Malusog na Pagkain para sa Mga Nagpapasusong Ina

(Naka-upload na ang bidyo 01/22)

Transcript

Titulo:  Malusog na Pagkain para sa Mga Nagpapasusong Ina

Pamagat:  Malusog na Pagkain para sa Mga Nagpapasusong Ina

Tagapagsalaysay:   Malusog na Pagkain para sa Mga Nagpapasusong Ina

Tagapagsalaysay:  Ang gatas ng ina ay nagbibigay ng natural na pagkain para sa mga sanggol.
Ang pagpapanatili ng mabuting kaugalian sa pagkain ay hindi lamang nakakatulong sa iyo upang manatiling malusog, ngunit nakakatulong din sa paglaki at pagiging malusog ng iyong sanggol.

Pamagat: Ano ang dapat kainin ng mga nagpapasusong ina?

Tagapagsalaysay:  Ano ang dapat kainin ng mga nagpapasusong ina?

Subheading: Kumain ng Sari-saring Pagkain

Super:  Mga butil; Mga gulay; Mga prutas; Isda, Itlog at Mga Alternatibo (kasama ang mga dry bean);

Gatas at Mga Alternatibo

Tagapagsalaysay:  Dapat kang kumain ng sari-saring pagkain mula sa limang pangunahing pangkat ng pagkain sa iyong pang-araw-araw na diyeta.

Kabilang dito ang mga butil, gulay, prutas, karne, isda, itlog, dry bean at gatas o mga alternatibo nito.

Subheading:  Sundin ang isang Low-fat na Diyeta

Super: Hiwain ang taba at alisin ang balat mula sa karne;  Tanggalin ang langis mula sa mga sopas.

Tagapagsalaysay:   Upang maiwasan ang labis na pagbigat ng timbang, dapat mong sundin ang isang low-fat na diyeta.

Halimbawa, hiwain ang taba at alisin ang balat mula sa karne bago kainin.

Tanggalin ang langis mula sa mga sopas.

Subheading: Tiyakin Sapat ang Tubig

Tagapagsalaysay:  Pawiin ang iyong pagkauhaw sa tubig o malinaw na sopas at hindi matamis na inumin.

Pamagat:  Kailangan ba ng mga nagpapasusong ina ang mga supplement na pangnutrisyon?

Tagapagsalyasay:  Kailangan ba ng mga nagpapasusong ina ang mga supplement na pangnutrisyon?

Super: Iodine

Tagapagsalaysay:  Ang iodine ay mahalaga para sa pagdebelop ng iyong sanggol.

Ang kakulangan sa iodine ay maaaring hindi lamang makaapekto sa pagdebelop sa utak ng iyong sanggol, kundi pati na rin sa paglabas ng iyong thyroxine.

Subheading:  Uminon ng Supplement na may Iodine Araw-araw

Tagapagsalaysay:  Maaaring maging mahirap para sa mga ina na makakuha ng sapat na iodine para sa pagpapasuso mula sa kanilang diyeta lamang.

Kaya inirerekomendang uminom ka ng supplement na may iodine na prenatal multivitamin at mineral araw-araw.

Suriin ang nilalamang iodine sa label ng produkto kapag pumipili ng iyong mga supplement.

Subheading:  Pumili ng Mga Pagkain Na May Iodine

Super:  Pagkaing-dagat, mga isda sa dagat; Mga itlog; Mga gatas at produktong gatas; Damong-dagat

Tagapagsalaysay:  Samantala, dapat ding kumain ang buong pamilya ng mga pagkaing may iodine, tulad ng pagkaing-dagat, isda sa dagat, itlog, gatas, keso, yoghurt at damong-dagat.

Subheading:  Palitan ang table salt ng iodised salt

Tagapagsalaysay:  Gumamit ng iodised salt bilang pamalit sa table salt kapag nagluluto ka.

Subheading:  Mga Paalala sa Pagpili ng Isda

Super:  Ang matatabang isda sa pangkalahatan ay mayroong mas maraming omega-3 fatty acid;

Kumain ng iba't ibang  uri ng isda 2-3 beses sa isang linggo;

Iwasan ang malalaking maninilang isda na may mataas na lebel ng methylmercury;

Isaalang-alang ang pag-inom ng supplement na may omega-3 fatty acid

Tagapagsalaysay:  Ang matatabang isda ay karaniwang may maraming omega-3 fatty acid, na importante sa pagdebelop ng utak at mata ng iyong sanggol.

Dapat kang pumili ng iba't ibang uri ng isda at kumain ng isda dalawa o tatlong beses sa isang linggo.

Iwasang kumain ng malalaking maninilang isda dahil ang kanilang mataas na lebel ng methylmercury ay maaaring makapinsala sa nervous system ng iyong sanggol.

Maaari mong isaalang-alang ang pag-inom ng supplement na may omega-3 fatty acid kung hindi ka kumakain ng isda.

Pamagat:  Aling mga meryenda ang maaaring piliin ng mga nagpapasusong ina kapag nakakaramdam ng pagkakagutom?

Tagapagsalaysay:  Aling mga meryenda ang maaaring piliin ng mga nagpapasusong ina kapag nakakaramdam ng pagkakagutom?


Subheading:  Pumili ng Mga Masusustansyang Meryenda

Super: Low-fat na gatas, plain na yoghurt at calcium-fortified na soy milk; Whole-meal na tinapay; Mga kamote, mais, prutas

Tagapagsalaysay:  Maaari kang pumili ng mga meryendang puno sa sustansiya, ngunit mababa sa taba at asukal.

Halimbawa, ang low-fat na gatas, plain na yoghurt at calcium-fortified na soy milk ay sagana lahat sa calcium.

Ang whole-meal na tinapay ay isang mabuting mapagkukunan ng dietary fibre.

Ang mga kamote, mais at prutas ay mabuting mapagkukunan ng dietary fibre.

Nagbibigay ang mga ito sa iyo ng iba't ibang bitamina at mineral.

Subheading:  Iwasan ang Prito, Mataas-sa-taba at Mataas-sa-asukal na Mga Meryenda

Tagapagsalaysay:  Dapat kang kumain ng mas kaunting meryenda na pinrito at mataas sa taba o mataas sa idinagdag na asukal.

Pamagat:  Mayroon bang anumang mga pagkain o substansiya na dapat iwasan ng mga nagpapasusong ina?

Tagapagsalaysay:  Mayroon bang anumang mga pagkain o substansiya na dapat iwasan ng mga nagpapasusong ina?

Subheading:  Huwag Manigarilyo o Uminom ng Alkohol; Limitahan ang Kape at Matapang na Tsaa

Tagapagsalaysay:  Huwag manigarilyo, at iwasan ang alak na maaaring maipasa sa sanggol sa pamamagitan ng gatas ng ina.

Dahil maaaring makaapekto ang caffeine sa central nervous system ng iyong sanggol, dapat mong limitahan ang kape at matapang na tsaa.

Subukan ang mga decaffeinated bilang mga alternatibo.

Pamagat:  Mayroon bang mga ipinagbabawal na pagkain para sa mga nagpapasusong ina?

Tagapagsalaysay:  Mayroon bang mga ipinagbabawal na pagkain para sa mga nagpapasusong ina?

Subheading:  Ang Mga Pagbabawal sa Pagkain sa mga Nagpapasusong Ina ay Hindi Nakakapagpababa sa Peligro na Magkaroon ng Mga Alerdyi sa Balat ng Mga Sanggol

Tagapagsalaysay:  Ang ilang mga  nagpapasusong ina ay hinihigpitan ang kanilang diyeta upang maiwasan na magkaroon ng mga alerdyi ang kanilang mga sanggol.

Subalit, walang siyentipikong ebidensiya na nagpapakita na ang mga pagbabawal sa pagkain ay nakakapagpababa sa peligro ng alerdyi.

Sa katunayan, ang pagsunod sa isang labis na mahigpit na diyeta ay maaaring magresulta sa mga kakulangan sa nutrisyon.

Subheading:  Pinapadali ng Bitamina D ang Absorsyon ng Calcium

Super:  Ang pagiging aktibo ay nakakatulong sa pagtataguyod ng mabuting kalusugan at kagalingan ng isip.

Tagapagsalaysay:  Bukod sa pagkain ng balanseng diyeta, ang mga nagpapasusong ina ay dapat na masiyahan sa regular na mga aktibidad sa labas kasama ang kanilang mga sanggol.

Ang karaniwang pagbibilad sa araw ng iyong balat ay gumagawa ng bitamina D at nakakatulong ito sa absorsyon ng calcium sa mga bituka.

Ang pagiging aktibo sa labas kasama ng iyong pamilya ay kapaki-pakinabang din para sa kalusugan ng isip ng lahat kabilang na ang sa iyong sanggol.

Super:  Mangyaring bumisita sa www.fhs.gov.hk para sa karagdagang impormasyon tungkol sa malusog na pagkain habang nagpapasuso

Tagapagsalaysay:  Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa malusog na pagkain habang nagpapasuso, mangyaring bumisita sa website ng Family Health Service, Department of Health sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service, Department of Health.