Mga Simpleng Karamdaman sa Unang Bahagi ng Pagbubuntis at ang Pamamahala sa mga Ito
(Binago ang nilalaman 08/2018)
Sa panahon ng pagbubuntis, mabilis na tumataas ang mga hormon kabilang ang estrogen, progesterone, at prolactin. Ginagawa nito ang matris na isang angkop na kapaligiran para sa paglaki ng sanggol. At kasabay nito, maaari itong magdulot ng kawalang-ginhawa sa ina. Normal ang karamihan sa mga pagbabagong ito.
- Kusang huhupa ang karamihan sa mga simpleng sakit sa pagbubuntis matapos manganak. Kaya hindi kayo kailangang mag-alala nang labis.
- Dapat iwasan ang mga halamang-gamot at gamot lalo na sa simula ng pagbubuntis dahil makakapasok ang mga ito sa sirkulasyon ng ipinagbubuntis na sanggol sa pamamagitan ng inunan. Nagdudulot ang ilang gamot ng lason o epektong teratogenic sa sanggol sa sinapupunan. Dapat laging humingi ng payo sa doktor ang isang buntis bago uminom ng anumang gamot.
- Maaaring hindi ligtas ang ilang mga essential oil para sa aromatherapy sa panahon ng pagbubuntis. Mangyaring kumonsulta sa mga propesyonal ng pangangalaga sa kalusugan bago gumamit ng aromatherapy.
Pagduduwal at Pagkahilo sa Umaga
- Napakakaraniwan ang pagduduwal sa mga unang linggo ng pagbubuntis. Maaaring makatulong ang pag-adjust ng inyong gawi sa diyeta upang mapawi ang kawalang-ginhawa.
- Maaaring humantong sa matinding pagsusuka ang ilang komplikasyon sa pagbubuntis at mga sakit gaya ng maraming ipinagbubuntis, molar pregnancy at thyrotoxicosis.
- Maaaring magresulta ang matinding pagsusuka sa pagkatuyo ng tubig sa katawan at hindi balanseng electrolyte. Mangyaring humingi ng medikal na atensyon kaagad kapag mayroon kayo ng mga sumusunod na sintomas:
- Hindi makakain ng anumang pagkain sa loob ng 24 na oras
- Pagbaba ng timbang
- Purong ihi o walang ihi sa loob ng 8 oras
- Matinding kawalang-ginhawa, panghihina, pagkahilo, pagkalito o kumbulsyon
- Masakit na tiyan, lagnat, pagsuka ng dugo
Mga payo
- Kung maaari, kumain ng ilang tuyong pagkain gaya ng tinapay, biskwit, pagkaing kaunti ang taba, pagkaing mayaman sa carbohydrate (hal. kanin, noodle, niligis na patatas) at subukan ang ilang maasim na inumin (hal. lemonada, katas ng plum). Iwasang kumain ng mga pagkaing piniritong mabuti o mamantika, bawang at iba pang pampalasa at iwasang uminom ng kape.
- Kung masama ang pakiramdam ninyo sa umaga, bigyan ang inyong sarili ng oras upang makabangon nang marahan. Iwasang magsipilyo kaagad ng inyong mga ngipin at dila matapos kumain. Panatilihing bukas ang mga bintana para sa magandang bentilasyon. Magkaroon ng maraming pahinga at tulog sa tuwing magagawa ninyo. Maaaring mapalubha ng pagkapagod ang sakit.
- Kumain ng kaunting pagkain nang madalas sa halip na ilang maraming pagkain, halimbawa bawat 2-3 oras. Huwag tumigil sa pagkain. Uminom ng maraming likido sa pagitan ng mga pagkain upang maiwasan ang pagkapuno ng sikmura.
- Huminto sa paninigarilyo at hingin sa mga miyembro ng pamilya na huminto na rin sa paninigarilyo.
Maaaring magreseta ang doktor ng mga gamot laban sa pagsusuka kung mayroon kang matitinding sintomas
Pangangasim ng sikmura
- Napakakaraniwan nito sa panahon ng pagbubuntis. Nagreresulta ang epekto ng pagrerelaks ng progesterone sa oesophageal sphincter sa reflux ng asidong likido sa lalaugan, na nagdudulot ng iritasyon at pangangasim ng sikmura.
- Pinalulubha ng fatty diet ang kondisyon dahil ang dietary fat ay pinabababa ang oesophageal sphincter tone.
Mga payo
- Kumain ng kaunti, at mababang taba na pagkain nang madalas. Nguyaing mabuti ang pagkain at kumain nang mabagal.
- Iwasan ang maanghang na pagkain.
- Iwasang humiga, bumaluktot at yumuko pagkatapos kumain. Itaas ang ulo ng kama. Magsuot ng maluwag na pananamit.
- Huwag uminom ng anumang antacid nang hindi kumukonsulta sa doktor.
Pagtitibi
- Nakaaapekto ito sa 10-40% ng mga buntis. Pinabababa ng progesterone ang lakas ng kalamnan ng bituka at paggalaw ng colon. Mayroon ding karagdagang epekto ng pagtaas ng muling pagsipsip ng tubig mula sa bowel mucosa.
Mga payo
- Uminom ng hindi bababa sa 8-12 tasa ng likido araw-araw sa anyo ng tubig, gatas, juice o sopas. Partikular na kapaki-pakinabang ang maligamgam o mainit na likido.
- Pataasin ang pagkain ng hibla sa pamamagitan ng pagkain ng mas maraming tinapay na buong butil at mga cereal, gulay, prutas at butong-gulay gaya ng beans, split peas at lentils.
- Panatilihin ang aktibong pamumuhay sa regular na ehersisyo gaya ng paglakad at paglangoy.
- Iwasan ang lahat ng pamurga maliban sa mga inireseta ng mga doktor.
Madalas na Pag-ihi
- Resulta ito ng pagdami ng daloy ng dugo sa mga bato nang 50% sa panahon ng pagbubuntis at ang epekto ng pagrerelaks ng progesterone sa makinis na kalamnan ng daanan ng ihi.
- Bukod dito, mas madaling kapitan ng impeksyon ang daanan ng ihi ng buntis. Maaaring humantong ang impeksyon sa daanan ng ihi sa nephritis at maagang panganganak kung hindi nagamot nang maayos. Kung mayroon kayong madalas na pag-ihi at kirot habang umiihi o umihi kayo ng dugo, dapat kayong humingi kaagad ng medikal na payo.
Mga payo
- Hindi ninyo dapat pigilin ang pag-inom ng likido dahil maaari nitong itaas ang tsansa ng impeksyon sa daanan ng ihi.
- Kung sakaling mayroon kayong impeksyon sa daanan ng ihi, dapat kayong uminom ng mga antibayotiko ayon sa mga tagubilin ng doktor.
- Kung mayroon kayong paulit-ulit o patuloy na impeksyon sa daanan ng ihi, dapat kayong humingi ng medikal na pagkonsulta nang maaga. Maaaring may kaugnayan ito sa mga pinakaugat na problema sa anatomiya ng daanan ng ihi o mga bato.