Osteoporosis sa mga Kababaihan

(Binago ang nilalaman 10/2018)

Ano ang osteoporosis?

Isang sakit ng metabolismo ng buto ang osteoporosis na humahantong sa pagkabawas sa kakapalan ng buto. Mas bumababa ang kakapalan ng mga naapektuhang buto at nagiging mas marupok ang mga buto, at kaya mas malamang na mabasag, na magreresulta sa pagkabali.

Ano ang relasyon sa pagitan ng osteoporosis at edad?

Sa proseso ng buhay, nagbabago ang laki, hugis at istruktura ng kakapalan ng mga buto.

  • Sa pangkalahatan, pinakamabilis na nabubuo ang masa ng buto sa panahon ng pagkabata at kabataan, at umaabot sa sukdulan nito sa mid-30s. Pagkatapos niyon, napapanatili ang pinakamainam na masa ng buto sa panahon ng maagang pagiging adulto.
  • Mula sa halos edad na 40, nagiging halata ang pagkawala ng masa ng buto, na may yugto ng mas mabilis na pagkawala sa mga kababaihan na papalapit na menopause dahil sa pag-urong ng estrogen.
  • Kapag mas mabilis ang pagkawala ng masa ng buto kaysa sa dapat na mangyari, mangyayari nang mas maaga ang tsansa ng pagkakaroon ng osteporosis at pagkabali ng buto.

Sino ang nasa panganib ng pagkakaroon ng osteoporosis?

Ang mga mayroong mga kadahilanan ng panganib tulad ng:

  • Mabilis na tumatanda
  • Pagiging babae
  • Pagiging Asyano o Caucasian
  • Pagiging kulang ang timbang o may mallit na katawan
  • Pagkakaroon ng kasaysayan ng pamilya ng osteoporosis at pagkabali ng buto
  • Pagkakaroon ng hindi malusog na pamumuhay, halimbawa:
    • Pagkain ng kaunting calcium lalo na ang mga may hindi balanseng diyeta o nagdidiyeta
    • Paninigarilyo
    • Labis na pag-inom ng alak
    • Labis na pag-inom ng caffeine
    • Pagkonsumo ng sobrang sodium (asin)
    • Hindi sapat na ehersisyo
  • Mga taong nakararanas ng ilang sakit, halimbawa:
    • Kakulangan ng estrogen sa mga kababaihan na may wala sa panahong menopause (edad < 40 taong gulang), maagang menopause (edad 40-45 taong gulang) o pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng mga obaryo
    • Mga sakit sa endocrine tulad ng hyperthyroidism
    • Hindi gumagaling na medikal na kondisyon, kakulangan sa bitamina D o sumailalim sa operasyon sa sikmura at bituka
  • Ang mga taong mayroong mga gamutan tulad ng:
    • Pangmatagalang paggamit ng mga steroid o iba pang gamot na maaaring makaapekto sa pagpapalit ng buto

Nagdudulot ba ng pananakit ng buto ang osteoporosis?

  • Karaniwang walang nabubuong sintomas ang osteoporosis sa sarili nito. Kung nangyayari ang pagkabali na may kaugnayan sa osteoporosis, maaaring may lokal na pananakit sa mga lugar ng bali.
  • Maaaring mangyari ang bali dulot ng osteoporosis maging pagkatapos ng medyo maliit na trauma o pagkahulog.
  • Kabilang sa mga karaniwang bahagi ng bali dulot ng osteoporosis ang buto sa hita (malapit sa kasusuan ng balakang), gulugod (vertebrae) at braso (malapit sa pulso).
  • Maaaring mabali ang gulugod nang walang anumang trauma. Maaaring magresulta ang bali sa likod sa pagkakuba at pagbaba ng taas ng katawan, at pananakit ng likod kung minsan.

Paaano maiiwasan at magagamot ang osteoporosis?

  • Bumuo ng malakas at malusog na buto sa panahon ng pagkabata at kabataan.
  • Dalawang mahalagang sustansya ang Calcium at Bitamina D para sa pagkakaroon ng sukdulang masa ng buto.
  • Tumutulong ang pagpapanatili ng malusog na pamumuhay upang mapabagal ang karagdagang pagkawala ng kakapalan ng buto at upang maiwasan ang mga pagkabali sa hinaharap sa mga taong na-diagnose na may osteoporosis.
  • Upang makabuo ng mas matitibay na buto, kailangan nating magsanay ng malusog na pamumuhay:
    • Kumain ng balanseng diyeta na may sapat na calcium at bitamina D
    • Tumutulong ang katamtamang paglantad sa sikat ng araw sa ating katawan na gumawa ng bitamina D, na kailangan sa pagsipsip ng calcium
    • Regular na gumawa ng ehersisyo na pagdadala ng timbang (Ang mga ehersisyo na pagdadala ng timbang ay ang mga aktibidad na nangangailangan sa inyong mga buto na dalhin ang timbang ng inyong katawan, tulad ng Tai Chi, jogging, mabilis na paglakad, pagsayaw, tennis, badminton atbp.)
    • Magpanatili ng pinakamainam na timbang ng katawan.
    • Iwasang manigarilyo.
    • Hindi dapat magsimulang uminom ang mga hindi umiinom para sa nakikitang mga benepisyo sa kalusugan ng pag-inom ng alkohol; para sa mga pumipili na uminom, limitahan ang pag-inom ng alak upang mapababa ang kaugnay na panganib
    • Iwasan ang labis na mga inuming nagtataglay ng caffeine, hal. kape at tsaa
    • Dapat gumawa ng angkop na mga pag-iingat ang mga taong na-diagnose na may osteoporosis upang maiwasan ang mga pagkabali
  • Depende sa mga kondidyon ng indibiduwal, maaaring magreseta ang mga doktor ng mga gamot tulad ng mga suplementong calcium, pamalit sa estrogen, bitamina D, bisphosphonates o calcitonin.

Ano-ano ang magagandang pagkaing pinagmumulan ng calcium?

Magagandang pinagmumulan ng calcium ang mga sumusunod na pagkain Mga Payo sa Pagpili
Mga produktong gawa sa gatas tulad ng gatas, keso at yogurt atbp. Pumili ng mababa ang taba o mga produktong walang taba upang mabawasan ang pagkain ng dagdag na taba at enerhiya

Iwasan ang mga may pampalasang gatas tulad ng gatas na tsokolate, gatas na strawberry o gatas na kondensada, dahil nagtataglay ang mga ito ng asukal

Pagkaing-dagat na nakakaing may buto o balat, tulad ng whitebait, sardinas, tuyong silver fish at tuyong maliit na hipon atbp. Alisin ang sarsa mula sa de-latang isda dahil nagtataglay ang mga ito ng mataas na antas ng sodium at taba
Mga produktong gawa sa soy bean tulad ng tofu (naka-set na may calcium salt), tuyong tokwa, gatas na soya an mababa ang asukal at pinatibay ng calcium, mga pagkaing vegetarian na may soya, stick ng tokwa at piraso ng tokwa atbp. Iwasang pumili ng mga produktong may mataas na taba tulad ng pritong tokwa o bean curd puff
Matitingkad na berdeng madahong gulay, hal. bok choi, broccoli, kale, Chinese spinach at choy sum atbp. Mas malusog ang paggamit ng paraan sa pagluto na may kaunting taba tulad ng paglalaga at pagpapakulo sa sabaw
Mga mani, hal. almond, walnut at sesame, atbp. Pumili ng mga porduktong walang idinagdag na asin at asukal
Mga prutas (kabilang ang mga tuyong prutas), hal. mga orange, igos, pasas, tuyong igos at apricot, atbp. Pumili ng tuyong prutas na walang dagdag na asukal

Ano / Paano ako dapat kumain upang makakuha ng sapat na calcium kung hindi ako umiinom ng gatas?

Kung hindi kayo kumakain ng mga produktong gawa sa gatas, maaari ninyong isama ang iba pang pagkaing mayaman sa calcium tulad ng mga produktong gawa sa soy bean, pagkaing-dagat o isdang kinakain na may mga tinik, matitingkad na berdeng gulay, mga buto at mani sa buong araw, upang magkaroon ng calcium na kinakailangan ng inyong katawan.

Maganda bang pinagmumulan ng calcium ang 'sabaw ng buto ng karne' o 'pork hock na may luya at suka'?

Hindi. Hindi natutunaw sa tubig ang calcium sa karneng baboy o mga tinik ng isda. Kaya, mababa ang nilalaman na calcium sa sabaw ng buto. Mayaman sa protina ngunit hindi sa calcium ang mga itlog at pork hock. Sa katunayan, mataas sa taba ang nilagang ito (lalo na sa saturated fat) at asukal. Subukang limitahan ang pagkain at alisin ang balat at nakikitang taba kapag nagluluto kayo o kapag kumakakin ng mga putaheng ito. Pumili ng karneng walang taba sa halip.

Kailangan ko bang uminom ng mga suplementong calcium?

Kung mayroon kayong ilang kondisyon sa kalusugan (tulad ng lactose intolerance, mga kondisyong nangangailangan ng pangmatagalang steroid therapy, ilang sakit sa bituka tulad ng Sakit na Namamagang Bituka, Irritable Bowel Syndrome, o Coeliac Disease), maaaring hindi kayo makakuha ng sapat na calcium sa pamamagitan ng pagdidiyeta lamang. May iba't ibang compound at dosis ang suplementong calcium. Maaari ninyong naising talakayin sa inyong doktor, dietitian o pharmacist upang pumili ng angkop na suplementong calcium kung kinakailangan.

Paano kumuha ng sapat na bitamina D?

Karamihan sa bitamina D ay ginagawa sa balat kapag nalantad sa sikat ng araw. Ilantad ang mukha at mga braso sa sikat ng araw sa loob ng halos 10 minuto sa kalagitnaan ng umaga o kalagitnaan ng hapon araw-araw. Kailangan ng mas matagal na paglantad ng mga taong may mas matingkad na kulay ng balat o naglalagay ng sunscreen. Bawasan ang direktang pagkalantad ng balat sa sikat ng araw lalo na sa tanghali.

Maaaring makuha ang ilang bitamina D sa pamamagitan ng pagkain ng matatabang isda (tulad ng salmon, sardinas, mackerel, tuna, cod, palos, atbp.), pula ng itlog, gatas o produktong gawa sa gatas/gatas na soya na dinagdagan ng bitamina D, ngunit karaniwang hindi sapat ang pagkain lamang upang masapatan ang inyong pangangailangan.

Kailangan ko bang uminom ng mga suplementong bitamina D?

Maaaring magkaroon ng napakakaunting pagkalantad sa sikat ng araw ang ilang tao at kaya dapat silang humingi ng payo mula sa doctor, dietitian o pharmacist tungkol sa mga suplementong bitamina D. Sila ang:

  • Mga taong may damit na nababalot ang mukha, braso at binti sa karamihang oras;
  • Mga taong namamalagi sa loob ng bahay at pngkakaroon ng napakakaunting pagkalantad sa araw (hal. ang mga nagtatrabaho nang mahabang oras sa loob ng bahay o nakatira sa mga institusyon);
  • Mga taong may mas maitim na kulay ng balat at mayroong limitadong pagkalantad sa sikat ng araw.

Makatutulong ba ang ehersisyong pag-iinat upang maiwasan ang osteoporosis?

  • Tumutulong ang mga ehersisyong pag-iinat upang mapahusay ang pagkaliksi at balanse, ngunit hindi ito sapat upang mapanatiling malusog ang buto.
  • Isiniwalat ng mga pag-aaral na makabubuti sa kalusugan ang 30 minuto ng pisikal na aktibidad na katamtamang tindi kabilang ang ehersisyo na pagdadala ng timbang araw-araw. Upang makamit ang mga benepisyo ng pisikal na aktibidad, hindi mo kailangang gawin ito sa isahang sesyon ngunit maaaring hatiin ang 30 minutong pisikal na aktibidad sa tatlong 10 minuto na sesyon.
  • Tiyaking nasisipsip ang sikat ng araw sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga panlabas na aktibidad.
  • Dapat gawin ang mga ehersisyong pampainit sa loob ng 5 hanggang 10 minuto bagupaman. Ihinto kaagad ang pisikal na aktibidad kung masama ang inyong pakiramdam at humingi ng agarang medikal na payo.
  • Kung mayroon kayong di-gumagaling na medikal na kondisyon, dapat kayong humingi ng medikal na payo mula sa doktor ng pamilya bago simulan ang programa ng pag-eehersisyo.

Paano ko malalaman kung nagdurusa ako mula sa osteoporosis?

  • Partikular na ginagamit ang dual energy X-ray absorptiometry (DEXA) sa pag-diagnose at pagmamanman sa epekto ng paggamot para sa osteoporosis.
  • Sinusukat nito ang kapal ng buto sa pamamagitan ng mga X-ray (karaniwang sinusukat ang mababang gulugod at ang kasukasuan ng balakang).
  • Simple, mabilis at ligtas ang buong proseso.
  • Kung naghihinala kayong maaaring nagdurusa kayo mula sa osteoporosis, mangyaring humingi ng payo mula sa inyong doktor ng pamilya.

Konklusyon

  • Likas na kaganapan ang pagkawala ng mineral ng buto ng pagtanda / kapag tumanda ang isang tao. Maaaring mabawasan ang tsansa ng pagkakaroon ng osteoporosis sa pagbuo ng malakas at malusog na buto sa panahon ng pagkabata at kabataan.
  • Maaaring makatulong ang pagpapanatili ng malusog na pamumuhay upang mapabagal ang karagdagang pagkawala ng masa ng buto at upang maiwasan ang pagkabali sa hinaharap sa mga taong na-diagnose na may osteoporosis.
  • Sa ngayon may mga gamot na mabisang nakakabawas sa pagkawala ng mineral ng buto at pinatataas ang kakapalan ng buto. Kung mayroon kayong anumang tanong, mangyaring humingi ng payo mula sa inyong doktor ng pamilya.