Tungkol sa regla

(Binago ang nilalaman 05/2014)

1. Ano ang pagreregla?

  • Ang pagreregla (o sapanahon) ay ang regular na paglalabas ng dugo at sapin ng matris dahil sa paulit-ulit na mga pagbabago sa hormon sa katawan ng isang babae.
  • Kapag isinilang ang isang sanggol na babae, mayroon nang milyun-milyong murang ova (mga itlog) sa kanyang mga obaryo. Sa pagdadalaga, sampu sa mga ito ang magsisimulang lumaki sa ilalim ng pagsigla ng hormon minsan sa isang buwan. Sa pangkalahatan, isang itlog lang ang aabot sa pagkamaygulang sa obaryo at ilalabas sa matris (kilala bilang obulasyon) sa bawat siklo.
  • Kasabay nito, mas kumakapal ang sapin ng matris bilang paghahanda sa pagbubuntis. Kung hindi napunlaan ang itlog, ilalabas ito sa puwerta kasama ng dagdag na tisyu ng sapin ng matris bilang dugo ng regla. Pagkatapos, muling magsisimula ang isa pang siklo ng pagreregla.

2. Sa anong edad nagsisimula ang babae na magkaroon ng mga regla? Sa anong edad humihinto ang mga regla?

  • Nagsisimula ang karamihang babae na magkaroon ng regla sa halos edad na 11-12. Para sa karamihang babae, nangyayari ang natural na menopause sa pagitan ng edad na 45-55. Sa yugtong ito, permanenteng tumitigil ang mga regla (menopause) at hindi na magkakaanak ang kababaihan.

3. Dapat ba akong magkaroon ng regla bawat buwan?

  • Hindi, hindi lahat ng babae ay may regla bawat buwan. Maaaring mag-iba-iba ang siklo ng babae depende sa kanyang kondisyon.
  • Maaaring magtagal ang siklo ng regla sa loob ng 21 - 35 araw. Binibigyang-kahulugan ang haba ng isang siklo na ang bilang ng mga araw sa pagitan ng unang araw ng regla hanggang sa unang araw ng susunod na regla.

    Halimbawa:

    Unang araw ng nakalipas na regla: Ika-1 ng Oktubre
    Unang araw ng kasalukuyang regla: Ika-29 ng Oktubre
    Haba ng siklo: 28 araw

  • Maaaring mangyari ang mga hindi regular na regla sa mga babae na nagsisimula pa lang sa pagreregla at sa mga babaeng papalapit na sa menopause.
  • Maaaring iugnay ang ilang kondisyon sa hindi balanseng hormon, na nagdudulot ng mga hindi regular na regla. Kabilang dito ang:
    • labis na timbang o kulang sa timbang
    • Mga karamdaman sa pagkain (hal. anorexia nervosa)
    • Puspusang ehersisyo
    • Stress
    • Ilang gamot (hal. mga iniiniksyon na kontraseptibo)
    • Pag-abuso sa droga
    • Pagpapasuso
    • Mga hindi gumagaling na sakit, mga karamdaman sa hormon (hal. polycystic ovary syndrome, sakit sa thyroid atbp.)
    • Mga kondisyon na nakaaapekto sa paggana ng obaryo
  • Maaaring dahilan ng pagdurugo sa puwerta sa pagitan ng mga regla ang abnormalidad sa sapin ng matris, polyps, impeksyon ng cervix o puwerta, o dahil sa kanser ng cervix atbp. Maaari itong ikalito kung minsan sa pagkakaroon ng 'hindi regular na mga regla'.

Dapat isaalang-alang ang posibilidad ng pagbubuntis sa sinumang babae na aktibo sa pakikipagtalik. Mangyaring humingi ng payo mula sa inyong mga provider ng pangangalaga ng kalusugan kung lumampas ang inyong regla.

4. Nagkaroon ba ako ng malalakas na regla?

  • Nangangahulugan ang malalakas na regla na pagtaas sa tindi o tagal ng pagdurugo sa regla.
  • Maaaring mayroon kang malalakas na regla kung:
    • Tumatagal ang iyong regla nang mahaba sa 7 araw (karamihang babae ay may regla na tumatagal nang 2 - 7 araw)
    • Kailangan mong magpalit ng matagal at sobrang sumisipsip na mga pad bawat 1 - 2 oras
    • Naglalabas ka ng malalaking buong dugo
    • Mayroon kang mga pagbaha (ibig sabihin biglaang paglalabas ng maraming dugo na bumabasa sa iyong panloob at mga damit)
    • Kailangan mong gumising nang madalas sa gabi para magpalit ng mga pad
    • Naduduguan ang iyong kubrekama habang natutulog, kahit gumagamit ka ng pad / tampon
    • Nakaaapekto sa iyong trabaho, buhay pampamilya at buhay panlipunan ang iyong malakas na regla
    • Nahihilo ka, nangangapos ang hininga at napapagod sa panahon at pagkatapos ng iyong regla

5. Ano ang mga kirot dulot ng regla?

  • Madalas na nagsisimula ang mga kirot dahil sa regla bago o sa pagsisimula ng regla. Karaniwang nararamdaman ang banayad hanggang matinding kirot sa ibaba ng tiyan.
  • Kadalasang matindi ang kirot kapag may malakas na pagdurugo.
  • Maaaring iugnay ang mga kirot sa pagsakit ng sikmura gaya ng pagsusuka o pagtatae.
  • May 2 uri ng kirot dulot ng regla:

Hindi sanhi ng isang medikal na kondisyon

Sanhi ng isang hindi nakikitang kondisyon

  • Karaniwang nangyayari sa mga batang kababaihan pagkatapos na magsimula silang magkaroon ng mga regla
  • Kaunti ang kirot o nawawala habang tumatanda ang babae o nanganak na
  • Maaaring sanhi ng mga kondisyon gaya ng endometriosis, impeksyon sa balakang, ang paggamit ng intrauterine contraceptive device atbp.
  • Nagtatagal nang 1-3 araw
  • Maaaring mangyari ang kirot anumang oras ng siklo ng regla
  • Maaaring magkaroon ng may mabahong amoy na inilalabas sa puwerta o lagnat
  • Maaaring makaramdam ng kirot habang nakikipagtalik
  • Naiibsan ang kirot sa paglalapat ng mainit na compress o pag-inom ng mga simpleng pamawi ng kirot
  • Mas kaunti ang kirot dulot ng regla sa mga kababaihang nag-eehersisyo nang regular
  • Maaaring hindi maibsan ang kirot ng pag-inom ng simpleng mga pamawi ng kirot
  • Tumutulong na mabawasan ang kirot ng paggamot ng nakapaloob na dahilan

Magpatingin sa inyong doktor kung mayroon kayo ng anuman sa mga sumusunod:

  • Kayo ay 16 na taong gulang at hindi pa nagsimula ang inyong mga regla
  • Biglang naging hindi regular ang inyong mga regla
  • Pagdurugo sa puwerta sa pagitan ng mga regla
  • Pagdurugo sa puwerta pagkatapos ng pakikipagtalik
  • Pagdurugo sa puwerta pagkatapos huminto ang iyong mga regla sa loob ng mahigit sa isang taon
  • Mga kirot dulot ng regla na nagsisimula sa o pagkatapos ng 40 taong gulang
  • Mas maikli sa 21 araw ang siklo ng regla
  • Malalakas na regla (sumangguni sa ika-4 na tanong)
  • Matitinding kirot sa pagreregla / kirot sa tiyan
  • Huminto ang iyong mga regla sa mahigit sa isang taon ngunit ikaw ay wala pang 45 taong gulang

Mangyaring humingi ng payo mula sa mga propesyonal ng pangangalaga ng kalusugan kung mayroon kang anumang tanong.