Pag-iwas sa Pulmonya at Impeksyon ng Daanan ng Hininga – Sikolohikal na Pangangalaga sa Sarili (Para sa mga Buntis)

(Inilathala noong 02/2020)

Hinaharap ang di-inaasahang epidemya, maaaring magkaroon ng mas maraming alalahanin ang mga buntis tungkol sa pagkakahawa nito kaysa sa iba at nagbigay ng karagdagang pansin sa kalinisan ng sarili at ng bahay. Nauunawaan ang natural na pagtugon sang lahat ng ito para ingatan ang sanggol sa sinapupunan. Gayunman, maaaring sobrang nababahala ang ilang buntis o mabilis na kinakabahan, hindi sinasadyang magkakaroon sila ng mga saloobin o pag-uugali na masyadong matindi at mahigpit. Nagpapatuloy pagkatapos ang mga matitinding emosyon na nakaaapekto sa kanilang sariling kapakanan at sa kanilang sanggol sa sinapupunan o maging ang kanilang relasyong pampamilya.

Ipinapakita ng mga pananaliksik na mas malakas ang imyunidad ng mga babaeng may malusog na kalagayan sa isipan. Mas makapagbibigay ng mas mabuting imyunidad para sa kanilang sanggol sa sinapupunan ang mga nagpapanatiling matatag na saloobin kasama ng mabuting kalusugan ng katawan at kalagayan ng isipan. Bilang karagdagang pagsunod sa tagubilin sa pagkontrol sa impeksyon ng Centre for Health Protection upang maiwasan ang impeksyon, maaari kayong sumangguni sa mga sumusunod na mungkahi para mapabuti ang inyong “imyunidad ng isipan”.

Mga Payo sa Pangangalaga sa Pansariling Isipan

  • Magpanatili ang regular na rutina at ingatan ang mga pangunahing pangangailangan para mapalakas ang imyunidad, hal. pagpapanatili ng balanseng pagkain, pagkakaroon ng sapat na pahinga at tulog.
  • Limitahan ang pagkalantad sa napakaraming impormasyon habang sinusubukang patunayan at ma-access ang impormasyon na mula lamang sa mapagkakatiwalaang pinagmulan, upang maiwasan ang mga negatibong makakaapekto sa inyong kalooban.
  • Manatiling pisikal na aktibo, para maibsan at mabawasan ang mga karaniwang hirap na may kaugnayan sa pagbubuntis, tulad ng pagod, pamamanas at varicose veins; para sa pagpapanatili ng kalagayan ng isipan pati na rin pagbabawas ng insomnia, pagiging kinakabahan, pagkabalisa at depresyon. Angkop na Ehersisyo para sa mga Buntis
  • Pagyamanin ang positibo at makatotohanang pag-iisip, hal. ipaalala sa iyong sarili na “Normal lahat ng pagsusuri sa aking sanggol. Ginawa ko ang mga sapat na hakbang upang makaiwas sa sakit at wala akong sintomas. Kaya, magiging ayos ito.”, “Bagama’t nakababahala ang biglaang paglitaw ng epidemya, hindi masamang mamalagi sa bahay bago magsilang. Tutal, matatapos din ang biglaang paglitaw ng epidemya."
  • Maglaan ng oras para sa mga libangan ayon sa iyong mga interes, hal. pakikinig sa musika.
  • Pabutihin ang ugnayan ninyo ng inyong sanggol sa sinapupunan. Gumugol ng oras para sa mga gawain tulad ng pagsulat ng talaarawan sa pagbubuntis o paggawa ng mga audio recording ng paglaki ng sanggol sa sinapupunan, pagdedekorasyon ng silid kasama ang inyong asawa, pagbubukod-bukod ng mga damit ng sanggol ayon sa sukat nito, paghahanda ng inyong bag para sa pagle-labor o pagbabasa ng impormasyong tungkol sa pag-aalaga ng inyong bagong silang na sanggol. Impormasyong Pangkalusugan para sa Pagkasanggol (Pagsilang hanggang Unang Buwan)
  • Manatiling konektado sa mga kamag-anak at kaibigan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng video call. Makipag-usap sa iba pang ina o mga buntis para magbahagi ng mga karanasan sa pagle-labor at pagiging magulang.
  • Humingi ng suporta mula sa iba pang miyembro ng pamilya para sa mga gawaing-bahay at/o pag-aalaga ng bata kapag maaari, upang maiwasan ang pagkaubos ng lakas.
  • Palaging isipin ang iyong mga emosyon. Kapag nag-aalala kayo o napapansin na nagiging nerbiyosa kayo lalo, pagtuunan ng pansin ang mga praktikal na diskarte sa pagharap sa problema. Kung nahihirapan kayo na kalimutan ang inyong pag-aalala o kung walang agarang solusyong magagamit, subukan ang isang mabisang paraan para mabawasan ang inyong pag-aalala – magplano ng tiyak na oras upang mag-aalala hangga't gusto ninyo (gaya ng 15-30 minuto pagkatapos ng hapunan). Kung nag-aalala kayo nang wala sa itinakda ninyong oras, ilista na lamang ang inyong mga alalahanin at subukang muling magpokus sa kasalukuyang gawain o mga aktibidad na interesado kayo. Huwag itakda ang oras ng pag-aalala bago matulog para maiwasan ang negatibong epekto sa pagtulog at pagkahimbing ng tulog.
  • Gawin ang ehersisyong pamparelaks bago matulog o anumang oras na angkop sa inyo, hal.

Humingi ng Propesyonal na Tulong

Kung maobserbahan ang pagkabalisa at nagpapatuloy na pagdurusa, mangyaring kumonsulta sa inyong doktor ng pamilya / obstetrician, o lumapit sa mga mapagkukunan sa komunidad.

Para sa impormasyon sa kalusugan tungkol sa pag-iwas sa pulmonya at impeksyon ng daanan ng hininga, mangyaring basahin ang aming mga payo para sa mga buntis at mga magulang.

Para sa payo kung paano haharapin ang mga emosyon ng mga bata na nagsimula sa impeksyon at mga hakbang kung paano ito kontrolin, mangyaring basahin ang aming mga payo sa sikolohikal na pangangalaga sa sarili para sa mga magulang.

Para sa pinakabagong impormasyon sa kalusugan tungkol sa Sakit na Dulot ng Coronavirus (COVID-19), mangyaring bisitahin ang website ng Centre for Health Protection ng Kagawaran ng Kalusugan.