Pag-iwas sa Sakit na dala ng Lamok at Ibang Insekto
Kabilang sa mga karaniwang vector-borne disease sa tao ang lagnat dulot ng dengue, Japanese encephalitis, malarya, scrub typhus at lagnat na may batik. Responsable ang mga lamok sa paglilipat ng lagnat dulot ng dengue, Japanese encephalitis, malarya at zika virus habang naililipat ang scrub typhus at lagnat na may batik ng mga hanip at garapata ayon sa pagkakabanggit.
Upang maiwasan ang mga vector-borne disease, kailangang protektahan ng mga buntis na kababaihan ang kanilang mga sarili mula sa mga tibo / kagat ng mga lamok, hanip at garapatak, at tumulong na maiwasan ang kanilang paglaganap.
Protektahan ang inyong mga sarili laban sa mga tusok/kagat
Upang mapababa ang panganib ng mga impeksyong ikinakalat ng mga lamok, dapat manatili sa loob ng bahay ang mga buntis na kababaihan sa panahon na maraming aktibidad ang mga lamok (karaniwan kapag madaling-araw at takipsilim).
Karaniwang natatagpuan sa mga mahahalamang lugar ang mga vector na nagdadala ng scrub typhus at lagnat na may batik. Kaya, dapat gawin ang mga hakbang upang makaiwas kapag bumibisita sa mga rural na lugar upang maiwasang makagat ng mga vector na ito.
Magsuot ng damit na pamproteksyon tulad ng maluwag, maliwanag ang kulay na may mahabang manggas na mga pang-itaas at pantalon.
Iwasang gumamit ng pabango na maaaring makaakit ng mga lamok.
Maaaring gumamit ang mga buntis ng insect repellent na may DEET (hanggang 30%), Picaridin, o IR3535. Tandaan ang mga sumusunod na paalala kapag gagamit ng insect repellent:
- Maglagay ng insect repellent sa iyong damit (may mahahabang manggas at pantalon) at sa mga bahagi ng balat na nakalantad;
- Huwag maglagay sa sugat o balat na may iritasyon;
- Sundin ang tagubilin ng produkto at maglagay muli ng repellent kung kinakailangan;
- Maligo o hugasan ang iyong balat pagbalik sa loob ng bahay o gusali;
- Labhan ang mga damit na nilagyan ng DEET gamit ang sabon at tubig.
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang website ng Sentro para sa Proteksyon sa Kalusugan "Mga Sakit na Dala ng Lamok at Ibang Insekto" at Mga tip sa paggamit ng insect repellent.