Paano gamitin ang Hotline ng 24 na oras na Pagrereserba sa Telepono at Impormasyon ng Serbisyo sa Pag-screen ng Cervix sa Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya ng Kagawaran ng Kalusugan

(Binago ang nilalaman 04/2023)

Hotline: 3166 6631

Nagbibigay ang Mga Sentro ng Kalusugan ng Ina at Bata (mga MCHC) ng pag-screen ng cervix sa mga babae na may edad na o mas matanda sa 25 na nakipagtalik na. May sisingiling bayad para sa serbisyong ito. Kung mayroon kang regular na pag-screen ng cervix, mangyaring ipareserba ang appointment isang buwan bago ang takbdang petsa.

Hindi kailangan ng mga babaeng hindi kailanman nakipagtalik o hindi pa sumailalim sa pag-aalis ng buong matris (total hysterectomy) ang pag-screen ng cervix.

Mga ihahanda bago ang pagrereserba :

  1. Mangyaring ihanda ang iyong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong / tamang dokumento sa pagbiyahe at numero ng telepono sa Hong Kong.
  2. Subukang alalahanin ang petsa ng iyong huling regla. Dapat iwasan ang pag-screen ng cervix sa panahon ng regla. Kaya, mangyaring gawin ang iyong appointment bago o pagkatapos ng iyong regla. Maaari mong tantiyahin ang petsa ayon sa sumusunod: hal. kung ang iyong huling panahon ng regla ay mula sa ika-1 hanggang ika-5 ng Enero, ang susunod mong regla ay maaaring sa petsa sa pagitan ng katapusan ng Enero hanggang unang bahagi ng Pebrero. Kaya, dapat mong iwasang gumawa ng appointment sa loob ng panahon ng ika-27 ng Enero hanggang ika-6 ng Pebrero. Dapat mong piliin ang petsa sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-26 ng Enero, o sa pagitan ng ika-7 hanggang ika-25 ng Pebrero hangga't maaari.

  3. Kinakailangan ng mga babaeng nasa edad na o mas matanda sa 45 na gumawa ng appointment pagkatapos ng ika-12 araw ng regla.
  4. Iwasan ang paggamit ng pessary sa puwerta, pakikipagtalik o pagdutsa ng puwerta dalawang araw bago ang pagsusuri.

Iba pang bagay na dapat tandaan :

  1. May bisa lamang ang iyong pagrereserba pagkatapos kumpirmahin ng computer.
  2. Kung gustuhin mong baguhin o kanselahin ang appointment, mangyaring tumawag muli sa hotline na ito. Mangyaring tandaan na hindi mo mababago o makakansela ang iyong appointment sa loob ng 2 araw ng iyong orihinal na petsa ng appointment.
  3. Kung nasuspindi ang serbisyo dahil sa mga pangyayaring gaya ng bagyo o pag-ulan na may mahigit sa 100 mm ang naitala sa nakalipas na 2 oras (black rainstorm), kailangan mong magpareserba ng isa pang appointment.
  4. Sa araw ng appointment, mangyaring dalhin ang iyong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong / dokumento sa pagbiyahe, kard ng pagrerehistro sa Pagpaplano ng Pamilya/Serbisyo sa Pag-screen ng Cervix (kung naaangkop) at ang bayad para magrehistro sa counter. Hindi pagsisilbihan ang mga taong nahuli nang mahigit sa 15 minuto.

Ibinibigay lang ng mga MCHC ang pag-screen ng cervix ngunit hindi ang rutinang eksaminasyon ng mga sakit ng kababaihan. Mangyaring humingi ng medikal na payo mula sa Pangkalahatang Klinika na Pang-outpatient o mga pribadong doktor kung mayroon kang hindi normal na pagdurugo ng puwerta o tumatagas na likido.

Mga Pasilidad na Walang Sagabal sa mga MCHC:

  • Lahat ng MCHC ay mayroong mesa para sa eksaminasyon para sa mga gumagamit ng wheelchair.
  • May mga elevator na may PA system, madaling magamit na palikuran, tactile guide path at naaakses na pasukan sa karamihan ng aming mga sentro
  • Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pasilidad na walang sagabal sa mga MCHC maaari mong bisitahin ang website ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya (Family Health Service) sa www.fhs.gov.hk, sa pamamagitan ng fax mula sa hotline na ito, o tumawag sa aming mga MCHC.

Mga Bayad at Singil:

  • Kuwalipikadong mga Tao: $100
  • Hindi Kuwalipikadong mga Tao: $205

Tandaan: Kuwalipikado ang mga pasyenteng nasa ilalim ng sumusunod na mga kategorya para sa mga presyo ng singil na naaangkop sa Kuwalipikadong mga Tao:

  1. Isang may hawak ng Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong na inilabas sa ilalim ng Ordinansa ng Pagpaparehistro ng mga Tao;
  2. Iba pang taong inaprubahan ng Direktor ng Kalusugan.