Nakapipinsala ang Paninigarilyo sa Inyong Pamilya

(Binago ang nilalaman 01/2020)

Hindi lamang nakapipinsala ang paninigarilyo sa taong mismong naninigarilyo, ngunit pati na rin sa kanyang mga katrabaho, kaibigan at miyembro ng pamilya.

Dinadala ng mga secondhand smoker ang panganib mula sa parehong karaniwang usok at kumakalat na usok.

Sanggol sa sinapupunan at mga bata bilang nakalalanghap ng usok

Tiyak na mapanganib sa sanggol sa sinapupunan ang paninigarilyo ng buntis, at nagsasanhi ng

  • Pagkamatay ng sanggol bago o pagkatapos ipanganak
  • Tumaas na panganib ng pagsisilang nang kulang sa buwan
  • Tumaas na panganib ng pagkakaroon ng mga sanggol na mababa ang timbang, at
  • Ipinakita sa ilang pag-aaral na maaaring tumagos sa inunan papunta sa sanggol ang mga substansiyang nakakakanser mula sa usok ng tabako

Ipinakita ng mga pag-aaral na nagdudulot ng Sudden Infant Death Syndrome (SIDS) ang nalalanghap na usok, at pinatataas ang panganib ng sakit sa gawing ibaba ng baga (pulmonya, brongkitis) at hika sa mga sanggol pati na rin sa mga bata. Kaya mahalaga ang kapaligiran na walang usok sa mga sanggol.

Maaaring magdulot ang paninigarilyo ng permanenteng pinsala sa inyong mga anak. Maaari ninyo itong baguhin. ITIGIL na ang paninigarilyo NGAYON!

Mahal Mommy at Daddy,

Itigil na ninyo ang paninigarilyo ngayon, pakiusap! Hindi ninyo alam ang mga hirap na dinaranas naming mga anak ng mga naninigarilyo.

  • Dahil naninigarilyo kayo, palaging napupuno ng usok at amoy ng sigarilyo ang bahay natin. Hindi kami makahinga.
  • Dahil naninigarilyo kayo, inuubo kami at nagluluha ang mga mata namin. Masama rin ito sa aming kalusugan at pinatataas ang panganib ng pagkakaroon namin ng sakit sa daluyan ng palahingahan.
  • Dahil naninigarilyo kayo, nayayamot o hindi komportable ang mga tao sa paligid ninyo. At tingnan ninyo ang inyong maiitim na ngipin! Nangangamoy ang inyong hininga at lumalabas ang mga kulubot sa buong mukha ninyo.
  • Nagiging masamang huwaran kayo dahil sa paninigarilyo. Palagi naming kailangang labanan ang kagustuhang manigarilyo gaya ninyo.
  • Napakamahal ng mga sigarilyo. Palagi kayong nagtatalo pagdating sa pera sa lahat ng oras, at bihira kaming nakakabili ng aming mga laruan.
  • Pinapababa rin ng paninigarilyo ang inyong kakayahang mag-ehersisyo at pinapabilis nito ang inyong pagtanda. Kaya hindi nakapagtatakang ayaw ninyo kaming ipasyal.
  • Nagbababala ang Gobyerno na “Nakamamatay ang paninigarilyo”. Ayaw naming maging ulila.

Karagdagang mga panganib ng pagkakaroon ng sakit sa palahingahan ng mga batang nakalalanghap ng usok ng sigarilyo sa bahay na hindi kailanman nagkaroon ng aktibong paninigarilyo

  • Mga sintomas sa ilong 17%
  • Mga sintomas sa lalamunan 35%
  • Ubo 54%
  • Plema 44%
  • Pangangapos ng hininga 12%

(Datos mula sa Hong Kong Council on Smoking and Health - Report No. 5: Paninigarilyo at Paglanghap ng Usok ng mga Bata 1998)

Ipinapakita ng impormasyon na sa mga bata, maaaring pataasin ng nalalanghap na usok ang panganib ng impeksyon sa daluyan ng panghinga (respiratory tract), ubo, plema at paghingal.

Ipinapakita rin ng iba pang pag-aaral na ang pagkalantad sa nalalanghap na usok sa bahay na pinakamadaling tablan ng nakahahawang sakit ang sanggol sa unang 3 buwan ng buhay. Bukod dito, iniuugnay din ang nalalanghap na usok sa mas mataas na panganib ng pagkatanggap sa ospital para sa nakahahawang sakit para sa mga bata na hanggang 8 taong gulang.
Ngunit pinakamahalaga, dahil sa impluwensiya ng magulang, mas malamang na manigarilyo ang mga anak ng naninigarilyo kaysa sa mga hindi naninigarilyo.

Kaya, para sa kapakanan ng inyong mga anak, itigil ang paninigarilyo ngayon! Ipinakita ng mga pag-aaral na tumataas ang tsansa na magtagumpay sa paghinto sa paninigarilyo kapag gumamit ng Terapi na Pamalit sa Nikotina (NRT) o indibidwal na pagpapayo kumpara sa sariling pagsisikap.

Mga Hotline Para sa Paghinto sa Paninigarilyo:  
Pinagsamang Hotline ng Pagtigil sa Paninigarilyo ng Kagawaran ng Kalusugan 1833 183
“Quitline” (Hotline ng Pagpapayo at Pagtigil sa Paninigarilyo) ng Hospital Authority 2300 7272

Mga Website:

Tanggapan sa Pagkontrol ng Tabako at Alkohol ng Kagawaran ng Kalusugan http://www.taco.gov.hk