Paano haharapin ang makirot o makating puwerta?

(Binago ang nilalaman 06/2015)

Sobrang maselan ang balat ng ari at mahalagang maiwasan na mairita ito ng mga kemikal o pisikal na paraan. Kumonsulta sa doktor sa lalong madaling panahon kung nakakadama kayo ng pangangati o panghahapdi sa ibabaw ng lugar ng puwerta. Huwag gumamit ng mga gamot na nabibili nang walang reseta nang hindi nagpapatingin sa doktor.

Lumalabas sa Puwerta

May mas maraming lumalabas sa puwerta sa halos lahat ng babae sa pagbubuntis. Dapat ito ay malinaw at puti at hindi dapat mabaho ang amoy.

Dapat kayong kumonsulta sa doktor kung mayroon kayo ng mga sumusunod. Maaaring mayroon kayong impeksyon sa puwerta.

  • May kulay ang lumalabas o may dugo
  • Kakaiba ang amoy ng lumalabas
  • Nakakaramdam kayo ng pangangati o masakit

Kalinisan

  • Huwag sobrang hugasan ang ari. Tratuhin ang balat ng bahagi ng ari nang dahan-dahan.
  • Huwag gumamit ng mga douche.
  • Huwag gumamit ng bubblebath o anumang mabangong krema, sabon o mga produkto para sa kalinisan ng babae.
  • Iwasang mapunta ang shampoo sa bahagi ng ari.
  • Maaaring gamitin ang karaniwang tubig / saline sa paglilinis at pagpapaginhawa ng mga sintomas.
  • Umihi bago mapuno ang pantog. Pagkatapos gumamit ng banyo, punasan ang puwerta papunta sa likod. Maaari itong tumulong na mapigil na mapunta ang bakterya na karaniwang nasa inyong tumbong na pumunta sa inyong puwerta. Banlawan ng tubig ang puwerta pagkatapos umihi.
  • Gumamit ng malambot, puti, at walang pabango na toilet paper.
  • Gumamit ng 100% bulak na mga menstrual pad at tampon.

Pananamit at Paglalaba

  • Magsuot ng cotton na underwear at maluluwag na pantalon o skirt.
  • Huwag magsuot ng pantyhose (magsuot ng mga stocking na kasing taas ng hita o tuhod sa halip).
  • Siguraduhin na nababanlawang mabuti ang underwear at anumang damit na dumidikit sa puwerta.
  • Huwag gumamit ng fabric softener sa mga underwear dahil mananatili sa fabric ang mga kemikal, na magdudulot ng iritasyon sa balat ng puwerta.

Pagtatalik

  • Kapag makati ang puwerta, huwag gumamit ng mga pampadulas o petroleum jelly.
  • Iwasan ang pagtatalik kapag may kirot sa mga ari.
  • Marahang lapatan ng yelo o iladong gel pack na nakabalot sa tuwalya sa balat ng puwerta upang maibsan ang panghahapdi, kung mayroon, pagkatapos ng pagtatalik.
  • Umihi upang maiwasan ang impeksyon at banlawan kaagad ang puwerta ng malamig na tubig pagkatapos ng pagtatalik.

Mga Pisikal na Aktibidad

  • Iwasan ang ehersisyo na naglalagay ng direktang presyur sa puwerta hal. pagbibisikleta.
  • Marahang lapatan ng iladong gel pack na nakabalot sa tuwalya sa balat ng puwerta para maibsan ang mga sintomas pagkatapos ng ehersisyo.
  • Huwag maglangoy sa mga swimming pool na mataas ang chlorine at iwasan ang paggamit ng mga hot tub.
  • Alisin kaagad ang mga basang bathing suit at damit na pang-sports.

Pang-araw-araw na Pamumuhay

  • Gumamit ng foam rubber ring para sa pangmatagalang pag-upo.
  • Subukang magsalitan ng iba't ibang posisyon sa mga panahong ng pagtayo.
  • Maaaring maapektuhan ng emosyon ang sensasyon ng bahagi ng ari. Maaaring lumitaw nang malubha ang mga sintomas sa panahon ng stress. Maaaring makatulong ang sapat na pahinga, pakikinig sa mahinang musika at pagsasagawa ng ehersisyon pag-iinat na mabawasan ang tindi ng kawalang-ginhawa sa puwerta.