Pagkalaglag

(Binago ang nilalaman 02/2013)

Tinutukoy ng pagkalaglag ang sitwasyon kung saan natatapos ang unang yugto ng pagbubuntis nang hindi inaasahan. Ito ay napakakaraniwang komplikasyon sa unang yugto ng pagbubuntis. Maaari pa ngang hindi mapansin ng ilang babae na nagbuntis na sila.

Dalawampu hanggang dalawampu’t lima sa 100 buntis ang maaaring makaranas ng bahagyang pagdurugo sa puwerta sa unang yugto ng pagbubuntis. Mada-diagnose ang bahagi nila na nakunan ngunit maaaring magpatuloy sa pagbubuntis ang iba.

Huwag mag-alala, hindi makaaapekto sa paglaki at pag-unlad ng sanggol sa sinapupunan ang naranasang pagdurugo ng puwerta sa unang yugto ng pagbubuntis, o tinatawag nating nanganganib na pagkalaglag at hindi itataas ang tsansa ng mga abnormalidad sa pagsilang.

Paano malalaman ng isang babae na siya ay nakunan?

  • Nangyayari ang karamihan sa pagkalaglag mula sa 6 hanggang 12 linggo ng pagbubuntis o mas maaga.
  • Maaaring makaranas ang ilang babae ng kaunting pagdurugo mula sa puwerta at maaaring magkaroon ng kaunting kirot sa tiyan.
  • Sa ibang babae, maaaring biglaang lumabas ang laman ng matris; maaari silang makaranas ng mas maraming pagdurugo at pagkirot.
  • Mayroon ding mga babae na walang anumang sintomas at nalalaman lamang ang kalagayan sa panahon ng pagsusuri.

Pangkaraniwan ba ito? Bakit ito nangyayari?

Napakakaraniwang kondisyon ang pagkalaglag.

  • Nangyayari ang karamihang pagkalaglag kapag di-normal ang sanggol sa sinapupunan o hindi mabuti para sa paglaki ng sanggol ang kalagayan ng matris.
  • Maaaring makaapekto sa pagbubuntis ang ilang halamang-gamot o mga gamot ngunit mahirap sabihin kung direktang sanhi ng pagkalaglag ang mga gamot na ito dahil sobrang pangkaraniwan ang pangyayaring ito. Kaya mahalagang iwasan ang pag-inom ng anumang gamot o halamang-gamot kapag nalaman na ng isang babae na buntis siya.
  • Hindi nagdudulot ng pagkalaglag ang mga pisikal na gawain tulad ng paglangoy, pagsayaw, pag-eehersisyo sa gym o pagyoyoga.
  • Maliban kung kontaminado ng bakterya ang pagkain, bihirang makunan ang mga babae nang dahil sa partikular na kinakaing pagkain.
  • Hindi mapanganib ang mga seksuwal na gawain tulad ng paghaplos at pakikipagtalik at hindi nito pinatataas ang tsansa ng pagkalaglag.

Paulit-ulit na Pagkalaglag

Sa pangkalahatan, hindi dapat maging sanhi ang isang pagkalaglag sa isa pang pagkalaglag.

  • Binibigyang-kahulugan ang paulit-ulit na pagkalaglag bilang pagkawala ng 3 o higit pang magkakasunod na pagbubuntis.
  • Humigit-kumulang 1 sa 100 babae ang may problema ng paulit-ulit na pagkalaglag.
  • Bahagi ng mga babaeng ito ay magkakaroon ng paulit-ulit na pangunahing dahilan ng kanilang pag-ulit ng pagkawala ng pagbubuntis.
  • Magagamot ang ilan sa mga dahilang ito. Mangyaring kumonsulta sa inyong obstetrician para sa mga detalye.

(Inihanda ang polyetong ito ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Hospital Authority)