Mga Kaalaman Tungkol sa Calcium at Kalusugan ng Buto

(Naka-upload na ang bidyo 01/22)

Transcript

Titulo: Mga Kaalaman Tungkol sa Calcium at Kalusugan ng Buto

Tagapagsalaysay: Malapit na nauugnay ang calcium sa kalusugan ng buto.

Mahigit sa 99% ng calcium ng katawan ang matatagpuan sa mga buto.

Ang calcium, kasama ng iba pang mga mineral, ay tumutulong sa pagpapatibay ng buto.

Kaunting calcium ang nasa ating dugo at cells.

Kinakailangan ang mga ito para sa napakahalagang mga function, na tumutulong sa ating mga nerve na maghatid ng mga mensahe, sa kontraksiyon ng kalamnan at sa pamumuo ng ating dugo.

Dapat tayong makakuha ng sapat na calcium mula sa ating diyeta araw-araw upang mapanatiling fit ang ating sarili.

Sa pangkalahatan, ang isang adult na nasa pagitan ng 18 hanggang 49 ay kailangang uminom araw-araw ng 1,000 miligrams ng calcium.

Ang isang adult na may edad na 50 o pataas ay nangangailangan ng mas maraming calcium, iyon ay, halos 1,000 hanggang 1,300 miligrams sa isang araw.

Para sa mga babaeng buntis at nagpapasuso, kailangan nila ng 1,000 miligrams ng calcium sa isang araw.

Ang mga magiging ina ay kailangang bigyan ito ng pansin.

Ang pagkakaroon ng hindi sapat na calcium sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magpataas sa peligro ng gestational hypertension.

Sa lahat ng yugto ng buhay, kailangan nating magkaroon ng sapat na calcium.

Sa tuwing hindi tayo nakakakuha ng sapat na calcium mula sa ating mga pagkain, pakikilusin ng ating katawan ang calcium mula sa ating mga buto upang mapanatili ang normal na mga function.

Ang patuloy na pagkakaroon ng diyeta na may hindi sapat na calcium ay magpapataas sa peligro na magkaroon ng osteoporosis sa paglipas ng panahon.

Kaya, kailangan nating kumain ng mas maraming pagkaing sagana sa calcium araw-araw, kabilang na ang gatas, keso, yoghurt, at calcium-fortified na soy milk.

Ang berdeng-berde na gulay, matigas na tofu, tuyong beans, linga, nuts, isda na kinakain kasama ang buto ay maganda ring mapagkukunan ng calcium.

Maaari mong isaalang-alang ang pag-inom ng mga calcium supplement kung hindi ka makakuha ng sapat na calcium mula sa diyeta.

Mas mabuting komunsulta sa mga propesyonal sa kalusugan bago uminom ng mga supplement.

Bukod dito, ang mga aktibidad sa labas at pagpapasikat sa araw ay nagpapahintulot sa iyong balat na makagawa ng bitamina D na tumutulong sa absorsyon ng calcium.

Upang mapanatili ang calcium sa iyong katawan, magkaroon ng balanseng diyeta, iwasan ang mga maaalat na pagkain, at kumunsumo ng karne, kape at tsaa nang katamtaman.

Bukod sa isang malusog na diyeta, ang mga weight-bearing na ehersisyo ay tumutulong din na mapanatiling malusog ang ating buto.

Maaari nating subukan ang pagsasayaw, skipping rope, hiking, paglalaro ng mga ball game, jogging, pag-akyat sa hagdanan at mabilis na paglalakad.

Ang isang malusog na diyeta at sapat na pisikal na pag-eehersisyo araw-araw ay magpapanatili sa iyong mga buto na malusog at matibay!

Upang matuto nang higit pa, mangyaring bumisita sa website ng Family Health Service, Department of Health na www.fhs.gov.hk