Halimbawa ng 1-araw na menu para sa buntis na ina sa ika-3 trimestre

(Inilathala 01/2017)

Almusal

  • Breakfast cereal na kaunti ang asukal at maraming fibre 1 mangkok (pakipili ang mga produktong 'pinatibay ng iron')
  • Gatas na kaunti ang taba (1 tasa)
  • Mga strawberry (4-5 piraso)

Meryenda sa umaga

  • Karaniwang almond (1 kutsara)

Tanghalian

  • Kanin na may choy sum at karneng baka (2/3 na plato at kaunti ang sarsa)
  • Mansanas (1 katamtaman)

Meryenda sa hapon

  • Nilagang butil ng mais (1 mangkok)
  • Kamatis na cherry (10 piraso)

Hapunan

  • Brown rice (1 1/3 na mangkok)
  • Pritong Yellow croaker (3 tael)
  • Nilagang Spinach (1 mangkok)
  • Hairy cucumber, carrot, black eye beans at sabaw ng karneng purong laman (magkaroon ng 1/2 mangkok na hairy cucumber/carrot, 4 na kutsara ng black eye beans)

Meryenda bago matulog

  • Karaniwang yoghurt na kaunti ang taba (1 tasa)

Piliin ang mga pagkaing mayaman sa iron

Kailangan ng mga buntis na ina ng mas maraming iron sa panahon ng ika-3 trimestre ng pagbubuntis. Bukod sa mga halimbawang nakalista sa nasa itaas na plano ng pagkain, maaari kayong sumangguni sa mga sumusunod na polyeto:

Bitamina D – ang bitamina ng Sikat ng Araw

  • Tumutulong ang bitamina D sa ating katawan upang masipsip ang calcium. Upang magkaroon ng mas malakas na mga buto ang parehong ina at kanyang sanggol, mahalagang tiyakin ang sapat na pagkonsumo ng bitamina D, bukod pa sa sapat na pagkonsumo ng calcium.
  • Mas madalas na piliin ang mga pagkaing mayaman sa bitamina D, kabilang ang gatas o gatas na soya na pinalakas ng bitamina D, malalangis na isda (gaya ng salmon, sardinas at tuna), pula ng itlog at atay, etc.
  • Gayunman, limitado ang dami ng bitamina D na makukuha natin mula sa pagkain. Kailangang malantad sa araw ng mga buntis na ina para sa sapat na paggawa ng bitamina D. Maaari kayong maglakad sa labas ng bahay sa oras ng tanghalian o sumali sa mga aktibidad sa labas ng bahay upang ilantad ang inyong mukha at braso sa sikat ng araw.
  • Maaaring kailanganin ninyong kumonsulta sa inyong doktor para sa suplementong bitamina D kung kaunti ang inyong pagkalantad sa araw, o kung tinatakpan ninyo ang inyong mukha, braso at binti sa karamihang oras, o kung kadalasang nananatili kayo sa loob ng bahay, o mayroon kayong mas matingkad na kulay ng balat.