Dapat ko bang piliin ang pagkakaroon ng Isterilisasyon na Pambabae

(Inilathala 01/2006)

Dapat nakumpleto na ninyo ang inyong pamilya at wala nang nais na magkaroon ng karagdagang mga anak bago isaalang-alang ang isterilisasyon. Dapat may kaalaman kayo sa mga alternatibong paraan ng pagkontrol ng pagbubuntis bago piliin ang tubal na isterilisasyon.

Itanong sa inyong doktor ang tungkol sa mga pagpipilian

Maraming mga pagpipiliang kontrasepsyon kabilang ang mga pamamaraang humaharang (mga condom, diaphragm), intrauterine device, mga pamamaraang hormonal (mga pildoras para sa pagkontrol ng pagbubuntis, depoprovera na iniksyon), at vasectomy para sa inyong asawa.

  • Talakayin sa inyong asawa at mag-isip nang dalawang beses bago magdesisyon. Dapat isaalang-alang nang mabuti ang bilang ng inyong mga anak na mayroon kayo, ang kalusugan ng kanilang katawan at ang inyong relasyon bilang mag-asawa.
  • Sa karamihang pangyayari, kailangan din ng inyong asawa na pumirma sa form ng pagpayag para sa isterilisasyon upang ipakita na sumasang-ayon din siya sa operasyon.
  • Mas malamang na mag-ulat ng pagsisisi sa tubal ligation ang mga mas batang kababaihan at kababaihan na may hindi matatag na buhay may asawa.
  • Bagama't posible ang tubal reversal, magastos ang pamamaraang ito, may kaugnay na mga panganib, at hindi laging matagumpay.
  • Kung may anumang pag-aalinlangan kayo, kumonsulta muna sa inyong doktor o sa iba pang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan.

Dapat ko bang piliin ang pagkakaroon ng isterilisasyon?

Naaangkop ba ako para sa isterilisasyon?

  • Walang nakatakdang pamantayan sa edad o bilang ng mga anak hangga't isinaalang-alang ninyo ang isterilisasyon bilang pinakaangkop na kontaseptibong paraan.
  • Kung mayroon kayong mga sakit na medikal tulad ng diabetes, altapresyon o sakit sa puso, kakailanganin ninyong kumonsulta muna sa inyong doktor.
  • Magsasagawa ang doktor ng pangkalahatang pagsusuri ng katawan upang tiyakin na angkop kayo para sa operasyon.

Ano ang mga panganib ng tubal na isterilisasyon?

Kabilang sa mga panganib ng operasyon ang

  • Kaunting panganib ng pampamanhid
  • Luslos
  • Kung minsan kailangan ng muling pagtatahi ang pagkakaroon ng siwang sa sugat
  • Pagdurugo ng sugat
  • Impeksyon ng sugat
  • Impeksyon sa loob ng tiyan
  • Pinsala sa pantog, mga bituka, o ureter

Gayunman, hindi karaniwan ang lahat ng komplikasyong ito. Ipaliliwanag sa inyo ng inyong doktor tungkol sa mga karagdagang detalye.

Huwag mag-alala, hindi magkakaroon ng anumang masamang epekto ang operasyon para sa isterilisasyon sa inyong pangkalahatang kalusugan at buhay pakikipagtalik.

Ang isterilisasyon

  • ay hindi magdudulot ng pagtaas ng timbang
  • ay hindi magdudulot ng mga pagbabago sa mood
  • ay hindi magdudulot ng maagang menopause
  • ay hindi magdudulot ng mga pagkagambala sa regla

Gaano katagal ako makakabawi mula sa operasyon?

  • Kakailangan ninyo ng 1-2 araw na pahinga sa kama at karaniwang maaari kayong bumalik sa trabaho sa loob ng 1 linggo.
  • Maaaring magkaroon kayo ng banayad na sakit sa unang ilang araw pagkatapos ng operasyon at maaaring kailanganin ang simpleng mga analgesic.
  • Dapat ninyong iwasan ang nakakapagod na ehersisyo sa loob ng 2 linggo.
  • Maaaring ibalik ang pagtatalik kapag maginhawa na ang pakiramdam ninyo.

Saan ako maaaring magpaopera?

Isinasagawa ang isterilisasyon ng kababaihan sa mga ospital ng Hospital Authority na nagbibigay ng serbisyo ng espesyalistang gynaecology. Maaaring makuha ang sulat na referral sa mga espesyalistang ito mula sa mga general practitioner,mga klinika ng pangkalahatang out-patient o mga Maternity & Child Health Centre.

Maaari kayong pumunta sa mga pribadong gynaecologist para na rin sa isterilisasyon.