Impeksyon ng Zika Virus

(Binago ang nilalaman 07/2019)

Nagdudulot ng sakit

Ang impeksyon ng Zika virus ay isang sakit na dala ng lamok na dulot ng Zika virus.

Mga katangiang klinika

Walang sintomas ang karamihan sa impeksyon ng Zika virus. Para sa mga pasyente na may mga sintomas, karaniwang nagtataglay ang mga ito ng pantal sa balat, lagnat, pamumula ng mga mata, pananakit ng kalamnan o kasukasuan at pangkalahatang panghihina. Karaniwang katamtaman ang mga sintomas na ito at tumatagal lang ng ilang araw.

Ang kasalukuyang pangunahing alalahanin ay ang kaugnayan sa masamang kalalabasan ng pagbubuntis (microcephaly) at mga komplikasyon sa utak at autoimmune tulad ng Guillain-Barré syndrome (GBS). Pinagtibay ng World Health Organization na ang impeksyon ng Zika virus habang nagbubuntis ay dahilan ng mga abnormalidad sa utak mula pagkabata, kabilang ang microcephaly, at nagsisimula ng GBS ang Zika virus.

Bukod sa GBS, natagpuan ang talamak na laganap na encephalomyelitis (isang sakit ng central nervous system) na isa sa mga pagpapakita sa utak na posibleng resulta ng impeksyon ng Zika virus.

Paraan ng paglilipat

Pangunahing naililipat ang Zika virus sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng isang nahawang lamok na Aedes. Itinuturing ang Aedes aegypti, na kasalukuyang hindi natatagpuan sa Hong Kong, bilang pinakamahalagang vector para sa paglilipat ng Zika virus sa mga tao. Ang iba pang mga uri ng lamok na Aedes tulad ng Aedes albopictus na karaniwang natatagpuan sa Hong Kong ay itinuturing din bilang mga posibleng vector.

Natagpuan din ang Zika virus sa semilya ng tao at nakumpirma ang paglilipat sa pamamagitan ng seksuwal na ugnayan. Naidokumento sa literatura ang seksuwal na paglilipat ng Zika virus sa pagitan ng mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Posible ang iba pang paraan ng paglilipat tulad ng pagsasalin ng dugo at paglilipat sa panahon ng bago at pagkatapos magsilang ng sanggol.

Panahon ng inkubasyon

Tumatagal mula 3 – 14 araw ang panahon ng inkubasyon ng impeksyon ng Zika virus.

Pamamahala

Walang partikular na gamot para sa impeksyon ng Zika virus at ang tanging inaasahan sa paggamot ay ang pagpapaginhawa ng sintomas at pagpigil sa pagkatuyot. Kung lumala ang mga sintomas, dapat silang humingi ng pangangalaga at payong medikal.

Pag-iwas

Sa kasalukuyan, walang epektibong bakuna laban sa impeksyon ng Zika virus. Upang maiwasan ang impeksyon ng Zika virus, pinaalalahanan ang mga miyembro ng publiko na protektahan ang kanilang mga sarili mula sa mga kagat ng lamok at tumulong na maiwasan ang paglaganap ng lamok. Pinapayuhan din ang publiko na gumawa ng mga pag-iingat upang maiwasan ang seksuwal na paglilipat ng Zika virus.

Dahil nagbabago pa ang epekto ng impeksyon ng Zika sa buntis at sa kanyang sanggol sa sinapupunan, pinapayuhan kayong sumangguni sa website ng Centre for Health Protection para sa pinakabagong impormasyon. http://www.chp.gov.hk/en/content/9/24/43088.html

Mag-ingat sa Impeksyon ng Zika Virus

Mahahalagang tatandaan para sa mga buntis na kababaihan at mga kababaihang naghahandang magbuntis

  • Hindi dapat magbiyahe sa mga lugar na may paglaganap ng Zika virus*
  • Ang mga taong dapat maglalakbay sa alinman sa mga lugar na ito ay dapat magsaayos ng konsultasyon sa isang doktor nang hindi bababa sa anim na linggo bago ang biyahe
  • Ipinapayo ang paggamit ng pantaboy ng lamok na nagtataglay ng DEET habang nagbibiyahe at pabalik mula sa mga lugar na ito sa panahon na hindi bababa sa 21 araw para sa lahat ng manlalakbay kabilang ang mga buntis.
  • Regular na magpatingin bago manganak at sabihin sa gumagamot na doktor ang kasaysayan ng kamakailang paglalakbay
  • Obserbahan ang mga sintomas ng impeksyon ng Zika virus at humingi ng medikal na payo hangga’t maaari kung masama ang pakiramdam
  • Iwasan ang pakikipagtalik sa asawang naglakbay sa mga apektadong lugar, o kaya ay dapat gumamit ng condom sa buong pagbubuntis

Pag-iwas sa seksuwal na paglilipat#

Mga espesyal na tatandaan ng Lahat

  1. Dapat isaalang-alang ng mga manlalakbay na huwag magtalik habang naglalakbay sa mga apektadong lugar, o kaya ay dapat gumamit ng mga condom
  2. Dapat umiwas sa pakikipagtalik ang mga lalaki at babaeng manlalakbay na bumabalik mula sa mga apektadong lugar nang hindi bababa sa 3 buwan at hindi bababa sa 2 buwan ayon sa pagkakasunod mula sa pagbalik, o kaya ay dapat gumamit ng condom
  3. Dapat tandaan ng mga babaeng naghahanda para sa pagbubuntis ang Puntos A at B na nabanggit sa itaas.
    Kung nagpaplano sila o ang kanilang mga lalaking kapareha sa pagtatalik na maglakbay sa mga apektadong lugar, dapat silang kumonsulta sa kanilang mga doktor para sa payo tungkol sa panganib

# Maaaring baguhin ang hakbang ng pag-iingat na ito habang nagiging available ang mas marami pang impormasyon. Dapat makipag-ugnayan sa kanilang doktor ang mga indibidwal na may karagdagang alalahanin tungkol sa posibleng seksuwal na paglilipat ng Zika virus para sa payo

* Mangyaring sumangguni sa website ng CHP para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa Impeksyon ng Zika Virus.