Pamamahala ng pamumuhay para sa mga kababaihan matapos manganak

(Inilathala 01/2017)

Kung nagpapasuso man kayo o hindi sa inyong sanggol, mahalaga na pumili ang mga bagong ina ng iba't ibang masustansyang pagkain pagkatapos manganak. Isama ang mga butil, gulay, prutas, karne, isda, itlog (o mga alternatibo) at gatas o mga alternatibo sa inyong pang-araw-araw na diyeta. Upang maiwasan ang pagdaragdag ng timbang, piliing mabuti at umiwas sa mga pagkaing maraming taba o matatamis. Narito ang ilang payo:

  • Alisin ang balat at nakikitang taba kapag kakain ng karne.
  • Kontrolin ang dami ng paggamit ng langis sa pagluluto (limitahan lamang sa 5-6 na kutsarita ng langis kada tao kada araw).
  • Pumilli ng kaunti at limitahan ang dami ng pagkain ng mga biskwit, cake o pritong pagkain.

Magkaroon ng ilang oras para sa ehersisyo. Kumuha ng ibang mag-aalaga sa inyong sanggol. Maaaring maibsan ng pisikal na ehersisyo ang pagkapagod na naranasan ninyo bago at habang nagle-labor. Makatutulong ang ehersisyo sa mga bagong ina na manatiling positibo at magkaroon ng kaunting tsansa ng pagkakaroon ng pagkabalisa at depresyon. Narito ang ilang madadaling payo para sa inyo:

  • Maglakad sa parke kasama ang inyong sanggol. Ilagay ang inyong sanggol sa kanyang stroller. Magandang oras ito ng magulang at anak. Maaaring makatulong sa inyo na makapagrelaks ang pagbabago ng kapaligiran.
  • Umakyat o bumaba sa hagdan kapag lumalabas kayo.
  • Sumali sa klase ng ehersisyo isa o dalawang beses kada linggo upang mapalakas ang inyong enerhiya. Humingi ng tulong mula sa mga miyembro ng pamilya upang pansamantalang alagaan ang inyong sanggol.