Ihanda ang Bag para sa Panganganak

Kapag palapit na ang araw ng panganganak, inirerekomenda sa inyo na mag-impake ng lahat ng kakailanganin sa panganganak sa isang bag kung kailangan ninyong pumunta sa paanakan nang nagmamadali.

Ano ang ilalagay sa bag:

Para sa ina: isang tasa, mga gamit sa banyo, tsinelas, mga maternity pad, mga mesh pant, absorptive underpad at nursing bra.

Para sa sanggol: mga lampin para sa bagong silang at bulak

Tandaang dalhin: ang booklet na "Pagmamahal, nagsisimula sa pagpapasuso" at rekord ng bago manganak