5 Hakbang ng “Pagtuturo ng Emosyon” para sa mga Preschooler

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat: 5 Hakbang ng “Pagtuturo ng Emosyon” para sa mga Preschooler

Tagapagsalaysay:
Tagapagsalaysay: 5 Hakbang ng “Pagtututo ng Emosyon” para sa mga Preschooler
Habang lumalaki ang iyong anak,
ang pagpapahayag niya ng kaniyang emosyon ay nagiging mas paiba-iba
habang ang kanyang pag-uugali at mga kagustuhan ay nagiging mas malinaw.
Sa pagpasok ng iyong anak sa preschool years,
maaari kang sumangguni sa 5 Hakbang ng Pagtuturo ng Emosyon
upang matugunan ang mga emosyon ng iyong anak sa positibong paraan,
magbigay ng gabay sa regulasyon ng emosyon
at epektibong paglutas ng problema.
Nakakatulong ito sa pisikal at mental na kapakanan ng iyong anak.
Kabilang sa 5 hakbang ang:

Super: Magkaroon ng kamalayan sa mga pagbabago sa mga emosyon ng iyong anak at ng iyong sarili
Tagapagsalaysay: Magkaroon ng kamalayan sa mga pagbabago sa mga emosyon
ng iyong anak at ng iyong sarili.
Super: Baguhin ang iyong pananaw upang ituring ito bilang isang pagkakataon para sa pagkonekta at pagtuturo
Tagapagsalaysay: Baguhin ang iyong pananaw
upang makita ang pagpapahayag ng emosyon ng iyong anak
bilang isang pagkakataon para sa pagkonekta at pagtuturo.
Super: Makinig nang may empatiya, unawain at tanggapin ang damdamin ng iyong anak
Tagapagsalaysay: Makinig nang may empatiya,
unawain at tanggapin ang damdamin ng iyong anak.
Super: Tulungan ang iyong anak na ipahayag ang mga emosyon sa mga salita
Tagapagsalaysay: Tulungan ang iyong anak na ipahayag ang mga emosyon sa mga salita, at -
Super: Magtakda ng mga limitasyon at makipagtulungan sa iyong anak upang malutas ang mga problema
Tagapagsalaysay: Magtakda ng mga limitasyon at makipagtulungan sa iyong anak upang malutas ang mga problema
Ngayon tingnan natin kung paano maisasagawa ng mga magulang ang nasabing 5 hakbang.
Subheading: Pagtuturo ng Emosyon; Mga Praktikal na Aplikasyon
Tagapagsalaysay: Pagtuturo ng Emosyon
Mga Praktikal na Aplikasyon.
Ang mga magulang at tagapag-alaga ay naghihintay para sunduin
ang kanilang mga anak sa labas ng kindergarten.
Nasasabik ang isang batang babae na ipakita sa kaniyang lolo ang kaniyang iginuhit.
Batang babae: Lolo! Tingnan mo!
Tagapagsalita: Ang kaniyang lolo ay tumugon nang walang interes.
Lolo: Oo, oo na. Bilisan mo! Aalis na ang bus!
Tagapagsalaysay: Nadismaya ang batang babae nang
marinig ang malamig na tugon ng kaniyang lolo.
Samantala, ang isang batang lalaki mula sa klase ng batang babae
ay ipinapakita rin sa kaniyang nanay ang kaniyang iginuhit at sinabing,
Anak na lalake: Tingnan mo, nay! Iginuhit ko ito!
Super: Magkaroon ng kamalayan sa mga emosyon;
Baguhin ang Pananaw; Makinig nang may Empatiya; Tumulong na Ipahayag ang mga Emosyon sa mga Salita
Tagapagsalaysay: Nagagawa ng nanay na ito ang "magkaroon ng kamalayan sa mga emosyon"
ng kaniyang anak at napansin niyang masaya ang kaniyang anak na lalaki,
ngunit ramdam din niya ang pagmamadali dahil nagmamadali sila.
Gayunpaman, pinaalalahanan ng nanay ang kaniyang sarili na "baguhin ang pananaw"
at gamitin ang pagkakataong ito upang magsaya kasama ang kaniyang anak na lalaki.
Kaya naman ang pagsimangot ng nanay ay napalitan ng ngiti.
Siya ay "nakikinig sa kaniyang anak nang may empatiya",
at "tumutulong sa pagpapahayag ng mga emosyon sa mga salita" sa pagsasabi ng,
Ina: Masaya ka sa iginuhit mong ito,
hindi ba?
Pero kailangan na nating umalis, 
Ikuwento mo sa akin‘yan pag-uwi natin sa bahay.
Super: Magtakda ng mga Limitasyon, Lutasin ang mga Problema
Tagapagsalaysay: Pagkatapos ang nanay ay
"nagtatakda ng mga limitasyon at nakikipagtulungan sa kanyang anak na lalaki upang lutasin ang mga problema"
at gamitin ang pagkakataong ito upang kumonekta
sa kaniyang anak gamit ang Pagtuturo ng Emosyon.
Tingnan natin ang iba pang sitwasyon.
Ang batang babae na ito ay galing sa paaralan at nagrereklamo,
Anak na babae: Hindi ako papasok sa paaralan bukas!
Tagapagsalaysay: Nang marinig ito,
sinubukang i-downplay ng ina
ang negatibong emosyon ng kaniyang anak at nagtanong,
Ina: Sobrang saya sa paaralan,‘no?

Kaya, siyempre papasok ka pa rin.
Super: Magkaroon ng kamalayan sa mga emosyon; Baguhin ang Pananaw
Tagapagsalaysay: Samantala, naalala ng tatay na kailangan niyang
"magkaroon ng kamalayan sa mga emosyon" ng kaniyang anak na babae
at napansin kung gaano sumama ang loob niya.
Pagkatapos ay "binabago niya ang kaniyang pananaw"
at pinaalalahanan ang kanyang sarili na
hindi pa kayang kontroling mabuti ng kaniyang anak na babae ang emosyon nito,
kaya sinubukan niyang alamin ang mga dahilan nito at inaalo siya.
Mukhang masama ang loob ng kaniyang anak na babae habang nakatitig sa sahig.
Nilapitan siya ng tatay at tinanong,
Ama: Mukhang masama ang loob mo.
Ano’ng mayroon sa paaralan mo bukas?
Tagapagsalaysay: Tumingin ang bata sa kaniyang tatay at sumagot,
Anak na babae: Kailangan kong magkuwento bukas.
Natatakot akong pagtawanan ako ng klase
kapag nagkamali ako.
Super: Makinig nang may Empatiya; Tumulong na Ipahayag ang mga Emosyon sa mga Salita
Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng “makinig nang may empatiya”
ipinahayag ng tatay ang kaniyang pag-unawa
sa pamamagitan ng "pagtulong sa kaniya na ipahayag ang mga emosyon sa mga salita",
Ama: Alam ko ang nararamdaman mo. Kung ako, matatakot din ako!
Super: Magtakda ng mga Limitasyon, Lutasin ang mga Problema
Tagapagsalaysay: Tumatango ang batang babae.
Pagkatapos ay sinubukan ng kaniyang tatay na
"magtakda ng mga limitasyon at makipagtulungan sa kaniya upang malutas ang problema"
sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga solusyon sa kaniya.
Tatay: Paano kung sanayin muna natin ng ilang beses?
O paano kung isama mo si teddy sa paaralan?
Ano sa tingin mo?
Tagapagsalaysay: Nag-isip sandali ang batang at sinabing,
Anak: Gustong isama si teddy.
Tagapagsalaysay: At sa ganoong paraan isinagawa ‘yun ng tatay.
ang 5 hakbang sa Pagtuturo ng Emosyon
Hangga't inaasikaso mo,
naiintindihan at tinatanggap mo ang mga emosyonal na pagbabago
ng iyong mga anak
sa iba't ibang yugto ng pag-unlad
at isagawa ang 5 hakbang ng Pagtuturo ng Emosyon,
Kabilang ang
Magkaroon ng kamalayan sa mga emosyon,
Baguhin ang pananaw,
Makinig nang may empatiya,
Tumulong na ipahayag ang mga emosyon sa mga salita,
Magtakda ng mga limitasyon na lutasin ang mga problema,
maaari mong suportahan ang malusog na pag-unlad ng iyong anak
at bumuo ng isang malapit na relasyon sa pagitan ng magulang at anak!
Super: Magkaroon ng kamalayan sa mga emosyon;
Baguhin ang Pananaw; Makinig nang may Empatiya
Tumulong na Ipahayag ang mga Emosyon sa mga Salita
Magtakda ng Mga Limitasyon; Lutasin ang Mga Problema
Tagapagsalaysay: Para sa karagdagang kaalaman
sa pakikisalamuha at emosyonal na pag-unlad ng mga bata
at kung paano tumugon sa mga emosyon
ng mga sanggol at bata
mangyaring panoorin ang mga video sa
“Feeling and Connection Matter”

at“Tips on Emotion Coaching”.
Upang maunawaan pa ang tungkol sa
5 steps of Emotion Coaching,
mangyaring bisitahin ang website ng Family Health Service
ng Department of Health sa www.fhs.gov.hk
at sumangguni sa mga kaukulang polyeto
Ang video na ito ay ginawa ng
Family Health Service ng Department of Health