Impormasyon tungkol sa Serbisyo Bago Manganak

(Binago Hul 2020)

Ibinibigay sa mga buntis ang isang komprehensibong programa sa nakabahaging pangangalaga bago manganak, sa pakikipagtulungan sa Kagarawan ng Obstetric ng mga ospital na saklaw ng Hospital Authority (HA), upang subaybayan ang buong pagbubuntis at proseso ng panganganak. Upang masiguro ang pagpapatuloy ng kalidad ng pangangalaga, ibinibigay ang pagka-cluster ng serbisyo bago manganak sa pagitan ng Maternal and Child Health Centres (mga MCHC) at mga ospital na saklaw ng HA sa parehong distrito. Dapat pumunta ang mga buntis sa MCHC na nagbahagi ng pangangalaga bago manganak sa mga ospital ng HA.

Mga Ospital ng HA na may Serbisyo Bago Manganak Mga MCHC na may nakabahaging pangangalaga bago manganak Unang pagrerehistro
Queen Elizabeth Hospital Yaumatei MCHC
Kowloon City MCHC
Robert Black MCHC
West Kowloon MCHC
Kwun Tong MCHC
Lam Tin MCHC
Tseung Kwan O Po Ning Road MCHC
Sa ospital
Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital Sai Wan Ho MCHC
Chai Wan MCHC
Anne Black MCHC
Prince of Wales Hospital Fanling MCHC
Wong Siu Ching MCHC
Ma On Shan MCHC
Lek Yuen MCHC
Sa ospital o MCHC
United Christian Hospital Lam Tin MCHC
Kwun Tong MCHC
Tseung Kwan O Po Ning Road MCHC
Tseung Kwan O Hospital (serbisyo sa outpatient lang) Tseung Kwan O Po Ning Road MCHC
Princess Margaret Hospital
West Kowloon MCHC
North Kwai Chung MCHC
Tsing Yi MCHC
Tung Chung MCHC
(mga residente ng Tung Chung town center)
Tsuen Wan MCHC
 
Sa ospital
Queen Mary Hospital/ Tsan Yuk Hospital
Ap Lei Chau MCHC
Tang Chi Ngong MCHC
Sai Ying Pun MCHC
Cheung Chau MCHC
Mui Wo MCHC
Tung Chung MCHC (mga residente lang ng Discovery Bay & Outlying Islands)
 
Sa ospital
Tuen Mun Hospital Yan Oi MCHC
Tuen Mun Wu Hong MCHC
Madam Yung Fung Shee MCHC
Tin Shui Wai MCHC
Sa MCHC
Kwong Wah Hospital Walang nakabahaging pangangalaga bago manganak sa MCHC
  • Dahil iba ang pamamaraan sa pagrerehisto ng mga bagong kaso sa mga ospital, para sa karagdagang impormasyon mangyaring makipag-ugnayan sa kagawaran ng obstetric o sa katumbas na MCHC sa pamamagitan ng telepono o nang personal.
  • Ang mga buntis na hindi residente ay dapat gawin ang pagrerehistro ng kanilang unang serbisyo bago manganak sa ospital. Mangyaring sumangguni sa mga detalye na nasa webpage ng Hospital Authority.

Pamamaraan ng pagrerehistro sa MCHC

Dapat pumunta ang mga buntis sa MCHC para sa serbisyo bago manganak sa loob ng itinalagang oras ng appointment. Mangyaring sumangguni sa mga detalye ng pagpapareserba ng appointment ng iyong mas gustong MCHC.

Mga dapat dalhin
na dokumento / form
Unang pagrerehistro:
  1. Balidong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong (Para sa mga wala nito, mangyaring dalhin ang balidong dokumento sa pagbiyahe, dokumento ng pagkakakilanlan ng asawa at dokumento ng kasal [hindi tinatanggap ang mga kopya] ) note 1 note 2
  2. Katibayan ng address na may petsa sa loob ng nakalipas na 6 na buwan
  3. Resulta ng pagsusuri ng pagbubuntis
  4. Rekord ng pangangalaga bago manganak (kung mayroon)
  5. Natapos na Form ng Unang Pagrerehistro (maaari ninyong i-download ang form mula sa website ng FHS at www.fhs.gov.hk o kumuha ng kopya mula sa alinmang MCHC)
  6. Sampol ng ihi note 3

Follow up na pagbisita:

  1. Balidong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong (Para sa mga wala nito, mangyaring dalhin ang balidong dokumento sa pagbiyahe, dokumento ng pagkakakilanlan ng asawa at dokumento ng kasal [hindi tinatanggap ang mga kopya] ) note 1 note 2
  2. Card ng Pagrerehistro Bago Manganak ng MCHC
  3. Rekord ng pangangalaga bago manganak (kung mayroon)
  4. Sampol ng ihi note 3

Note 1: Kailangan ang katibayan ng pagkakakilanlan

Note 2: Para sa mga buntis na ina na hindi residente, mangyaring dalhin ang Sertipiko tungkol sa Kumpirmasyon Bago Manganak at Panganganak Pagpapareserba na inilabas ng Hospital Authority

Note 3: Puntong dapat tandaan kapag kumukolekta ng sampol ng ihi:

  1. Kolektahin ang inyong sampol ng ihi bago mag-almusal (ayos lang ang pag-inom ng karaniwang tubig).
  2. Maghanda ng malinis na boteng may maluwang na bibig para sa pagkolekta ng sampol.
  3. Itapon ang unang ihi dahil hindi ito angkop sa pagsusuri.
  4. Hugasang mabuti ang inyong mga kamay gamit ang likidong sabon at tubig kapag naghahanda kayo para sa ikalawang paglalabas.
  5. Gumamit ng basang pad na gawa sa bulak na lana o toilet paper upang linisin ang vulva at alisin ang anumang katas ng ari.
  6. Iposisyon ang inyong sarili sa ibabaw ng inidoro at simulan ang pag-ihi.
  7. Huwag kolektahin ang una at huling bahagi ng ihi.
  8. Sa gitna ng proseso ng pag-ihi, kolektahin ang sampol ng ihi gamit ang boteng may malawak na bibig.
  9. Itakip nang mahigpit ang takip sa sisidlan at hugasang mabuti ang inyong mga kamay.
  10. Maaari kayong kumain gaya ng dati pagkatapos.
Check up bago
manganak sa Unang
pagrerehistro
Kabilang ang history ng panganganak, personal at medikal na pampamilya, mga pagsusuri ng katawan at gynaecological kung kailangan, pagsusuri ng ihi para sa asukal at protina, pagsusuri ng dugo bago manganak atbp.
Sertipiko ng
Pagpasok / pagliban
Maaaring mag-apply ang mga buntis ng sertipiko para sa alinman sa pagpasok o pagliban dahil sa pagkakasakit sa panahon ng check up bago manganak.
Workshop ng
pagpapasuso bago manganak
Kung gusto ninyong dumalo sa workshop na ito, mangyaring mag-apply nang personal o tumawag sa kaukulang MCHC.

Oras ng pagbubukas / Address / Numero ng telepono ng mga MCHC

Mangyaring sumangguni sa website ng Family Health Service (FHS) sa www.fhs.gov.hk

Mga Bayad at Singil sa mga MCHC

  1. Karapat-dapat ang mga pasyenteng kasama sa mga sumusunod na kategorya para sa mga presyo ng pagsingil na angkop sa mga Taong Karapat-dapat:
    1. May-ari ng Card ng Pagkakakilanlan ng Hong Kong na inilabas sa ilalim ng Ordinansa sa Pagrerehistro ng mga Tao (Kabanata 177), maliban sa mga taong nakakuha ng kanilang HKID card dahil sa dating pahintulot na dumaong o manatili sa Hong Kong na ipinagkaloob sa kanila at para kanino ay napaso ang naturang pahintulot o humintong maging balido;
    2. Mga batang residente ng Hong Kong at wala pang 11 taong gulang;
    3. Iba pang tao na aprubado ng Direktor ng Kalusugan.
  2. Para sa iba pang mga pasyente, ang mga presyo ng mga pagsingil na angkop sa mga Hindi Karapat-dapat na Tao ay ilalapat. Tutukuyin ng Direktor ng Kalusugan ang pagiging karapat-dapat ng mga pasyente na kung kanino ilalapat ang mga presyo ng mga pagsingil.
  3. May mga kapangyarihan ang Direktor ng Kalusugan upang hingin ang deposito ng bahagi o ang kabuuan ng mga bayad na malamang na matamo ng sinumang pasyente.
  4. Maliban sa ibang tinukoy o sinang-ayunan ng Direktor ng Kalusugan, lahat ng tinukoy na pagsingil sa abisong ito ay babayaran nang pauna o sa paghingi ng Direktor ng Kalusugan.

Nakalista ayon sa mga sumusunod ang mga pagsingil para sa serbisyo sa kalusugan ng buntis sa mga Maternal & Child Health Centre:-

Mga serbisyo Mga Karapat-dapat na Tao (ayon sa pagdalo) Mga Hindi Karapat-dapat na Tao (ayon sa pagdalo)
Bago Walang $1,190
Pagkaanak No charge $1,190

Maaaring baguhin ang mga bayad at singil. Mangyaring sumangguni sa website ng Family Health Service (FHS) sa www.fhs.gov.hk para sa pinakabagong impormasyon

Iskedyul ng Check-up Bago Manganak sa mga MCHC / HA:

Mga linggo
ng pagbubuntis
Rutinang check-up Iba pang eksaminasyon (linggo)
10-24 na linggo Bawat 6 na linggo ▲ Mga pagsusuri ng dugo bago manganak

* Pag-screen Bago Manganak para sa Down syndrome (11-19 na linggo)

24-28 na linggo Bawat 4 na linggo Oral Glucose Tolerance Test (kung kinakailangan)
28-36 na linggo Bawat 2-4 na linggo Group B Streptococcus screening test (35-37 na linggo) (kung kinakailangan)
36-40 na linggo Bawat 1-2 na linggo
41 linggo   *Pagsusuri ng nakalipas na termino

* Serbisyong ibinigay ng Kagawaran ng Obstetrics ng Hospital Authority
▲ Serbisyong ibinigay ng Kagawaran ng Obstetrics ng Hospital Authority o MCHC