Kalusugan ng Bibig ng Nagdadalantaong Ina

(Pinagmulan ng impormasyong ibinigay ng Sangay ng Edukasyon sa Kalusugan ng Bibig, ng Kagawaran ng Kalusugan) (L010-08)

  1. Kailan ang tamang oras para sa pagpapasuri ng ngipin?
    1. Bago ang nakaplanong pagbubuntis

      Kapag pinaplano ang pagbubuntis, dapat kayong bumisita sa dentista para sa pagpapasuri ng ngipin. Gagamutin ng dentista ang lahat ng inyong problema sa ngipin at papayuhan kayo sa kaugnay na pangangalaga sa kalusugan ng bibig para sa mga buntis na ina upang magkaroon kayo ng kapayapaan ng isip habang nagbubuntis.

    2. 4-6 na buwan ng pagbubuntis

      Dapat panatilihin ng mga buntis na ina ang regular na pagpapasuri ng ngipin, mas mainam sa 4-6 na buwan ng pagbubuntis. Sa panahong nito, karaniwang mas matatag ang sanggol sa sinapupunan at maliit pa ang sukat. Sa kabilang banda, hindi gaanong malubha ang pagsusuka ng ina. Gayunpaman, mahalaga para sa buntis na ina na sabihin sa kanyang doktor na buntis siya upang makagawa siya ng angkop na pagsasaayos sa panahon ng paggamot ng ngipin.

  2. Makakaapekto ba sa sanggol sa sinapupunan ang eksaminasyon na X-ray?

    Habang nagbubuntis, dapat iwasan ng mga buntis ang mas komplikadong paggamot sa ngipin, tulad ng pagbunot ng wisdom tooth, paggamot na root canal, atbp. Dapat isaayos ang mga ito bago o pagkatapos ng pagbubuntis.

  3. Maaari bang makatanggap ng komplikadong paggamot sa ngipin ang buntis na ina?

    During pregnancy, the pregnant women should avoid the more complicated dental treatment, such as extraction of wisdom tooth, root canal treatment etc. They should be arranged before or after the pregnancy.

  4. Ano-ano ang mga pagbabago sa kondisyon ng kalusugan ng bibig ng buntis na ina at paano pangangalagaan ang kanyang kalusugan ng bibig?
    1. Mga pagbabago sa hormon

      Magdudulot ang mga pagbabago sa hormon habang nagbubuntis ng labis-labis na reaksyon ng mga gilagid sa mga lason na inilalabas ng bakterya ng dental plaque. Magiging mapula at namamaga ang gilagid at madaling magdurugo. Tinatawag ang kababalaghang ito na “Pregnancy Gingivitis”. Upang maiwasan ito, dapat alisin nang sapat ng buntis na ina ang dental plaque sa pamamagitan ng pagsisibilyo upang mapanatiling maganda ang kalusugan ng bibig.

    2. Pananabik sa matamis at maasim na pagkain

      Maaaring masabik ang mga buntis sa matamis at maasim na pagkain habang nagbubuntis. Gayunpaman, gagamitin ng bakterya sa plaque ang asukal sa pagkain upang gumawa ng asido at magdulot ng pagkabulok ng ngipin. Bukod dito, maaari ding maalis ang mga mineral sa ngipin ng mga pagkaing may asido, kaya nababawasan ang kapal ng enamel.

      Upang maprotektahan ang kanyang ngipin, dapat gumamit ng toothpaste na may fluoride ang buntis na ina sa pagsisipilyo. Dahil ang fluoride ay maaaring:

      • makatulong na maayos ang maagang pagkabulok ng ngipin
      • mapatibay ang enamel, ginagawa itong mas lumalaban sa pag-atake ng asido
      • magbawal sa mga aktibidad ng bakterya sa plaque upang mabawasan ang paggawa ng asido sa pamamagitan ng plaque

      Kung nasasabik sa pagkain ang buntis na ina, dapat siyang humingi ng payo sa dentista tungkol sa mga mabisang paraan ng pagprotekta sa kanyang mga ngipin, na maaaring kabilang ang paggamit ng mouthwash na may fluoride upang malabanan ang pag-atake ng asido ng plaque sa ngipin.

  5. Makaaapekto ba ang tetracycline sa sanggol sa sinapupunan?

    Mula sa 4-6 na buwan ng pagbubuntis, nagsisimulang mabuo ang pansamantalang ngipin ng sanggol na nasa sinapupunan. Kaya, maaaring magdulot ang pag-inom ng buntis na ina ng tetracycline, isang antibayotiko, ng pagdedeposito ng tetracycline sa pansamantalang ngipin, na nagreresulta sa manilaw-nilaw na kayumanggi o mangasul-ngasul at abuhing kulay ng mga ngipin. Gayunpaman, nakadepende ang pagkupas ng kulay sa uri, tagal at dosis ng ininom na tetracycline. Kaya, mahalaga para sa buntis na ina na sabihin sa kanyang doktor na buntis siya upang magreseta siya ng angkop na gamot.