Impormasyon tungkol sa Sertipiko ng Pagpasok/ Pagliban Dahil sa Sakit para sa mga Kliyente Bago at Matapos Manganak

(Binago ang nilalaman 07/2017)

Maaaring ilabas ang alinman sa isang “Sertipiko ng Pagpasok” o isang “Sertipiko ng Pagliban Dahil sa Sakit” para sa bawat pagbisita bago manganak o pagbisita para sa paggamot pagkatapos na pagkaospital tatandaan 1. Tinatanggap ng ilang employer ang Sertipiko ng Pagpasok samantalang tinatanggap lang ng iba ang Sertipiko ng Pagliban Dahil sa Sakit.  Kaya, kailangan ninyong talakayin sa inyong employer ang tungkol sa kanilang patakaran sa simula pa lang tatandaan 2.

Mga Tatandaan

  1. Hindi inilalabas ang “Sertipiko ng Pagliban Dahil sa Sakit” para sa rutinang pagpapasuri pagkatapos manganak,ilalabas lang ang Sertipiko ng Pagpasok.
  2. Sisingilin ang bayad sa pangangasiwa na HK$160 para sa bawat kopya ng “Sertipiko ng Pagpasok” o “Sertipiko ng Pagliban Dahil sa Sakit” na hiniling pagkatapos ng araw na matanggap ninyo ang serbisyo sa mga Maternal and Child Health Centre ng Kagawaran ng Kalusugan.

Mangyaring makipag-ugnayan sa tauhan ng Maternal and Child Health Centre para sa karagdagang tanong.

Para sa karagdagang detalye ng Proteksyon sa Pagiging Ina at Pagliban ng Ama, mangyaring sumangguni sa website ng Kagawaran ng Paggawa (Labour Department) sa www.labour.gov.hk