Kalusugan ng Isipan Bago at Matapos Manganak

(Binago ang nilalaman 12/2019)

Kahalagahan ng kalusugan ng isipan bago at matapos manganak

Makaaapekto ang mga problemang emosyonal sa panahon bago manganak o pagkatapos manganak sa kalagayan ng isipan ng ina, paggana araw-araw, pagganap sa trabaho, relasyong pangmag-asawa at paglaki ng sanggol.

Sa panahon ng pagbubuntis, maaaring magkaroon ng mas mataas na panganib ng pagkalaglag at maagang panganganak ang mga inang dumaranas ng depresyon. Iminungkahi ng mga napag-alaman sa pananaliksik na kapag may mga sintomas ng depresyon o pagkabalisa ang mga ina sa panahon ng kanilang pagbubuntis, magkakaroon sila ng mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng depresyon matapos manganak at nagpakita ang kanilang mga sanggol ng mas maraming kahirapan sa pagkontrol ng emosyon at pagkontrol ng pag-uugali.

Pagkatapos manganak, dahil sa mga pagbabago sa hormon, pagbabago ng tungkulin, mga pagsubok sa pag-aalaga ng sanggol at mga problema sa pamilya, maaaring magkaroon ng mas mataas na panganib ang mga ina sa pagdanas ng mga sakit sa kondisyon ng kalooban. Maaaring makaapekto ang depresyon matapos manganak sa kakayahan ng mga ina sa pag-aalaga ng kanilang mga sanggol at magkakaroon ng epekto sa kalusugan ng katawan ng mga sanggol, pagsulong ng kaisipan pati na rin pagsulong ng emosyon at pag-uugali. Maaari ding magkaroon ng mataas na panganib ng pagkabalisa ng damdamin ang mga asawa ng mga ina na may depresyon matapos manganak. Kaya, napakahalaga na pangalagaan ang kalusugan ng isipan ng mga babae sa mga panahon ng bago at matapos manganak.

Maaaring mangyari ang mga pagkabalisa ng damdamin sa panahong bago manganak

Naghahatid ng napakaraming pagkasabik sa pamilya ang pagiging buntis. Pero hindi dapat makaligtaan na maaaring magkaroon ng iba't ibang damdamin ang mga ina sa panahon ng pagbubuntis, na kabilang ang pagkabalisa, pagiging walang magawa at pagkamayamutin, atbp. Maaaring makaranas ang mga buntis ng maraming pagbabago at kawalang-ginhawa sa katawan. Maaaring kailangang i-adjust ang kanilang pamumuhay. Kaya, maaaring maapektuhan ang kanilang mga damdamin. Maaari ding magkaroon ang mga buntis ng maraming ikinababahala tungkol sa paglaki ng sanggol o pagsasaayos ng pag-aalaga sa bata matapos ang pagsilang.

Iminungkahi ng mga napag-alaman sa pananaliksik na may kaugnayan ang ilang dahilan sa pagkabalisa at depresyon, gaya ng pagpapahalaga sa sarili ng ina, ang kanyang relasyong pangmag-asawa, relasyon sa biyenan at suporta ng lipunan. Para panatilihin ang kalusugan ng damdamin sa panahon ng pagbubuntis, dapat matutunan ng mga ina ang pagpapahalaga sa kanilang sarili, partikular na nagbunga ang kanilang pagsisikap sa pagkaya sa mga hinihingi at upang tanggapin ang mga limitasyon sa panahon ng pagbubuntis. Maaari din silang makipag-usap sa ibang mga ina para mapalakas ang suporta ng lipunan, o makipag-usap sa isang tao na pinagkakatiwalaang nila upang maibsan ang pagdurusa. Kung nagpapatuloy ang pagkabalisa ng damdamin, dapat humingi ng propesyonal na tulong ang mga ina hangga't maaga kung maaari.

Pangunahing mga dahilan ng panganib ng depresyon matapos manganak

Hindi alam ang eksaktong mga dahilan ng depresyon matapos manganak. Ipinahiwatig ng mga napag-alaman ng pananaliksik na nakaugnay ang mga nakalistang dahilan sa talahanayan sa ibaba sa tumataas na panganib ng depresyon matapos manganak:

  • Mga Dahilan sa Klinika
    • Po Mga dating kondisyon sa pag-iisip na kasama ang depresyon at mga sakit sa pagkabalisa
    • Depresyon o pagkabalisa bago manganak
  • Mga Dahilang Psychosocial
    • Pagkatao na madaling mabalisa
    • Kakulangan sa suporta sa pakikipagkapwa
    • Masamang kaugnayang pang mag-asawa
    • Hindi nasisiyahan sa kaugnayan sa biyenan
    • Karahasan sa pamilya
    • Mga kahirapan sa pananalapi
    • Mga nakaka-stress na kaganapan sa buhay
  • Mga dahilan na may kaugnayan sa panganganak at sanggol
    • Mga komplikasyon bago at matapos manganak
    • Emergency na cesarean section
    • Dating pagkalaglag / mga paghihirap sa paglilihi
    • Hindi nakaplanong pagbubuntis
    • Sanggol na isinilang na may sakit mula sa pagkabata / maagang pagsilang

Mga problema sa pag-uugali pagkatapos manganak

May tatlong pangunahing kategorya ng mga problema sa pag-uugali matapos manganak: (1) mga pagkalungkot matapos manganak, (2) depresyon matapos manganak at (3) sakit sa pag-iisip matapos manganak, na nagkakaiba ang bawat isa sa paglaganap, klinikal na pagpapakita, antas ng tindi at pamamahala.

  1. Mga Pagkalungkot Matapos Manganak
    • Nakaaapekto ito sa halos 40% - 80% ng mga babaeng nanganak
    • Isa itong pansamantalang kalagayan na kakikitaan ng mga pabagu-bago ng emosyon, pagiging iyakin, hindi makatulog at pagkamayamutin. Karaniwang nangyayari ang mga sintomas sa halos ika-3 araw hanggang ika-5 araw matapos ang pagsilang ng sanggol
    • Medyo banayad ang mga sintomas at madalas kusang nawawala sa loob ng ilang araw
  2. Depresyon Matapos Manganak
    • Nakaaapekto ito sa halos 13% - 19% ng mga babaeng nanganak
    • Katulad ang mga sintomas sa yugto ng depresyon na naranasan sa iba pang pagkakataon. Ang simula ay karaniwang sa loob ng 6 na linggo ngunit maaari ding mangyari anumang oras sa loob ng isang taon matapos manganak
    • Makakabawi ang karamihang ina sa depresyon matapos manganak kung natukoy sila nang maaga at makatanggap ng tamang paggamot at suporta mula sa pamilya
  3. Sakit sa Pag-iisip Matapos Manganak
    • Nakaaapekto ito sa halos 0.1% - 0.5% ng mga babaeng nanganak
    • Kabilang sa mga kitang-kitang feature ang pagkarinig ng hindi umiiral na mga boses, mga kakaibang saloobin na sinasaktan ng ibang tao at mga ideya ng pananakit sa sarili o pananakit sa sanggol. Karaniwang nangyayari ang mga sintomas sa loob ng 14 na araw matapos ang pagsilang ng sanggol
    • Isa itong emergency sa pag-iisip. Ang agarang referral sa isang psychiatrist o patungo sa Departamento ng Aksidente at Emergency ng ospital ay kinakailangan

Maagang pagkilala ng depresyon matapos manganak

Kabilang sa mga pangunahing sintomas ang depresyon matapos manganak:

  • Nagpapatuloy na panahon ng kalungkutan, gaya ng pagkadama ng depresyon at lungkot, umiiyak nang walang dahilan o gustong umiyak ngunit walang luha
  • Pagkawala ng interes sa halos lahat ng aktibidad (maging pagkawala ng interes sa kanyang anak)
  • Pagkawalang gana kumain
  • Mga problema sa pagtulog
  • Pagkapagod o pagkawala ng lakas sa karamihang oras
  • Nahihirapang mag-concentrate o gumawa ng mga desisyon
  • Nakakaramdam nang pagkakasala ng walang dahilan, pagiging walang pakinabang at pagkawala ng pag-asa
  • Labis na pag-aalala at pagkamayamutin

Kung magpatuloy ang mga nabanggit na sintomas sa loob ng 2 linggo o higit pa at makabuluhang naapektuhan ang pang-araw-araw na paggana ng babae, humingi ng propesyonal na tulong sa lalong madaling panahon.

Mga payo sa pag-iwas

  • Tamang paghahanda bago magbuntis na kabilang ang angkop na pagpaplano ng pamilya at pananalapi.
  • Magkaroon ng makatotohanang mga inaasahan para sa pagiging magulang para tumulong sa pag-adjust sa buhay pagkatapos manganak.
  • Alamin ang higit pa tungkol sa pagbubuntis, panganganak at pag-aalaga ng bata upang mapababa ang pagkabalisa sa pamamagitan ng iba't ibang paraan, hal. pagsali sa mga workshop ng pag-aalaga sa bata at pagiging magulang sa Maternal and Child Health Centre, pagsali sa mga kaugnay na usapan at workshop na isinaayos ng iba pang organisasyon, atbp.
  • Magkaroon ng mas maraming karanasan sa pagbabahagi sa ibang mga magulang at magkamit ng mas maraming suporta ng lipunan.
  • Linangin ang mabisang komunikasyon sa asawa at iba pang miyembro ng pamilya upang pahusayin ang pang-unawa at suporta.
  • Magkaroon ng sapat na pahinga at pagtulog, hal. pagsasaayos ng tulong sa sambahayan at pag-aalaga sa bata pagkatapos manganak.
  • Maglaan ng ilang oras para sa paglilibang at mga nakakarelaks na aktibidad, hal. paglalakad o pagtawag sa mga kaibigan.
  • Magkaroon ng malusog na diyeta. Huwag manigarilyo at iwasan ang mga inuming may alkohol.

Mga paraan upang humingi ng tulong

  • Kumonsulta sa doktor ng pamilya o isang obstetrician para sa panimulang pagsusuri at pamamahala, at kung kailangan, referral sa mga serbisyo ng espesyalista.
  • Magpatingin sa isang psychiatrist o clinical psychologist sa mga pribadong sektor para sa pagsusuri at paggamot ng propesyonal.
  • Makipagkita sa isang social worker o tagapayo para sa pagsusuri at referral.
  • Kung makaranas ang mga ina ng mga problema sa pag-uugali pagkatapos manganak, maaari silang makipag-ugnayan sa Maternal and Child Health Centre sa kanilang lugar na tinitirhan para makipag-appointment sa mga nurse para sa paunang pagsusuri at referral sa mga angkop na serbisyo.

Mga serbisyo / hotline sa pagpapayo

  • Ang mga Kaibigan ng Samaritano sa Hong Kong 2389 2222
  • Mga Serbisyo sa Pag-iwas sa Pagpapakamatay  2382 0000
  • 24 na Oras na Hotline ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan  2343 2255
  • Direktang Linya sa Kalusugan ng Isipan (24 na oras) ng Hospital Authority 2466 7350

Iba pa

Kagawaran ng Kalusugan:

  • 24 na Oras na Hotline ng Impormasyon ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya 2112 9900
  • Hotline sa Pagpapasuso ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya 3618 7450
  • Linya ng Impormasyon para sa Edukasyong Pangkalusugan 2833 0111
  • Website ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya
  • Direktoryo ng Pangunahing Pangangalaga
    (Maaari kayong humanap ng doktor ng pamilya na umaangkopsa inyong mga pangangailangan gamit ang Direktoryo)