Pagtatapos ng pagbubuntis

(Binago ang nilalaman 02/2016)

Kapag hinaharap ang isang hindi nakaplanong pagbubuntis, mayroon kayo ng sumusunod na mga opsyon:

  1. Maaari ninyong ipagpatuloy ang pagbubuntis at alagaan ang bata na mayroon o walang tulong mula sa inyong asawa.
  2. Maaari ninyong ipagpatuloy ang pagbubuntis at ipaampon ang sanggol
  3. Maaari ninyong tapusin ang pagbubuntis.

Nagbibigay ng suporta ang Birthright Society and Mother's Choice sa mga babaeng piniling ipagpatuloy ang kanilang pagbubuntis, at tumutulong sa kanila na isaayos ang pagpapaampon pagkatapos ng pagsilang kung magpasya silang gawin iyon.

Isa marahil sa mga pinakamahirap na desisyong kailangang gawin ang pagpapasya kung tatapusin ba ang di-gustong pagbubuntis o hindi. Magandang panimula ang pakikilahok man lang ng kasintahan sa pagpapasya.

Sa Hong Kong, legal ang pagtatapos ng pagbubuntis sa ilalim ng dalawang sitwasyon:

  1. Kung magdudulot ng panganib sa buhay, kalusugan ng katawan o isipan ng nagbubuntis ang pagpapatuloy ng pagbubuntis kaysa sa pagtapos ng pagbubuntis.
  2. Kung magiging malubhang may kapansanan ang isisilang na sanggol bilang resulta ng abnormalidad sa katawan o isipan.

Hindi maisasagawa ang pamamaraan pagkatapos ng 24 na linggo maliban kung kinakailangan ito para iligtas ang buhay ng nagbubuntis.

Saan ko maaaring tapusin ang pagbubuntis?

Dapat gawin ng dalawang doktor ang pagsusuri. Kung pareho silang sumang-ayon na talagang gagawin ang aborsyon alang-alang sa ina o sanggol, maaaring isagawa ang pagtatapos ng pagbubuntis. Sa ngayon, maaari lamang isagawa ang legal na aborsyon sa Samahan ng Pagpaplano ng Pamilya (Family Planning Association) o mga ospital ayon sa inilathala sa Gazette. Maaari kayong pumunta sa mga sumusunod na klinika para sa tulong o referral.

  1. Samahan sa Pagpaplano ng Pamilya, telepono 2575 4477
    (http://www.famplan.org.hk)
  2. Mga Maternal & Child Health Centre, Kagawaran ng Kalusugan
    (http://www.fhs.gov.hk/english/centre_det/maternal/maternal.html)
  3. Mga Pribadong Ospital

Tulong para sa pagpapatuloy ng pagbubuntis

  1. Maaaring makaugnayan ang Birthright Society sa pamamagitan ng pagtawag sa 2337 5551
  2. Maaaring makaugnayan ang Mother's Choice sa pamamagitan ng pagtawag sa 2868 2022
    (https://www.motherschoice.org/en/)

Paano tapusin ang pagbubuntis?

Sa pangkalahatan, maaaring isagawa ang aborsyon sa pamamagitan ng operasyon o gamot.

  • Sa aborsyong inoopera, ibinubuka muna ang cervix sa pamamagitan ng gamot. Isinasagawa ang pag-aalis ng laman ng matris gamit ang isang makitid na cannula na panipsip para alisin o ilabas ang ipinagbubuntis. Maaaring isagawa ang pamamaraan sa ilalim ng pampamanhid o pampatulog. Maaaring maranasan ang iba’t ibang antas ng kirot pagkatapos ng pamamaraan, kung saan makatutulong ang mga pamawi ng kirot.
  • Maaari ding gamitin ang gamot para pukawin ang paghilab ng matris para alisin ang mga tisyu ng pagbubuntis. Gayunman, madalas na bahagi lamang ng mga tisyu ng ipinagbubuntis ang maaaring maalis. Maaaring kailangang isagawa ang pag-aalis ng laman ng matris gaya ng inilarawan para makumpleto ang pamamaraan.

Maaaring talakayin ninyo ng inyong doktor ang pinakaangkop na paraan.

Ano-ano ang mga komplikasyon ng sapilitang aborsyon?

Ligtas at talagang bihira ang mga komplikasyon ng sapilitang aborsyon kapag isinagawa nang legal. Gayunman, maaari pa rin mangyari ang mga komplikasyon paminsan-minsan:

  • Reaksyon sa mga ginagamit na gamot
  • Komplikasyong may kaugnayan sa pamamaraan ng pampamanhid
  • Pagkapunit ng cervix
  • Di-kumpletong aborsyon
  • Pagdurugo
  • Pagkabutas o pagkasira ng matris
  • Impeksyon at pagdirikit sa loob ng matris

Maaaring mabigo o hindi makumpleto ang pamamaraan, na kakailanganin ng karagdagang pamamagitan:

  • Kung mangyari ang impeksyon, maaaring maapektuhan ang pag-aanak sa hinaharap.
  • Maaari ding maapektuhan ng aborsyong inoopera ang pagbubuntis sa hinaharap. Maaaring maging masyadong maluwag ang cervix para ipagpatuloy ang pagbubuntis at humantong sa pagkalaglag o maagang pagsisilang. Maaari ding mahirapan sa paglalabas ng inunan.

Sa pangkalahatan, mas magiging mataas ang panganib kung mas matagal ang pagbubuntis.

Mas mataas ang panganib ng ilegal na aborsyon. Maaaring mangyari nang mas madalas ang lahat ng nabanggit na komplikasyon. Maaari pa nga itong humantong sa pagkamatay! Sa isang ulat na inilathala kamakailan ng Pandaigdigang Pederasyon ng Nakaplanong Pagiging Magulang (International Planned Parenthood Federation), 13% ng pagkamatay ng mga ina sa buong mundo ay dahil sa di-ligtas na aborsyon.

Higit sa lahat, hindi dapat kaligtaan ang masamang sikolohikal na epekto pagkatapos ng sapilitang aborsyon.

Paano maiiwasan ang lahat ng komplikasyong ito?

Pinakamainam na paraan para maiwasan ang mga komplikasyong may kaugnayan sa sapilitang aborsyon ay ang paggamit ng mabisang kontrasepsyon, kabilang ang kontrasepsyon pagkatapos ng pagtatalik. Dapat munang talakayin ang pagpaplano ng pamilya sa asawa.

Maaaring isagawa sa pagtatapos ng pagbubuntis ang pagpapasok ng intrauterine contraceptive device at tubal na isterilisasyon. Mangyaring talakayin sa sangkot na doktor.

Saan ako maaaring makakuha ng Pagpapayo sa Kontrasepsyon?

  1. Samahan ng Pagpaplano ng Pamilya sa Hong Kong (Hong Kong Family Planning Association),
    Telepono 2575 4477
  2. Mga Maternal & Child Health Centre, Kagawaran ng Kalusugan
    (http://www.fhs.gov.hk/english/centre_det/maternal/maternal.html)
  3. Mga Pribadong Doktor