulit-ulit na tumatangging magsuot ng kaniyang pantalon.
Anak: Ayaw ko!
Tagapagsalaysay: Kaya matiyagang pinapakalma ng tatay ang kaniyang anakbago malumanay na hikayatin itong making.Ang mga dalawang taong gulang na ay madaling mainisat maaaring maging mahirap ang pagpapasunod sa kanila.
Gayunpaman, sa pamamagitan ng pagtingin sa mga bagay mula sa kanilang mga pananawat matiyagang pagbibigay ng gabay,matutulungan sila ng mga magulang na kontrolin ang kanilang mga emosyon.

Subheading: Mga Preschooler
Tagapagsalaysay: Mga Preschooler.

Sa pagpasok preschool years,

kailangang matutunan ng iyong anak kung paano makisama sa ibang mga bata.Maaari mo siyang bigyan ng mas maraming oras na makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan at
gabayan siya na matutuhan ang pangangailangan at damdamin ng iba.Isang grupo ng mga bata ang masayang naglalaro sa parke.
Ang lola at tatay ng isang bata ay pinanonood
ang naglalarong grupo nang sabihin ng lola,
Lola: Palagi lang naglalaro ang anak mo.
Bakit hindi mo siya ipasok para mag-aral?
Tagapagsalaysay: Hindi sumasang-ayon ang tatay at ipinaliwanag niya,
Ama: Ang paglalaro ay mahalaga sa mga bata.Maaari silang magsaya
habang natututo kung paano makihalubilo sa iba.
Tagapagsalaysay: Habang nag-uusap sila, ang bata ay nagsimulang makipagtalo
sa isa pang bata dahil sa spring rider.
Son: Ako muna! Wahhhh…
Bata: Hindi! Ako ang maglalaro!
Tagapagsalaysay: Kayalumakad ang tatay at pinapakalma ang kaniyang anak na lalaki,at hinihikayat silang magsalitan.Ang mga preschooler ay nagsisimulang makilala ang kanilang sariling mga damdamin
at pati na rin sa iba.
Mahilig din silang makipaglaro sa kanilang mga kaibigan.Ngunit kailangan pa rin nila ang patnubay ng magulang
sa pagpapa-unlad ng kanilang kakayahang interpersonal.Nagpapahayag ang mga bata ng iba't ibang emosyon mula mismo sa kanilang kapanganakan.Sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga pangangailangan sa  pag-unlad
at pagbibigay ng naaangkop na patnubay,ang mga magulang ay maaaring  makapagbigay ng matatag na pundasyon para sa kanilang pakikisalamuha,emosyonal at pangkalahatang pag-unlad.Hindi ito mahirap gawin!

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pakikisalamuha at emosyonal na pag-unlad ng mga bataat kung paano tumugon sa mga emosyon ng mga bata,
mangyaring panoorin ang mga video sa "Tips on Emotion Coaching"

at“5 Steps of Emotion Coaching”.
Maaari ring bisitahin ang website ng Family Health Serviceng Department of Health sa www.fhs.gov.hkat sumangguni sa mga kaukulang polyeto.
Ang video na ito ay ginawa ng
Family Health Service ng Department of Health.