Malusog na Pagkain para sa mga Nagbubuntis na Ina

(Naka-upload na ang bidyo 01/22)

Transcript

Titulo: Malusog na Pagkain para sa mga Nagbubuntis na Ina

Pamagat: Malusog na Pagkain para sa Mga Nagbubuntis na Ina

Tagapagsalaysay:  Malusog na Pagkain para sa Mga Nagbubuntis na Ina

Super:  Nutrisyonal na pangangailangan

Tagapagsalaysay:  Sa panahon ng pagbubuntis, tumataas ang iyong nutrisyonal na pangangailangan habang lumalaki ang iyong sanggol.

Subheading:  Mga Pangunahing Punto para sa Malusog na Pagkain sa panahon ng Pagbubuntis

Super:  Kumain ng balanseng diyeta; Kumain ng iba't ibang pagkain; Iwasan ang labis na pagkain; Bigyang-pansin ang pagiging ligtas ng pagkain

Tagapagsalaysay:  Dapat kang kumain ng isang balanseng diyeta na may iba't ibang masusustansiyang pagkain at iwasan ang labis na pagkain dahil maaaring humantong ito sa labis na pagbigat ng timbang.

Mahalaga rin na bigyang-pansin ang pagiging ligtas ng pagkain.

Pamagat: Ano ang dapat kainin ng mga nagbubuntis na ina sa panahon ng unang trimester?

Tagapagsalaysay:  Ano ang dapat kainin ng mga nagbubuntis na ina sa panahon ng unang trimester?

Subheading:  Araw-araw na Diyeta sa panahon ng Unang Trimester

Super: Mga butil; Mga gulay; Mga prutas; Karne, Isda, Itlog at Mga Alternatibo (kasama ang mga dry bean); Gatas at Mga Alternatibo

Tagapagsalaysay:  Hindi mo kailangang kumain ng higit pa kaysa sa karaniwan mong kinakain sa unang trimester, ngunit dapat piliin mo ang tamang mga pagkain.

Dapat kasama sa iyong pang-araw-araw na diyeta ang limang pangunahing pangkat ng pagkain, na mga butil, gulay, prutas, karne, isda, itlog, dry bean, gatas at ang mga alternatibo nito.

Super:  Tumaas na pangangailangan para sa folate at iodine sa unang trimester; Folate; Iodine

Tagapagsalaysay:  Nadedebelop ang mga organo ng iyong sanggol sa unang trimester, na nangangahulugang kakailanganin mo ng mas maraming folate at iodine sa iyong diyeta

Subheading:  Magkaroon ng Sapat na Folate sa panahon ng Pagbubuntis

Super:  Uminom ng folic acid na supplement na hindi bababa sa 400 micrograms araw-araw; Kumain ng mas maraming pagkaing mayaman sa folate; Berdeng-berde na gulay; Prutas; Mga butong-gulay at beans

Tagapagsalaysay:  Ang pagkakaroon ng sapat na folate ay makakaiwas na ang iyong sanggol ay magkaroon ng mga depekto sa neural tube. Inirerekomendang uminom ka ng supplement na folic acid na hindi bababa sa 400 micrograms araw-araw sa unang trimester, at kumain ng mas maraming berdeng-berde na gulay, prutas at bean, na sagana lahat sa folate.

Subheading:  Magkaroon ng Sapat na Iodine sa panahon ng Pagbubuntis

Super:  Iodine; Uminom ng supplement na may iodine araw-araw; Palitan ang table salt ng iodised salt; Pumili ng mga pagkaing may iodine; Pagkaing-dagat, mga isda sa dagat; Mga itlog; Gatas at mga produktong gatas; Damong-dagat.

Tagapagsalaysay:  Ang sapat na iodine ay mahalaga para sa paglaki ng iyong sanggol at sa pagdebelop ng utak. Ngunit ang pag-asa lamang sa diyeta ay maaaring hindi sapat upang matugunan ang iyong mga pangangailangan sa iodine sa panahon ng pagbubuntis. Inirerekomenda na uminom ka ng prenatal multivitamin na may iodine at mineral na supplement araw-araw; at palitan ang table salt ng iodised salt kapag ikaw ay nagluluto. Dapat ka ring kumain ng mga pagkaing may iodine, tulad ng pagkaing-dagat, isda sa dagat, mga itlog, gatas, keso, yoghurt, at damong-dagat.

Pamagat:  Anong mga pagkain at substansiya ang dapat iwasan sa panahon ng pagbubuntis?

Tagapagsalaysay:  Anong mga pagkain ang dapat iwasan sa panahon ng pagbubuntis?

Subheading:  Limitahan ang Pag-inom ng Caffeine sa panahon ng Pagbubuntis

Super: Iwasang uminom ng mga energy drink; Uminom ng mas kaunting kape at matapang na tsaa

Tagapagsalaysay:  Ang labis na caffeine ay maaaring makasama sa iyong sanggol. Dapat mong iwasan ang mga energy drink at limitahan ang kape at matapang na tsaa sa hindi hihigit sa isang tasa sa isang araw.

Subheading:  Iwasan ang Mga Pagkaing may Mas Mataas na Peligro sa Kontaminasyon ng Listeria

Super:  Hindi pasteurised na gatas at mga produktong gatas; Sashimi; Mga malamig na karne

Tagapagsalaysay:  Sa panahon ng pagbubuntis, iwasan ang hindi pasteurised na gatas at mga produktong gatas, at mga pinalamig, ready-to-eat na pagkain, tulad ng sashimi at mga malamig na karne. Ang mga pagkaing ito ay may mas mataas na peligro na makontamina ng Listeria. Ang impeksyon ng Listeria ay nagpapataas sa peligro ng pagkalaglag o nagdudulot ng malulubhang mga problema sa kalusugan sa iyong sanggol.

Subheading:  Bigyang-pansin ang Pagiging Ligtas ng Pagkain

Super:  Ang pagkain ay dapat na lutuing mabuti bago kainin

Tagapagsalaysay:  Siguraduhing lutuin nang mabuti ang lahat ng pagkaing-dagat, isda, karne, itlog at sariwang gulay bago kainin.

Subheading:  Huwag Uminom ng Alkohol o Manigarilyo

Super:  Lumikha ng isang smoke-free na kapaligiran

Tagapagsalaysay:  Hindi ka dapat uminom ng alkohol o manigarilyo. Ang ibang mga miyembro ng pamilya ay dapat ding tumigil sa paninigarilyo upang lumikha ng isang smoke-free na kapaligiran para sa kalusugan ng iyong sanggol.

Pamagat:  Ano ang dapat kainin ng mga nagbubuntis na ina pagkatapos ng unang trimester?

Tagapagsalaysay:  Ano ang dapat kainin ng mga nagbubuntis na ina pagkatapos ng unang trimester?

Subheading:  Kumain ng Sapat na Iron

Super:  Pumili ng mga pagkaing may iron; Berdeng-berde na gulay; Mga dry bean; Karne; Isda; Pampalakas; Protina

Tagapagsalaysay:  Ang sapat na iron ay nakakatulong sa pagdebelop ng fetus at nakakapigil sa pagkakaroon ng anemia sa panahon ng pagbubuntis. Dapat mong isama sa iyong diyeta ang mga pagkaing sagana sa iron tulad ng berdeng-berde na gulay, dry bean, karne at isda.

Mapagkukunan din ang mga dry bean, karne at isda ng lakas at protina na kailangan mo at ng iyong sanggol.

Pamagat:  Ano ang dapat binibigyang-pansin ng mga nagbubuntis na ina kapag pumipili ng isda?

Tagapagsalaysay:  Ano ang dapat binibigyang-pansin ng mga nagbubuntis na ina kapag pumipili ng isda?

Subheading:  Mga Paalala sa Pagpili ng Isda

Super:  Ang matatabang isda sa pangkalahatan ay mayroong mas maraming omega-3 fatty acid; Pumili mula sa iba't ibang uri ng isda; Iwasan ang malalaking maninilang isda na may mataas na lebel ng methylmercury

Tagapagsalaysay:  May mga omega-3 fatty acid ang isda, na mahalaga para sa pagdebelop ng utak at mata ng iyong sanggol. Ang matatabang isda sa pangkalahatan ay mayroong mas maraming omega-3 fatty acid. Dapat mong bigyang-pansin ang pagiging ligtas ng pagkain. Pumili nang paiba-iba at pumili mula sa sari-saring mga uri ng isda. Iwasang kumain ng isang uri lamang ng isda. Huwag kumain ng malalaking maninilang isda dahil sa kanilang mataas na lebel ng methylmercury, na maaaring makapipinsala sa nervous system ng iyong sanggol.

Pamagat:  Ang ilang mga nagbubuntis na ina ay nakakaramdam ng pagkagutom sa lahat ng oras. Ano ang dapat mong gawin?

Tagapagsalaysay:  Ang ilang mga nagbubuntis na ina ay nakakaramdam ng pagkagutom sa lahat ng oras. Kung nakakaramdam ka nito, ano ang dapat mong gawin?

Subheading:  Mga Tip kung Paano Makaramdam na Mas Busog Ka

Super: Kumain ng mas kaunting pagkain nang mas madalas; Pumili ng masusustansyang meryenda; Sariwang prutas; Pinatuyong prutas na walang idinagdag na asukal; 240ml Low-fat na gatas o calcium-fortified na soy milk; Pumili ng mga pagkaing sagana sa dietary fibre; Pulang bigas, brown na bigas; Whole-meal na tinapay; Mga gulay

Tagapagsalaysay:  Madaling makaramdam ng pagkagutom sa panahon ng pagbubuntis.

Upang mas busog ang pakiramdam mo, mabuting kumain ng mas kaunting pagkain nang mas madalas at kumain nang dahan-dahan. Pumili ng masusustansyang meryenda na mababa sa taba at asukal. Halimbawa, isang serving ng sariwang prutas o pinatuyong prutas na walang idinagdag na asukal, o isang karton ng low-fat na gatas o calcium-fortified na soy milk. Para sa pangunahing pagkain, pumili ng mga whole grain tulad ng brown na bigas o whole-meal na tinapay, at magkaroon ng maraming gulay. Lahat sila ay sagana sa dietary fibre, na mas nagpapabusog at pumipigil sa konstipasyon.

Subheading:  Kumain ng Mas Kaunting Meryenda na Mataas sa Taba o Asukal

Tagapagsalaysay:  Dapat kang kumain ng mas kaunting mga pagkain at inumin na mataas sa taba o asukal.

Pamagat: Paano matutugunan ng mga nagbubuntis na ina ang kanilang mga pangangailangan   sa calcium kung hindi sila umiinom ng gatas?

Tagapagsalaysay:  Paano matutugunan ng mga nagbubuntis na ina ang kanilang mga pangangailangan sa calcium kung hindi sila umiinom ng gatas?

Subheading:  Kumain ng Dalawang Serving ng Dairy sa isang Araw

Super:  240ml na Gatas; 240ml na Gatas; Keso; 150ml na Yogurt; 240ml Calcium-fortified na soy milk; 240ml Calcium-fortified na soy milk

Tagapagsalaysay:  Bilang bahagi ng isang balanseng diyeta, dapat kang kumain ng dalawang serving ng dairy sa isang araw. Ngunit kung hindi ka umiinom ng gatas, maaari kang pumili ng keso, yoghurt o calcium-fortified na soy milk sa halip na gatas.

Subheading:  Pumili ng mga Pagkaing Mas Mayaman sa Calcium

Super:  Matigas na tofu; Mga berdeng-berde na gulay; Isdang kinakain kasama ang buto

Tagapagsalaysay:  Pumili ng mga pagkaing mas mayaman sa calcium sa iyong pang-araw-araw na diyeta, tulad ng matigas na tofu, berdeng-berde na gulay, at isdang kinakain kasama ang buto.

Subheading:  Tumutulong ang Bitamina D sa Absorsyon ng Calcium

Super:  Maging aktibo sa labas ng bahay upang masikatan ng araw

Tagapagsalaysay:  Ang bitamina D ay tumutulong sa absorsyon ng calcium. Mahalaga ito sa kalusugan ng iyong buto at ng iyong sanggol. Kaya, lumabas ng bahay para masikatan ng araw upang magkaroon ng mas maraming bitamina D sa iyong katawan.

Subheading:  Pumili ng Mga Pagkaing Sagana sa Bitamina D

Super:  Matatabang isda; Mga itlog; Mga produktong gatas at soy milk na may dagdag na bitamina D

Tagapagsalaysay:  Para sa diyeta, maaari kang kumain ng matatabang isda, itlog, mga produktong gatas at soy milk na may dagdag na bitamina D.

Subheading:  Ang isang malusog na diyeta at katamtamang pag-eehersisyo ay parehong mahalaga para sa mga nagbubuntis na ina

Tagapagsalaysay:  Ang pagpili ng masusustansyang pagkain at pagkakaroon ng sapat na ehersisyo ay makakatulong sa mga nagbubuntis na ina upang manatiling malusog at handang-handa para sa pagsilang ng kanilang mga sanggol.

Tagapagsalaysay:  Kung may mga pagdududa ka tungkol sa iyong mga pangangailangan sa diyeta, dapat kang komunsulta sa iyong propesyonal sa kalusugan.

Super: Mangyaring bumisita sa www.fhs.gov.hk para sa karagdagang impormasyon tungkol sa malusog na pagkain habang nagbubuntis

Tagapagsalaysay:  Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa malusog na pagkain habang nagbubuntis, mangyaring bumisita sa website ng Family Health Service, Department of Health sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service, Department of Health.