Impormasyon para sa mga Gumagamit ng Intrauterine Device

(Binago ang nilalaman 02/2019)

1. Intrauterine Device (IUD)

  • Ang IUD ay isang maliit na device na maaaring gamitin bilang regular na paraan sa kontrasepsyon. Napakabisa nito at halos 1% sa unang taon ang antas ng pagkabigo
  • Ayon sa mga napag-alaman sa pananaliksik, pareho ang antas ng pertilidad sa pagitan ng mga hindi gumagamit ng IUD at mga dating gumagamit nito
  • Ipinapasok ito ng doktor sa matris. Bago ipasok, susuriin ng doktor ang inyong kasaysayang medikal at magsasagawa ng eksaminasyon sa balakang upang masuri ang kaangkupan ninyo para sa IUD. Matapos ipasok, kailangan ninyong bumalik para sa mga regular na pagsusuri
  • Dalawang uri ng IUD ang ginagamit sa mga Maternal & Child Health Centre (mga MCHC): "T" type at "Umbrella" type; parehong may sinulid sa kanilang puno para sa pagsusuri ng sarili o eksaminasyon ng doktor, at para sa pag-aalis ng device sa hinaharap
  • Kailangang palitan ang "T" type bawat 5 hanggang 10 taon depende sa mga modelo, samantalang kailangang palitan ang "Umbrella" type bawat 5 taon

2. Paano gumagana ang IUD

Maaaring baguhin ng copper IUD ang kapaligiran ng matris, humadlang sa paggalaw ng semilya at mapababa ang tsansa ng pertilisasyon. Bukod dito, maaaring makaapekto ang pagbabago sa kapaligiran ng matris sa pertilisadong itlog mula sa pagdikit sa mga dingding ng matris kung kaya't kaya pinipigilan ang pagbubuntis

3. Sino ang mga hindi angkop sa paggamit ng mga IUD

Karamihan ng kababaihan ang maaring gumamit ng mga IUD. Humingi ng payo mula sa inyong doktor kung mayroon kayo ng anuman sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Malakas magregla o dysmenorrhea o abnormal na pagdurugo sa puwerta
  • Matinding anemya
  • Kilalang allergy sa copper (nagtataglay ng copper ang mga IUD na ginagamit sa mga MCHC)
  • Kilalang baluktot na anatomiya ng matris (hal. dobleng matris, uterine septum)
  • Kasaysayan ng sakit sa hinekolohiya (hal. impeksyon sa matris o balakang, bukol, pagbubuntis sa labas ng matris, mga impeksyong naipapasa sa pakikipagtalik)
  • Pagkakaroon ng maraming kapareha sa pakikipagtalik (may mas mataas na tsansa ng pagkakaroon ng impeksyon sa balakang)
  • Kilalang mga problema sa puso, hal. sakit sa balbula ng puso

4. Mga posibleng panganib at komplikasyon

Tiyak na hindi ito isang nakapapagod na listahan ng mga panganib o komplikasyon na may kaugnayan sa paggamit ng IUD (kabilang ang panahon ng mga pamamaraan ng pagpapasok at pag-aalis). Maaaring mangyari ang mga komplikasyon maging sa mga tamang pamamaraan sa pagpasok at pag-alis ng IUD. Kapag nangyari ang mga komplikasyon, maaaring kailanganin ng babae na isangguni sa Accident & Emergency Department (A&E) o Specialist Out-patient Clinic (SOPC) para sa karagdagang pagsusuri at pamamahala. Maaaring kailangan ang pamamaraan na operasyon para sa ilang komplikasyon.

4.1 Sa panahon ng pamamaraan na pagpapasok

  • Pagkawala ng malay o syncope (Vasovagal syncope)
    • Sa panahon ng pamamaraan na pagpapasok, kaunti sa mga kababaihan ang maaaring makaranas ng pagkawala ng malay o syncope dahil sa kirot o pagkabahala
    • Isa itong hindi karaniwang kondisyon at karaniwang banayad
  • Pagkabutas ng matris
    • Halos isa hanggang dalawa sa bawat 1,000 pagpapasok
    • Hiwalay na tumataas ang panganib ng pagkabutas sa mga sumusunod na kababaihan:
      • Mga nagpapasuso sa panahon ng pagpapasok
      • Pagpapasok sa loob ng 36 na linggo pagkatapos manganak

4.2 Habang ginagamit

  • Epekto sa mga yugto ng regla
    • Maaaring magkaroon ng malakas at mas mahaba o masakit na panahon ng pagreregla
  • Impeksyon sa balakang
    • Bagama't hindi karaniwan, ang panganib ng sakit na pamamaga ng balakang ay mas mataas sa unang 3 linggo kasunod ng pagpapasok kung ikukumpara sa babae na hindi gumagamit ng device
  • Pagtalsik ng IUD
    • Halos 5% ng mga gumagamit
    • Sa panahon ng regla at pinakakaraniwan sa unang 3 buwan pagkatapos isukat ang IUD
  • Hindi maramdaman ang sinulid ng IUD, maaaring mangahulugan ito na:
    • Lumabas ang sinulid
    • Nawala sa dating ayos ang device
    • Lumabas ang device
    • Nabutas ng device ang matris at lumipat sa tiyan
  • Pagbubuntis sa labas ng matris
    • Mas mababa ang panganib para sa isang babae na gumagamit ng IUD kaysa mga hindi gumagamit ng anumang anyo ng pagkontrol ng pagbubuntis
    • Para sa mga gumagamit ng IUD, mahalagang humingi ng payo mula sa nagbibigay ng pangangalaga ng kalusugan nang maagap para alisin ang pagbubuntis sa labas ng matris kung naghihinalang buntis. Ang dahilan ay na napakabisa ng device sa pag-iwas sa pagbubuntis sa loob ng matris ngunit kaunti ang bisa sa pag-iwas sa pagbubuntis sa labas ng matris
  • Maaaring mangyari ang mga sumusunod na panganib at komplikasyon nang walang anumang alam na dahilan habang gumagamit ng IUD:
    • Pagkaputol ng sinulid ng IUD
    • Pagkaputol ng device na IUD
    • Bahagya o ganap na pagkabutas ng matris o kuwelyo ng matris

4.3 Sa panahon ng pamamaraan ng pag-aalis

  • Inaalis ang IUD sa paghawak nang mahigpit ng doktor sa nakakabit na sinulid. Maaaring mangyari ang mga sumusunod na panganib o komplikasyon sa panahon ng pamamaraan na pag-aalis:
    • Pagkaputol ng sinulid ng IUD
    • Pagkaputol ng device na IUD
    • Pagkabutas ng matris o kuwelyo ng matris
    • Maaaring kailanganing isangguni ang babae sa A & E o SOPC para sa karagdagang pagsusuri at pamamahala. Maaaring kailangan ang pamamaraan na operasyon para sa ilang komplikasyon.
  • Maaaring magkaroon ng banayad na pananakit ng tiyan at pagdurugo sa puwerta sa loob ng ilang araw pagkatapos alisin ang device

5. Pamamaraan ng Pagpapasok

  • Bago ang pagpapasok, ipaliliwanag ng propesyonal sa kalusugan ang mga pamamaraan ng pagpapasok at ang mga posibleng panganib at komplikasyon. Pagkatapos, kailangan ninyong pumirma sa form ng pahintulot para sa pamamaraan
  • Magsasagawa ang doktor ng eksaminasyon ng balakang at magpapasok na maliit na instrumento sa inyong matris upang tingnan ang sukat ng loob ng matris para sa kaangkupan ng pagpapasok (hindi angkop para sa pagpapasok ng device na IUD ang napakalaki o napakaliit ng loob ng matris). Kung angkop ang sukat sa loob ng matris, ipapasok ng doktor ang device sa matris sa pamamagitan ng paggamit ng tubo na pampasok
  • Puputulin ang sinulid sa puno ng device na IUD upang mag-iwan ng 2 hanggang 3 cm sa labas ng kuwelyo ng matris. Maaari itong gamitin para sa pagsusuri ng sarili o eksaminasyon ng doktor at para sa pag-aalis sa hinaharap

6. Mga puntong tatandaan pagkatapos ng pagpapasok

  • Kailangan ninyong umiwas sa pakikipagtalik o gumamit ng mga condom sa unang linggo pagkatapos ng pagpapasok upang mabawasan ang posibilidad ng impeksyon sa balakang
  • Maaaring lumabas ang device sa panahon ng pagreregla; kaya pinapayuhan kayo na tingnan kung nasa lugar pa rin ang sinulid ng IUD pagkatapos ng regla sa pamamagitan ng paglalagay ng inyong mga daliri sa loob ng puwerta. Kung hindi ninyo maramdaman ang sinulid ng IUD, mangyaring humingi ng payo mula sa provider ng pangangalaga ng kalusugan para sa agarang pagsusuri. Kasabay nito, kailangan ninyong umiwas sa pakikipagtalik o gumamit ng dagdag na paraan ng kontrasepsyon tulad ng mga condom
  • Kailangan ninyong pumunta sa mga pagsusuri kabilang ang eksaminasyon ng balakang sa 6 na linggo, 6 na buwan at pagkatapos ay taon-taon pagkatapos ng pagpapasok upang masiguro na hindi nawala sa lugar o lumabas ang IUD
  • Dapat alisin ang IUD sa loob ng 1 hanggang 2 taon pagkatapos ng menopause

7. Bumalik sa MCHC o humingi ng payo mula sa mga provider ng pangangalaga ng kalusugan kaagad kung mayroon ka ng sumusunod na mga kondisyon

  • Naantala na regla, kaunti o mas malakas na mga regla, nagpapatuloy na pagdurugo sa puwerta o pagdurugo sa puwerta sa pagitan ng mga regla (intermenstrual bleeding)
  • Pinaghihinalaan o kumpirmadong pagbubuntis
  • Abnormal o matinding pananakit ng tiyan
  • Mabaho o parang nana na lumalabas sa puwerta
  • Hindi maramdaman ang sinulid ng IUD
  • Pinaghihinalaan na pagkawala sa lugar o pagtalsik ng IUD
  • Nararamdaman ninyo o ng inyong asawa ang IUD habang nagtatalik