Diphtheria (binawasang dosis), bakuna laban sa tetanus at acellular pertussis (binawasang dosis) (dTap na bakuna)

FHS-AN-3A (Hulyo 2020)

Pertussis

Ang pertussis, na kilala rin bilang “ubong may halak”, ay isang malubhang sakit sa palahingahan na sanhi ng bakterya. Maaaring magpakita ang nahawang taong ng di-tiyak na sintomas sa simula tulad ng sipon, pagbahin, sinat at banayad na ubo. Unti-unting mas titindi ang ubo at maaaring makaapekto sa pagkain, pag-inom at paghinga sa panahon ng malakas na pag-ubo. Maaaring tumagal ng ilang linggo ang mga sintomas. Kabilang sa mga komplikasyon ang impeksyon sa baga, kumbulsyon at coma. Kumakalat ito sa pamamagitan ng direktang kontak sa mga patak ng laway mula sa mga pasyente.

Paano nahahawa sa pertussis ang mga sanggol?

Kadalasang nakukuha ng mga sanggol ang pertussis sa pamamagitan ng direktang pakikisalamuha o paglipat ng patak ng laway mula sa mga nahawang tagapag-alaga na maaaring mayroong di-tiyak na sintomas sa simula tulad ng sipon, pagbahin, sinat at banayad na ubo.

Diphtheria (binawasang dosis), bakuna laban sa tetanus at acellular pertussis (binawasang dosis) (dTap na bakuna)

  1. Bakit pinapayuhan ang mga buntis na magpabakuna laban sa pertussis?

    Nagsisimula lamang magpabakuna ang mga sanggol laban sa pertussis sa edad na 2 buwan. Inirerekomenda ng Scientific Committee on Vaccine Preventable Diseases (SCVPD) sa ilalim ng Centre for Health Protection ng Department of Health na dapat tumanggap ang mga buntis ng isang dosis ng bakunang nagtataglay ng acellular pertussis sa bawat pagbubuntis. Ang bakuna laban sa diphtheria (binawasang dosis), tetanus at acellular pertussis (binawasang dosis) (dTap) ay inirerekomenda. Maaaring maipasa sa sanggol bago ang pagsilang ang mga antibody na nabuo para sa direktang proteksyon laban sa pertussis sa unang ilang buwan ng buhay kapag hindi pa nakukumpleto ng sanggol ang kanyang sariling pagbabakuna.

  2. Kailan dapat magpabakuna ang mga buntis?

    Mas mainam na ibigay ang bakuna nang hindi bababa sa 15 araw bago magsilang, upang may sapat na panahon ang mga antibody na mabuo sa mga buntis, at maipasa ang sapat na mga antibody sa sanggol bago ang pagsilang para sa pinakamainam na proteksyon. Magbibigay ng pagbabakuna laban sa pertussis ang mga klinika para sa bago manganak ng Hospital Authority at Maternal and Child Health Centres ng Kagawaran ng Kalusugan para sa mga buntis mula 26 hanggang 34 na linggo ng pagbubuntis.

  3. HINDI dapat tumanggap ng bakuna laban sa dTap ang mga sumusunod na indibiduwal

    • Nagkaroon ng matinding allergy sa anumang nilalaman ng bakuna (kabilang ang mga antibayotiko o preservative)
    • Nagkaroon ng matinding reaksyon sa allergy o pansamantalang pagbaba ng platelet matapos ang dating dosis ng bakuna na naglalaman ng pertussis
    • Nagkaroon ng encephalopathy (hal. coma, bumabang antas ng malay-tao, humabang mga kumbulsyon) na hindi maiuugnay sa isa pang makikilalang sanhi sa loob ng 7 araw ng pagbibigay ng isang dating dosis ng bakuna na naglalaman ng pertussis
  4. Ano-ano ang masasamang epekto?

    • Kabilang sa maliliit na masasamang epekto ang mga lokal na reaksyon (tulad ng pagkirot, pamumula o pamamaga) na banayad at tumatagal lamang ng ilang araw
    • Bihirang-bihira ang malulubhang masasamang epekto gaya ng Guillain-BarrĂ© syndrome
    • Ipinakita sa siyentipikong katibayan na talagang ligtas para sa mga buntis at kanilang mga sanggol ang mga bakuna laban sa pertussis

Kung mayroon kayong anumang tanong, mangyaring kontakin ang Maternal & Child Health Centre ng Kagawaran ng Kalusugan.