Pre-eclampsia

Ito ay hindi pangkaraniwan ngunit malubhang komplikasyon na nangyayari sa ikalawang kalahati ng pagbubuntis o pagkatapos na maisilang ang sanggol.

Dahilan ng panganib sa pagkakaroon ng Pre-eclampsia:

  • Medikal na kasaysayan ng diabetes, altapresyon o systemic lupus erythematosus
  • Kasaysayan sa pagbubuntis ng pre-eclampsia
  • Kasaysayan ng pamilya ng ganitong kondisyon
  • Katandaan ng ina
  • Pagkakaroon ng hindi bababa sa 10 taon mula sa iyong huling pagbubuntis
  • Maraming ipinagbubuntis
  • Sobrang timbang

Bukod sa pamamanas, maaaring magkaroon ang buntis ng mataas na presyon ng dugo (mataas sa 140/90mmHg) at protina sa ihi.

Kabilang sa iba pang sintomas ang:

  • Matitinding sakit ng ulo
  • Problema sa paningin gaya ng panlalabo ng paningin o pagkislap ng mga liwanag sa mga mata
  • Matinding kirot sa ilalim lang ng tadyang o pagsusuka

 

Kung mayroon kayo ng mga nabanggit na mga sintomas at palatandaan, dapat kayong humingi kaagad ng medikal na konsultasyon para sa pagmamanman at paggamot. Maaari itong humantong sa mga atake, pagpalya ng atay, bato at palahingahan at mga problema sa pagdurugo. Nagbabanta ito sa buhay kung hindi magamot.

Pag-iwas

Maaaring maiwasan ng sapat na pagkonsumo ng calcium at pisikal na aktibidad ang altapresyon sa pagbubuntis (Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa calcium at pisikal na aktibidad, mangyaring sumangguni sa “Mga Sustansya na Mahalaga para sa Inyo at sa Inyong Sanggol” at “Pananatiling Pisikal na Aktibo sa Panahon ng Pagbubuntis” leaflets)

Gayunman, kung mayroon kayong anumang palatandaan o sintomas ng pre-eclampsia, dapat kayong magkaroon ng pahinga sa halip na ehersisyo!