Kirot sa Galanggalangan at Kamay

Karaniwang kondisyon ang De Quervain’s Tenosynovitis sa mga buntis at mga inang bagong panganak. Namamaga ang mga litid mula sa hinlalaki patungong galanggalangan, at nagdudulot ito ng patuloy na pagkirot sa galanggalangan. Kilala ito bilang Galanggalangan ng ina o Hinlalaki ng ina.

Mga sanhi

  • Mga pagbabago sa hormon habang nagbubuntis
  • Sobrang paggamit ng hinlalaki at paulit-ulit na paggalaw ng galanggalangan
  • Maaaring humantong sa Kamay ng Ina ang paulit-ulit na paggamit ng hinlalaki at galanggalangan habang nagpapasuso o pagtanggal ng labis na gatas mula sa suso. Maling kilos, hal. pagbuhat sa sanggol na ang hugis L na hinlalaki at posisyon ng daliri ay maaaring magpalubha sa kirot sa galanggalangan

Carpal tunnel syndrome

Pinararami ang oedema sa carpal tunnel ng mga pagbabago sa hormon habang nagbubuntis, na nagdudulot ng kompresyon sa nerbiyo. Nagdudulot ito ng kirot at pamamanhid sa mga kamay.

Mga paraan upang maiwasan o mabawasan ang kirot sa galanggalangan

  1. Panatilihing nasa neutral na posisyon ang galanggalangan at mga daliri. Iwasan ang labis na pagbaluktot ng galanggalangan at hinlalaki
  2. Iwasang buhatin ang sanggol sa ilalim ng braso gamit ang hugis L na hinlalaki at posisyon ng hintuturo
  3. Suportahan ang puwit, leeg at ulo ng sanggol gamit ang mga palad
    • Kapag iniuugoy ang sanggol, suportahan ang kanyang katawan at puwit gamit ang braso. Dapat nakalinya ang kamay sa braso
    • Iwasan ang hugis L na posisyon ng hinlalaki at daliri. Huwag sobrang pagurin ang hinlalaki
    • Gamitin ang kaliwa at kanang kamay nang salitan. Ipahinga ang mga galanggalangan at hinlalaki nang regular
  4. Mag-ehersisyo ng mas maraming pag-iinat

Set 1

  1. Nakapaloob ang palad, ibalot ang hinlalaki ng iba pang mga daliri at bumuo ng kamao
  2. Iyuko ang inyong galanggalangan hanggang maramdaman ninyo ang kaunting pag-unat. Pigilin sa loob ng 5 hanggang 10 segundo
  3. Ulitin 5 hanggang 10 beses bilang isang set. Isagawa ang 1 set bawat oras

Set 2

  1. Itaas ang nakatuwid na braso na may kirot sa galanggalangan. Nakaharap ang palad sa ibaba. Hilahin ang daliri pataas gamit ang kabilang kamay. Pigilin sa loob ng 5 hanggang 10 segundo
  2. Ulitin 5 hanggang 10 beses bilang isang set. Isagawa ang 1 set bawat oras

Kumonsulta sa doktor ng pamilya kung nagpapatuloy ang kirot sa kamay.

(Inihanda ang impormasyong ito ng Kagawaran ng Kalusugan at ng departamento ng physiotherapy ng Hospital Authority)