Mga Tip sa Pagtuturo ng Emosyon para sa mga sanggol at bata na wala pang 2 taong gulang

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat:
Mga Tip sa Pagtuturo ng Emosyon para sa mga sanggol at bata na wala pang 2 taong gulang

Tagapagsalaysay:Mga Tip sa Pagtuturo ng Emosyon
para sa mga sanggol at bata na wala pang 2 taong gulangLahat tayo ay ipinanganak na may emosyon.
Sa pamamagitan ng pagtugon sa
pag-unawa at pagtanggap sa mga emosyon ng kanilang anak,at pagiging "tagapagturo ng emosyon" ng bata,
maaaring suportahan ng mga magulang ang pisikal
at mental na kalusugan ng kanilang anak mula kapanganakan.
Super: Pagtuturo ng Emosyon; Suporta sa pisikal at mental na kalusugan
Tagapagsalaysay: Ang mga sanggol ay may limitadong kakayahang magsalita.
Narito ang tatlong tip  na  makakatulong  sa  pagtugon sa kanilang mga emosyon:
Subheading: Mga tip sa pagtugon sa mga emosyon ng mga bata
Super: Maging Mapagmasid: pansinin ang mga pagbabago sa mga emosyon
at kalagayan ng iyong anak at ng iyong sarili
Tagapagsalaysay:“Maging Mapagmasid”
pansinin ang mga pagbabago sa emosyonat estado ng iyong anak at ng iyong sarili.
Super: Baguhin ang Pananaw: maging maunawain
at gamitin ang pagkakataong kumonekta sa iyong anak
Tagapagsalaysay:“Baguhin ang Pananaw”:
maging maunawain at gamitin ang pagkakataong
kumonekta sa iyong anak.
Super: Magpahayag ng Empatiya: ipakita ang pag-unawa
Tagapagsalaysay:“Magpahayag ng Empatiya”:
ipakita ang pag-unawa.
Tingnan natin kung paano tumugon ang mga magulang sa mga emosyon ng mga bata.
Subheading: Mga tip sa pagtugon sa mga emosyon ng mga sanggol at  bata
Narrator: Mga tip sa pagtugon sa mga emosyon ng mga sanggol at bata.
Sinusubo ng isang apat na buwang gulang na sanggol ang laruan sa kaniyang bibig.
Inaalis ng kasambahay
ang laruan sa sandaling makita niya ito,
at sinabihan ang bata na huwag maglagay ng mga bagay-bagay sa kaniyang bibig.
Kasambahay: Huwag! Huwag!
Super: Maging Mapagmasid
Tagapagsalaysay: Ang ina ay "mapagmasid" sa sanggol
at nakita kung bakit ito umiiyak, kaya pinayuhan niya ang kasambahay,
Super: Baguhin ang Pananaw
Ina: Alam kong nag-aalala ka na ang laruang ito ay marumi,
ngunit kung "babaguhin mo ang iyong pananaw",
mahilig siyang magsubo sa edad na ito,
at ang pagkuha ng kaniyang laruan ay tiyak na makakasama ng loob niya
Sa halip, bigyan natin siya ng malinis na teether.
Super: Magpahayag ng Empatiya
Tagapagsalaysay: Dahan-dahang binuhat ng nanay ang  bata
at ginagaya ang ekspresyon niya para "magpahayag ng empatiya".
Pagkatapos ay binigyan ng kasambahay ang sanggol ng malinis na teether
at muling ngumiti ang bata.
Tingnan natin ang isa pang senaryo.
Umuwi ang tatay mula sa trabaho
at ibinibigay ng nanay ang sanggol sa kaniya.
Nasasabik ang tatay,
ngunit nagsimulang umiyak ang bata.
Super: Maging Mapagmasid
Tagapagsalaysay: Ang ama ay "mapagmasid" sa mga damdamin
at pangangailangan niya at ng bata at iniisip na,
Super: Baguhin ang Pananaw
Tatay: Medyo dismayado ako
na ayaw niya akong makasama,
pero normal lamang‘yun sa isang siyam na buwang gulang na bata
na matakot na mahiwalay sa kaniyang nanay.
Kapag "binago ko ang aking pananaw",
nakikita ko na ang pagsama sa kaniya kapag siya ay hindi masaya
ay maaari ring maging isang pagkakataon para kumonekta.
Super: Magpahayag ng Empatiya
Tagapagsalaysay: Pagkatapos ay malumanay na inaalo ng ama ang sanggol
at "nagpapahayag ng empatiya" sa pagsasabing,
Tatay: Kawawa naman, miss mo na ba si mummy?
Tara hanapin na natin si mummy , shh…
Tagapagsalaysay: Kaya't binuhat ng tatay ang bata
at parehong pinapanood ang ina mula sa labas ng kusina.
Si baby ay unti-unting tumahan.
Kapag masaya ang iyong anak,
maaari mo ring gamitin ang mga tip na ito.
Tingnan natin!

Abala ang lola sa paghahanda ng hapunan
nang subukan ng kaniyang 18-buwang gulang na apo
na makipaglaro sa kaniya gamit ang laruan na nasa  kaniyang kamay.
Batang lalaki: Lola!
Super: Maging Mapagmasid
Tagapagsalaysay: Ang lola ay "mapagmasid"
at alam niyang gustong makipaglaro sa kaniya ng kaniyang apo,
ngunit gusto niyang tapusin muna ang pagluluto.
Super: Baguhin ang Pananaw
Tagapagsalaysay: Ang lola ay "binago ang kanyang pananaw"at
napagtanto niya na hindi nauunawaan ng kaniyang apo na
siya ay abala sa ngayon at nais lamang nitong may makasama.
Super: Magpahayag ng Empatiya

Tagapagsalaysay: Samakatuwid, ang lola ay "nagpapahayag ng kaniyang empatiya" at sinabing,
Lola: Masaya ka at gusto mong makipaglaro kay lola!
Paano kung dito ka umupo sa labas lang ng kusina
para makita kitang maglaro,
pagkatapos ay makikipaglaro ako sa iyo pagkatapos kong magluto.
Tagapagsalaysay: Naramdam ng bata na may kasama siya at masaya siyang naglalaro
sa labas ng harang na natatanaw ng lola.
Kasabay nito,
maaari niyang ipagpatuloy ang pagluluto nang walang ibang iniisip.
Super: Maging Mapagmasid; Baguhin ang Pananaw; Magpahayag ng Empatiya
Tagapagsalaysay: Kapag nagpapakita ng mga emosyon ang iyong anak,
"maging mapagmasid" at pansinin ang mga pagbabago sa emosyon
mo at ng iyong anak.
"Baguhin ang pananaw" at paalalahanan ang iyong sarili
na isa itong pagkakataon upang kumonekta sa iyong anak.
Pagkatapos ay "magpahayag ng empatiya" upang maiparamdam sa kaniya  sense of security
at palawigin ang inyong relasyon.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pakikisalamuha at emesyonal na pag-unlad
at kung paano tumugon sa mga emosyon ng mga preschooler,
mangyaring panoorin ang mga video sa“Feelings and Connections Matter”
at“5 Steps of Emotion Coaching”
Para sa karagdagang kaalamantungkol sa Pagtuturo ng Emosyon,
mangyaring bisitahin ang website ng Family Health Service
Department of Health sa www.fhs.gov.hk
at sumangguni sa mga kaukulang polyeto.
Ang video na ito ay ginawa ng
Family Health Service ng Department of Health.