Pagharap sa Menopause

(Binago ang nilalaman 12/2016)

Ano ang Menopause?

Ang menopause ay ang paghinto ng regla. Sa panahong ito, unti-unting bumababa ang secretion ng mga hormon ng babae, na humahantong sa pagkabaog at ilang pagbabagong pisyolohikal at sikolohikal. Kadalasang nangyayari ang mga pagbabago sa kanilang 40s. Ang gitnang edad ng menopause ng kababaihan sa Hong Kong ay 51 ngunit nag-iiba-iba ang talagang edad ng menopasue.

Mga pagbabagong pisyolohikal at sikolohikal sa panahon ng menopause

Mga pagbabagong pisyolohikal

  1. Mga paghapdi

    Dahil sa vasodilatation, maaaring makaranas ang kababaihan ng biglaang panghahapdi, na maaaring kumalat mula sa dibdib patungo sa leeg at mukha. Maaari itong magtagal ng ilang minuto at kadalasang kasama ng pamamawis sa buong katawan.

  2. Palpitasyon
  3. Labis na pamamawis, lalo na sa panahon ng mga paghapdi
  4. Pananakit ng ulo, pagkahilo, pagkapagod, insomnia
  5. Hindi regular na regla

    Maaaring maging hindi regular ang regla bago ang aktwal na menopause. Kung napapansin ng kababaihan na mayroon silang tumagal at malakas na panahon ng regla o pagdurugo ng puwerta pagkatapos ng menopause, dapat silang humingi ng medikal na payo.

  6. Panunuyo ng puwerta

    Maaaring magdulot kung minsan ng kirot habang nakikipagtalik ang nabawasang secretion sa puwerta, vaginal atrophy at nabawasang pagkanababanat ng puwerta.

  7. Osteoporosis

    Pinabibilis ang pagkawala ng calcium sa katawan ng pagbawas ng secretion ng mga hormon, lalo na ang estrogen, na nagiging sanhi na maging hindi siksik at malutong ang mga buto.

Hindi nangangahulugang papalapit na sa menopause ang kababaihang nakararanas ng mga sintomas na ito. Humingi ng payo mula sa inyong mga provider ng pangangalaga ng kalusugan kung mayroon kayong anumang tanong.

Mga pagbabagong sikolohikal

Dumaranas ng depresyon, pagkairita, pagkabalisa, mga pabago-bago ng emosyon o pagkawala ng tiwala ang ilang kababaihang sumasailalim sa menopause. Maaaring makaranas ang ilan ng paghina ng memorya o kahirapan sa pag-concentrate.

Maging positibo sa menopause

Normal at natural na yugto ang menopause sa buhay ng babae. Panandaliang yugto lang ito at hindi isang sakit. Babalik ang lahat sa normal sa sandaling mabawi ang "bagong" balanse ng hormon.

Maaaring makatulong ang mga sumusunod na puntos sa inyo upang harapin ang mga pagbabagong pisyolohikal at sikolohikal sa panahong ito:

Upang harapin ang mga pagbabagong pisyolohikal

  1. Gumamit ng vaginal jelly upang mabawasan ang kawalang-ginhawa habang nakikipagtalik.
  2. Magpanatili ng malusog na pamumuhay upang mabawasan ang panganib ng osteoporosis, sakit sa puso at iba pang problema sa kalusugan.
  3. Kumain ng balanseng diyeta. Kumain ng mas maraming prutas at gulay na nagtataglay ng maraming calcium tulad ng beans, mga produktong gawa sa soya bean, matingkad na berdeng mga gulay, isda at mga produktong gawa sa gatas.
  4. Iwasang manigarilyo at uminom ng alak.
  5. Sumali sa regular na mga pisikal na aktibidad, hal. paglalakad at jogging.
  6. Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga.
  7. Para sa kababaihan may matitinding sintomas ng menopause, maaaring magreseta ang doktor ng hormonal replacement therapy batay sa mga indibidwal na pangangailangan.
  8. Kumonsulta kaagad sa doktor kung mayroon kayong abnormal na pagdurugo sa puwerta.

Upang harapin ang mga pagbabagong sikolohikal

  1. Maging masayahin at positibo.
  2. Ibahagi ang inyong mga pakiramdam at karanasan sa mga kaibigan.
  3. Pagyamin ang inyong pamumuhay sa lipunan at sumali sa mas maraming panlabas na aktibidad.
  4. Ipagpatuloy ang pag-aaral at trabaho.