Kaalaman sa Kontraseptibo na Dapat Malaman ng Lahat

(Binago ang nilalaman 05/2019)

Mga Pamamaraang Hormonal:

Angkop ang mga pamamaraang hormonal para gamitin ng karamihang kababaihan. Dapat kumonsulta ang mga kliyente sa isang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan bago simulan ang alinman sa mga pamamaraang ito.

Mga pildoras

Paano ito gumagana
  • Nagtataglay ng mga hormon, kumikilos sa pamamagitan ng pagpigil sa obulasyon
  • May 2 pangunahing uri:-
    1. nagtataglay ang pinagsamang uri ng parehong estrogen at progestogen
    2. progestogen lamang
Paano ninyo ito gagamitin

Inumin ang mga pildoras nang magkasabay araw-araw

Mga Kapaki-pakinabang na Payo
  • Bisa ng kontraseptibo: Mabisa hanggang napakabisa (93 - 99.7%)*
  • Mga karaniwang masasamang epekto: Maaaring magkaroon ng pagkahilo, malambot na suso at pagbabago sa inyong mga regla, ibig sabihin hindi regular, pagdami o pagbawas ng mga regla

Iniiniksyon

Paano ito gumagana
  • Nagtataglay ng mga hormon, kumikilos sa pamamagitan ng pagpigil sa obulasyon
  • May 2 pangunahing uri:-
    1. nagtataglay ang pinagsamang uri ng parehong estrogen at progestogen
    2. progestogen lamang
Paano ninyo ito gagamitin
  • Para sa pinagsamang iniiniksyon, kailangan ninyong magpainiksyon bawat 1 buwan
  • Para lamang sa progestogen na iniiniksyon, kailangan ninyong magpainiksyon bawat 13 linggo
Mga Kapaki-pakinabang na Payo
  • Bisa ng kontraseptibo: Mabisa hanggang napakabisa (94 - 99.8%)*
  • Mga karaniwang masasamang epekto: Maaaring magkaroon ng pagkahilo, malambot na suso at pagbabago sa inyong mga regla, ibig sabihin hindi regular, pagdami o pagbawas ng mga regla

Pantapal

Paano ito gumagana

Nagtataglay ng estrogen at progestogen, kumikilos sa pamamagitan ng pagpigil sa obulasyon

Paano ninyo ito gagamitin
  • 4 na linggo bilang 1 siklo
  • Palitan ang pantapal sa parehong araw ng linggo sa loob ng 3 linggo at pagkatapos ay ihinto sa loob ng 1 linggo
Mga Kapaki-pakinabang na Payo
  • Bisa ng kontraseptibo: Mabisa hanggang napakabisa (93 - 99.7%)*
  • Mga karaniwang masasamang epekto: Maaaring magkaroon ng pagkahilo, malambot na suso at pagbabago sa inyong mga regla, ibig sabihin hindi regular, pagdami o pagbawas ng mga regla

IUD

Intrauterine device (IUD)

Paano ito gumagana
  • Sa pamamagitan ng pagpigil sa pertilisasyon at pagkapit ng pertilisadong itlog sa sinapupunan
  • May 2 pangunahing uri:-
    1. IUD na nagtataglay ng copper
    2. IUD na nagtataglay ng hormon
Paano ninyo ito gagamitin
  • Inilalagay sa matris ng babae ng isang sinanay na propesyonal sa kalusugan at kailangan ang regular na pagpapatingin
  • Depende sa modelo ng IUD, maaari itong gamitin para sa kontrasepsyon sa loob ng 5 - 10 na taon
Mga Kapaki-pakinabang na Payo
  • Bisa ng kontraseptibo: Napakabisa (>99%)*
  • Mga karaniwang masasamang epekto: Maaaring magkaroon ng pananakit habang may regla at pinalalakas ang daloy ng regla pagkatapos maipasok ang IUD

Mga Paraang Humaharan:

Mga Condom para sa Kalalakihan / Kababaihan

Maaaring mabawasan ng paggamit ng mga condom ang panganib ng mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik kabilang ang Human Immunodeficiency Virus (HIV)

Paano ito gumagana

Pinipigil ang mga semilya na pumasok sa sinapupunan

Paano ninyo ito gagamitin
  • Inilalagay ng lalaki ang bagong condom sa nakatayong ari sa tuwing bago siya makipagtalik
  • Inilalagay ng babae ang bagong condom sa kanyang puwerta sa tuwing bago siya makipagtalik
Mga Kapaki-pakinabang na Payo
  • Bisa ng kontraseptibo
    • Para sa mga condom ng lalaki: Katamtaman ang bisa hanggang mabisa (87 - 98%)*
    • Para sa mga condom ng babae: Katamtaman ang bisa hanggang mabisa (79 - 95%)*
  • Karamihan ng mga condom ay gawa sa latex. Maaaring gumamit ng mga condom na gawa sa polyurethane ang mga taong may allergy sa latex
  • Mangyaring kumonsulta sa inyong doktor para sa emergency na kontrasepsyon sa lalong madaling panahon kung mapunit o dumulas ang condom habang nagtatalik

Iba pa:

Spermicide

Paano ito gumagana

Hindi pinagagana at pinapatay ang mga semilya

Paano ninyo ito gagamitin
  • Inilalagay ng kababaihan ang spermicide sa kanyang puwerta sa tuwing bago siya makipagtalik
  • Iwasan ang vaginal douching 6 na oras pagkatapos makipagtalik
Mga Kapaki-pakinabang na Payo
  • Bisa ng kontraseptibo: Katamtaman ang bisa (79 - 84%)*
  • May iba’t ibang anyo: tableta, vaginal film, vaginal sponge, atbp
  • Hindi maaaring gamitin ang ilang spermicide kasama ng condom, mangyaring kumonsulta sa mga propesyon sa pangangalaga ng kalusugan para sa mga detalye

Mga Permanenteng Pamamaraan:

Isterilisasyon para sa Kababaihan

  • Ang isterilisasyon sa kababaihan ay maliit na operasyon sa pamamagitan ng pagtatali o pagputol ng mga fallopian tube
  • Isa itong permanenteng anyo ng kontrasepsyon
Mga Kapaki-pakinabang na Payo

Bisa ng kontraseptibo: Napakabisa: (=99.5%)*

Isterilisasyon para sa Kalalakihan (Vasectomy)

  • Ang vasectomy ay maliit na operasyon sa pamamagitan ng pagputol sa vas deferens.
  • Isa itong permanenteng anyo ng kontrasepsyon
Mga Kapaki-pakinabang na Payo

Bisa ng kontraseptibo: Napakabisa: (> 99.8%)*

Emergency na Kontrasepsyon (EC):

  • Kabilang ang mga pildoras na kontraseptibong pang-emergency at intrauterine device na nagtataglay ng copper
  • Maaaring magamit sa mga sumusunod na sitwasyon
    • Pagkakaroon ng hindi protektadong pagtatalik
    • Dumulas o napunit na condom habang nagtatalik
    • Pagkaantala sa pagtanggap ng iniiniksyon na kontrasepsyon
    • Nakaligtaan ang inyong mga pildoras
    • Lumuwag ang inyong IUD o lumabas

Pildoras na Kontraseptibong Pang-emergency (Mga EC pill)

Paano ito gumagana
  • Inihihinto o inaantala ang paglabas ng itlog mula sa obaryo
  • Dapat inumin sa lalong madaling panahon pagkatapos ng palatandaang pagtatalik
  • Kung mas maaga ang pag-inom ng mga EC pill, mas mataas ang bisa
Mga Kapaki-pakinabang na Payo
  • Antas ng pagkabigo: 1-3%
  • Hindi magagamit bilang regular na pamamaraan ng kontrasepsyon

Intrauterine device na nagtataglay ng copper (Ginagamit bilang EC)

Paano ito gumagana
  • Dapat ipasok sa loob ng 5 araw pagkatapos ng palatandaang pagtatalik sa mga angkop na kliyente pagkatapos masuri ng propesyonal sa pngangalaga ng kalusugan
  • Sa mga angkop na kliyente, mas mabisa ito kumpara sa mga EC pill
  • Maaaring gamitin bilang nagpapatuloy na kontrasepsyon
Mga Kapaki-pakinabang na Payo

Antas ng pagkabigo: Mababa sa 1%

Serbisyo sa Pagpaplano ng Pamilya

  • Nagbibigay ang karamihan sa mga Maternal and Child Health Centre (mga MCHC) ng konsultasyon at angkop na mga pamamaraan ng kontrasepsyon sa mga kababaihang nasa edad ng panganganak upang makapagpasya sila nang malaya at responsable sa bilang at pagitan ng mga bata
  • Nagbibigay ang mga MCHC ng angkop at mabisang mga paraan ng kontrasepsyon at serbisyo sa pang-emergency na kontrasepsyon ayon sa mga pangangailangan ng indibiduwal. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan para sa higit pang impormasyon.
  • Mangyaring tandaan: Hindi nagbibigay ng mga pantapal na kontraseptibo ang mga MCHC

*Bisa ng Kontraseptibo: Ipinapakita ng mga porsyento kung gaano kahusay ang bawat paraan para sa karamihang gumagamit ng paraaan sa loob ng isang taon. Gumagana lang nang maayos ang ilan sa mga paaraan kapag ginagamit ito sa tamang paraan ng mga gumagamit.

Pinagkunan: Teknolohiya sa kontrasepsyon: ika-21 edisyon, ni Hatcher RA. Set 2018.