Impormasyon tungkol sa Serbisyo Pagkatapos Manganak

(Binago Ene 2014)

Maaaring bumisita ang mga kababaihan sa anim na linggo pagkatapos manganak sa malapit na Maternal and Child Health Centre para sa check-up pagkatapos manganak upang mapadali ang maagang pagtuklas ng problema pagkatapos manganak at angkop na pamamahala. Binibigyan ang mga inang nanganak ng mga pisikal na pagsusuri at payo sa pagpaplano ng pamilya.

  1. Mga sesyon ng operasyon ng serbisyo:

    Mangyaring huwag pumasok sa mga Maternal and Child Health Centre kung sinuman (kabilang ang mga kasama, buntis at mga bata) ang may lagnat, mga pantal kabilang ang vesicles o kamakailang nagkaroon ng mga nakahahawang sakit o nakipag-ugnayan sa mga may sakit.

  2. Mangyaring dalhin ang mga sumusunod na dokumento kapag bibisita sa centre:
    1. Mga Balidong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong
      (Para sa mga wala nito, manyaring dalhin ang mga balidong dokumento ng pagbibiyahe)
    2. Kard ng paglabas sa ospital o kard ng rekord ng panganganak
  3. Mga karaniwang pamamaraan:

    Pagrerehistro

    Tumanggap ng mga serbisyo kung naaangkop:

    • Pagsukat ng timbang ng katawan at presyon ng dugo
    • Panayam ng nurse
    • Medikal na konsultasyon (pagsusuri ng katawan)
  4. Ikinalulugod ang pagsali mo sa Serbisyo sa Pagpaplano ng Pamilya sa centre para sa pagpapayo sa pagpaplano ng pamilya. Inirereseta ayon sa mga indibiduwal na pangangailangan ang angkop na mga kontraseptibong paraan kabilang ang condom, mga kontraseptibong pildoras, iniksyon ng hormon, intrauterine device at post-coital/emergency na kontrasepsyon.

N.B. Kung mayroon kang regla sa petsa ng appointment, mangyaring makipag-ugnayan sa tauhan ng MCHC. Gayunman, kung may paulit-ulit kang lochia, mangyaring bumalik ayon sa iskedyul.