Impormasyon tungkol sa Serbisyo sa Pagpaplano ng Pamilya

(Binago Ene 2014)

Malugod na makabibisita ang mga babaeng nasa edad ng pagbubuntis sa malapit na Maternal and Child Health Centre para sa serbisyo sa pagpaplano ng pamilya. Ibinibigay ang pagpapayo at reseta ng angkop na mga paraan ng kontrasepsyon. Ibinibigay rin ang pagpapayo sa mga kliyente na may mga problema sa pagkabaog at isasaayos ang referral sa espesyalista nang naaayon.

  1. Mga sesyon ng operasyon ng serbisyo:

    Mangyaring huwag pumasok sa mga Maternal and Child Health Centre kung sinuman (kabilang ang mga kasama, buntis at mga bata) ay may lagnat, mga pantal kabilang ang vesicles o kamakailang nagkaroon ng mga nakahahawang sakit o nakipag-ugnayan sa mga may sakit.

  2. Mangyaring dalhin ang mga sumusunod na dokumento kapag bibisita sa centre:
    1. Mga Balidong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong
      (Para sa mga wala nito, manyaring dalhin ang mga balidong dokumento ng pagbibiyahe)
    2. Kard ng Pagpaparehistro sa Pagpaplano ng Pamilya sa Maternal & Child Health Centre
      (para lamang sa follow-up na pagbisita)
    Para sa mga umiinom ng mga kontraseptibong pildoras, mangyaring dalhin ang mga natitirang pildoras at ang sobre ng pildoras sa panahon ng inyong pagbisita.
  3. Mga pangkalahatang pamamaraan:

    Pagrerehistro

    Tumanggap ng mga serbisyo kung naaangkop:

    • Panayam ng nurse
    • Medikal na konsultasyon (para lamang sa mga piling kaso)

N.B. HINDI kabilang sa serbisyo sa pagpaplano ng pamilya ang karaniwang pagsusuri ng katawan NI ang pagsusuri na cervical smear.