Komunikasyon ng Magulang at Anak (Naangkop mula 18 – 24 na Buwang Gulang)

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat:
Komunikasyon ng Magulang at Anak
(Naangkop mula 18 – 24 na Buwang Gulang)

Tagapagsalaysay:
Eksena: Si Nanay ay naglalaro ng piano kasama ang kaniyang anak na si Hei Hei sa sala.
Si Nanay ay naglalaro ng piano kasama ang kaniyang anak
na si Hei Hei sa sala.

Eksena: Sinusulyapan niya ang labada sa sofa at hinihimas ang ulo ni Hei Hei.
Hinihimas niya ang ulo ni Hei Hei atsinasbai niya sa kaniya na maglaro lang siya
dahil kailangan niyang gawin ang mga gawaing-bahay.

Eksena: Umupo si Nanay at itinutupi ang mga damit habang si Hei Hei ay naglalaro.
Si Nanay ay nagtutupi ng mga damit habang si Hei Hei ay naglalaro.
Heading: De-kalidad na Oras
Paglalaan ng Oras

Eksena: Si Nanay ay nakikipaglaro sa kaniyang anak na si Hei Hei at gumagawa ng mga gawaing-bahay.
Ang mga bata ay madalas na nangangailangan ng ating pansin para makipag-usap
at makipaglaro sa kanila.
Gayunman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may oras tayo para sa kanila.
Kung maganda ang“Paglalan mo ng Oras”upang bumuo ng magandang relasyon sa iyong mga anak,
mas magtitiwala sila sa iyo
at mas mapapadali nito ang pagpapalaki mo sa iyong mga anak.

Eksena: Si Nanay ay kinikiliti si Hei Hei sa sofa.
Ang oras na kailangan gugulin sa iyong anak ay ‘di nangangailangang matagal.Ang panaka-nakang pagbibigay ng pansinay maaring magdulot ng mas magandang resulta.
Magsaya at makibagay sa iyong anak
Kahit na ang laro ay parang isang kalokohan at paulit-ulit.
Eksena: Si Nanay ay nagtutupi ng mga damit sa sofa. Siya ay ngumiti kay Hei Hei at sinabayan ng pagkanta ang piano.
Kahit na marami kang ginagawa,Maari mong mabigyan ng panaka-nakang pansin ay iyong anak.
Katulad ng nanay na ito,

madalas niyang bigyan ng pansin ang kaniyang anak
at pinupuri niya siya habang nagtutupi ng mga damit.

Eksena: Si Hei Hei ay pumunta kay Nanay habang siya ay nagtutupi ng mga damit sa sofa.
Si Hei Hei ay pumunta kay Nanay habang siya ay nagtutupi ng mga damit sa sofa.Kapag kailangan ka ng iyong anak at lumapait siya sa iyo,itigil muna ang ginagawa
Hangga’t maari at tumugon sa kaniya.

Eksena: Itinigil ni Nanay ang pagtutupi ng mga damit at kinausap si Hei Hei.
Si Nanay ay tumugil sa pagtutupi ng damitat tumugon sa kailangan ni Hei Hei.

Heading: Mga Kasanayan sa Komunikasyon ng Magulang at Anak
Mga kasanayang pangkomunikasyon ng magulang at anak

Eksena: Mga eksena ng pagaalboroto ni Hei Hei at pakikipaglaro ni Nanay sa kaniya.
Ang mga batang 18 hanggang 24 na buwang gulangay maaaring hindi pa maipahayag nang maayos ang kanilang sarili
at sarili lang nila ang kanilang iniisip.
Ang paggamit ng mga epektibong kasanayang pangkomunikasyonay makakatulong na makamit
ang aktibong pakikipag-ugnayan sa iyong anak.


Eksena: Hinahanap ni Hei Hei ang kaniyang ina, ngunit abala ito sa pagliligpit ng mesa.
Inililigpit n Nanay ang lamesa
at hawak ang mga mangkok habang hinahanap siya ni Hei Hei.
Sinabihan niya siya na maglaro munang mag-isa.

Eksensa: Tumalungko si Nanay, umpo at hinawakan niya siya para manatili silang magkaharap habang nag-uusap.
Sub-heading: Magkaharap
Kapag nakikipag-usap sa mga bata,anatiling magkaharap sa posisyong magkapantay ang mga mata.
Maari kang tumalungko, umupo
o hawakan sila para makatingin sila nang diretso sa iyong mga mata.

Eksena: Si Nanay ay nakikipaglaro kay Hei Hei sa sala.
Kapag nakikipaglaro sa mga bata,huwag sila basta bibigyan ng panutoat‘wag pansinin ang mga bagay na gusto nilang gawin.

Eksena: Kumuha si Nanay ng libro at binasa ito kay Hei Hei.
Ngunit si Hei Hei ay mas interesado sa ibang mga bagay
Iminungkahi ni Nanay na magbasa si Hei Hei ng libro.Ngunit nang makitang mas interesado si Hei Hei sa mga laruang sasakyan,Hinayaan siya ni Nanay na gawin ang gusto niya.

Sub-Heading: Hayaan ang iyong anak na gawin ang gusto niya
Kapag nakita ng anak mo na gusto mo rin ang ginagawa niya,
mas magkukusa siyang makipag-ugnayan sa ‘yo

Eksena: Sina Nanay at Hei Hei ay naglalaro ng bola sa sala
Sub-heading: Tumugon at purihin
Kapag ang iyong anak ay gumawa ng mga tunog,ekspresyon ng mukha o mga kilos,
maaari tayong tumugon sa pamamagitan ng paggaya
o paghula sa mga ibig niyang sabihin.
Purihin siya sa kaniyang mga ginagawa.

Eksena: Ibinigay ni Nanay ang mga laruan kay Hei Hei at inilagay niya ang mga ito sa kahon.
Tinutulungan ni Hei Hei si Nanay na iligpit ang mga laruan.
Pagkatapos niya itong magawa,
pinuri ni Nanay si Hei Hei nang may malaking ngiti at palakpak.

Eksena: Si Nanay ay nakikipaglaro kay Hei Hei sa sala
Sub-Heading: Pag-usapan ang mga bagay na nakikita
Gamitin ang pang-araw-araw na sitwasyonupang ilarawan ang mga kilos, pangalan,
gamit o katangian ng mga bagay na nakapaligid ng iyong anak

Eksena: Pinapaliguan ni Nanay si Hei Hei.upang mapahusay ang pag-unlad ng kaniyang wika at pag-iisip.
Tulad ng oras ng paligo,
Sinasabi ni Nanay na "Ducky" kay Hei Heihabang hawak niya ang rubber duck.

Inilalarawan ni Nanay kay Hei Hei kung ang ginagawa niyahabang pinupunasan niya siyapagkatapos maligo at tinutulungan niya siyang magsuot ng kamiseta.

Eksena: Abala si Nanay sa kusina habang si Hei Hei ay naglalaro sa sala. Hinanap siya ni Hei Hei.
Abala si Nanay sa kusinaat si Hei Hei ay naglalaro sa sala.
Pagkatapos ay pinuntahan siya ni Hei Heiat sinabihan siya ni Nanay na maglaro siya nang mag-isa.


Eksena: Nagsimulang magalboroto si Hei Hei.
Sub-Heading: Maghanda ng mga kawili-wiling pagkakaabalahan
Kung wala kang masyadong oras para sa iyong anak,maghanda ng ilang kawili-wiling mga pagkakaabalahan
upang may gawin siya sa ganoong mga pagkakataon
para hindi siya mabagot at hingin ang iyong pansin.

Eksena: Binuksan ni Nanay ang kabinet sa kusina upang maghanap ng mga laruan para kay Hei Hei.
Maliban sa mga laruan,maaring gamitin ang ilang kasangkapan sa bahay.
Tandaan, ang pinakamahalagang bagayay kailangang angkop ang mga ito
sa antas ng kaniyang pag-unlad.
Dinalhan  ni Nanay si Hei Hei ng ilang plastik na bote,
mga kahon at paper tube para paglaruan niya.
Ang mga bata sa ganitong edad ay may maikling atensyon.Maari kang gumamit ng mga bago at kakatuwang
pagkakaabalahan para sa iyong anak
sa pamamagitan ng paghahanda ng iba't ibang materyalesat pagtatabi ng ilan para hindi ito agad mag-sawa.
Hindi mo kailangang
gumastos para mga kawili-wiling laruan.

Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health