Kamalayan sa Suso

(Binago 11/2011) (03/2018 Muling nilimbag)

Ang kamalayan sa suso ay tungkol sa pagiging pamilyar sa inyong normal na tisyu ng suso at kung paano ito nagbabago sa magkakaibang panahon ng buwan.

Maging gawi ang pagtingin at pagdama sa inyong suso nang pana-panahon para maaari ninyong mapansin ang anumang pagbabago na maaaring hindi pangkaraniwan para sa inyo. Mahalagang bahagi ito ng pangangalaga sa inyong katawan.

Nagagamot ang karamihang pagbabago sa suso ngunit dapat lagi mong iulat sa iyong doktor ang anumang alalahanin.

Ang 4 na puntong Code ng Kamalayan sa Suso

  1. Alamin kung ano ang normal para sa iyo
    • Sa panahon ng mga taon ng panganganak, madalas na lumalaki, masakit at magaspang ang mga suso bago ang pagsisimula ng regla ngunit bumabalik sa normal sa sandaling tapos na ang regla.
    • Pagkatapos ng menopause, kadalasang mas manipis at matatag ang tisyu ng suso, at nagiging mas mataba, na ginagawang mas malambot ang pakiramdam ng mga suso.
  2. Alamin kung ano-anong pagbabago ang titingnan at pakikiramdaman
    • Mangyaring tandaan ang mga abnormal na pagbabago gaya ng nakalista sa kabilang pahina.
  3. Hitsura at pakiramdam
    • Maaari ninyong maramdaman at tingnan ang inyong suso sa salamin kapag nagpapalit o dinadama ito sa paliligo; o maaari ninyong gustuhin na gawin ito nang nakahiga.
  4. Sabihin kaagad sa inyong doktor ang anumang pagbabago
    • Mas higit ninyong malalaman kaysa sa sinuman kung ano ang normal na pakiramdam at hitsura ng inyong suso. Kung makapansin kayo ng pagbabago, magpatingin sa doktor sa lalong madaling panahon.
    • Mangyaring huwag mag-alala dahil nagagamot at walang panganib ang karamihang pagbabago sa suso.

Ano-anong pagbabago ang dapat kong malaman?

  • Ang suso
    • Pagbabago sa outline, hugis o laki
    • Nalulukot o paglubog ng balat
    • Anumang bagong natatanging bukol
    • Hindi karaniwang kirot o kawalang-ginhawa, lalo na kung bago, tuluy-tuloy at limitado
  • Ang utong
    • Kamakailang pagbaligtad o pagbabago sa hugis
    • Anumang inilalabas
    • Pantal sa palibot ng iyong utong
  • Ang kili-kili
    • Pamamaga sa ilalim ng iyong kili-kili
    • Patuloy na kirot

Malugod kayong makalalapit sa tauhan ng medikal at nursing para sa anumang tanong.